Past
Excited akong bumaba ng sasakyan at niyakap ang mga kaibigan kong naghihintay narin sa pagdating ko. Nagbatian kami at nagbesobeso halos nakalimutan ko ng kasama ko nga pala si James who insist na ihatid ako dito dahil dito din daw yung way niya. Tinawag ko siyang lumapit sa amin para maipakilala ko siya sa mga kaibigan ko nag-ngitian naman ang mga kaibigan ko habang papalapit si James sa amin.
"Ang gwapo pala talaga" dinig kong sinabi ng isa sa mga kaibigan ko na sinangayunan naman ng lahat.
"Guys this is James and James they are my friends"
Ipinakilala ko sila isa-isa na hindi ko alam kung maaalala niya pa ang mga pangalan nito. Hindi na nagtagal si James dahil pupuntahan niya narin daw ang mga kaibigan niya.
"Bar hopping tayo?" tutal naandito naman kami sa bgc maraming bar dito at kasama naman namin sila kuya Zachat Mj kaya ayos na din.
Pangatlo na angbbar na ito sa papasukin namin. Papasok tapos sabay sabay kaming sasayaw sa enteblado at sisigaw kapag pagod na lalabas at kapag nakabawi na hahanap na naman ng panibagong bar. Nakakapagod pero masaya. Tumingin ako sa kabuuan ng bar sa labas nito. Tumingin ako sa pangalan ng bar na eh akala mo ay Google kung titingnan. Tumakbo na kami papasok doon at nagsimulang ng sumayaw kampante naman ako sa ginagawa ko dahil naandyan ang mga kaibigan ko sinisiguro naming walang mawawala habang nasa alon kami ng mga tao.
"What are you doing?" Napatigil ako sa pagsasayaw ng may bumulong sa tenga ka.
Nanlaki ang mga mata ko ng nakilala kung sino iyon, no way. Napatigil ako sa pagsasayaw parehas kaming nagtititigan. I can't believe na dito kami magkikita hindi, na magkikita pa pala kami. Nagulat ako ng biglang may humila sa akin. Hindi ko alam kung saan kami patungo pero mukang palabas kami ng bar sinubukan kong kumawala pero mukang triple ang lakas niya sa akin. Binitiwan niya na ako ng nasa labas na kami hindi ganun karami ang tao na nasa labas at mukang wala naman silang pake sa amin, sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Akala ko ba may dinner kayo? then why are you here?!"
kumunot ang noo ko sa pagsigaw niya sa akin, umiling-iling siya at nagpameywang sa harapan ko. Ano na naman ba ang problema neto?
"Kanina ka pa niya sinusundan"
Natigilan ako sandali sa sinabi niya. Tumingin ako sa bar saglit at tumuon din sa kanya. Nakapameywang parin siya habang nakatiim baga. Napabuntonghininga ako at umupo sa side walk sumunod naman siya at umupo din siya sa tabi ko.
"Do you know him?" tumingala ako at pumikit para namnamin ng simoy ng hangin sa gabi.
Hinila ko siya para harapin ako parehas kaming mugto ang mga mata
"Bakit? anong rason?!"
sigaw ko sa kanya kahit basag nadin ang boses ko dahil sa kakaiyak.
"Wala na tapos na ayoko na!"
Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko kaya kaagad ko itong pinahid. Tumingin ako kay James na nakatingin din sa akin at may kinuha sa bulsa niya at iniabot ito sa akin.
"Ang panget mo kapag umiiyak" Natawa naman ako sa pang-aasar niya at hinampas siya sa braso.
"That's it I make you smile, para tayong nasa teleserye. Sino ba siya?"
bago ko pa man masabi sa kanya ay nakita ko na si kuya Zach na nagmamadaling lumabas ng bar kasama si Mj. Napakunot ako ng noo dahil parehas silang natataranta mukang hinahanap ako ng dalawang ito. Kaya tumayo ako at kumaway para maagaw ko ang atensyon nila at naagaw ko naman. Tumakbo sila palapit sa akin kaagad akong niyakap ni Zach mukang nakita din nila ang taong nakita ko kanina.
"Ayos ka lang ba? we saw him! muntik ko ng masa---" tumingin siya sa tabi ko na mukang nagulat siya na kasama ko si James.
"Ayos lang ako O.A niyo"
Pinilit kong tumawa para mapagaan ang tensyon na nararamdaman namin. Saksi si Kuya Zach sa nangyari sa akin years ago. Nandoon siya sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon at ganun din si Mj na pinagkwentuhan ko naman ng mga nangyari sa akin noon. Hindi ako umiyak sa harap nila dahil ayokong kaawaan nila ako ipinakita ko sa kanila na kaya ko.
"So paano James alis na kami may shoot pa pala tayo bukas"
nauna ng umalis sila Mj papunta sa sasakyan. Tiningnan ko si James na kanina pa tahimik at nakatingin lang din sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil mukang may gusto siyang itanong sa akin.
"Sino siya?" sabi ko na nga ba eh, ginulo ko ang buhok niya at agad naman niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para matigilan ako.
"Sino siya?" napatingin ako sa kamay niya na nakahawak parin sa kamay ko.
"His from the past James, nakaraan na dapat ng kalimutan. Thanks James una na ako umuwi ka na din ha"
Kanina pa paikot-ikot si kuya Zach sa kwarto ko habang ako nakaupo sa kama at nahihilo na sa kakasunod ng tingin sa kanya. Dito daw siya matutulog sa bahay, ewan ko ba dito. Kesa sa mahilo ako kakatingin sa kanya ay kinuha ko ang libro na binabasa ko every night. Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat.
"What he did on you?!" niyugyog niya ako.
"Zachary nahihilo na ako.." binitiwan niya naman ako at inayos ko ang reading glass ko.
"Wala naman siyang ginawa kaya ayos na okay kalimutan na natin yung nakaraan."
Tumayo na naman siya at nagpameywang kaya umiling na lang ako at ibinuklat ang libro pero hindi pa'man ako nakakasimula ay nagsalita na naman siya.
"Bakit kalmado ka diyan?! diba dapat ikaw yung ganito?" itinuro niya ang sarili niya na nakatayo at mukang ewan.
"Alam mo bang muntik ko na siyang masapak sa bar kanina? hindi pa kita nababawian sa mokong na yun eh. He deserve my punch"
Sumuntok pa siya sa hangin kaya napailing na naman ako sa ginawa niya. Wait so nagkita pala talaga sila, nagtagpo pala talaga ang landas nila.
"I'm okay Zach, pumunta ka na nga sa kwarto mo"
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko sabay akap sa akin. Yumakap na din ako sa kanya nagsimula na siyang paglaruan ang buhok ko.
"Naiinis lang ako dahil isa siya sa nanakit sayo aba ako lang ata pwedeng manakit sayo noh!"
hinampas ko naman siya dahil nagsisimula na naman siyang pagtripan ako. Tumayo na siya, sa wakas.
"For sure hihinto na yun sa paglapit sayo"
paglapit sa akin eh kanina niya lang naman ako nilapitan.
"Bakit?" hindi nakaligtas ang pagngiti niya ng nakakaloko.
"I told him na kayo na ni James" halos ibato ko ang libro sa kanya dahil nandamay pa talaga siya.
"Don't worry tinext ko naman si James at no problem daw. Ayan ah ako na ang gumagawa ng paraan para sa forever niyo."
Tumayo ako sa kama dahilan para tumakbo siya palabas ng kwarto. Tumakbo na ako para maabutan siya pero naisarado niya agad ang pintuan niya. Hindi ko dapat siya tatantanan ng katok kung hindi lang ako pinagalitan nila mama kaya sumigaw na lang ako sa labas ng pintuan niya.
"May araw ka din Zachary!"
BINABASA MO ANG
OnCam Love
FanfictionNauso ang Wattpad hanggang sa isa pelikula na ang ilan sa mga kwento na mula dito. Paano kung dahil dito ay may nabuong Love Team? ang Love Team ng JaDine na sina Nadine Lustre at James Reid na hinangaan ng marami. Totoo nga ba na hanggang OnCam la...