Family Lustre
Dumampi ang malamig na hangin sa balat ko. Malapit na talaga ang pasko. Naiayos na namin ang christmas tree at nagkabit na kami ng mga christmas light.
"Hoy! Anong drama yan? Tara na jogging na tayo"
Inilagay ko muna sa shuffle ang mga kanta sa cellphone ko bago nagsimulang mag-jogging. Kasama ko si Mj siya ang nagyaya na mag'exercise kami. "Kamusta na yung stalker mo?"
Bumagal na ang takbo namin, nilingon ko siya na diretsong nakatingin sa kalsada. Medyo nahihiwagaan ako kung sino ang stalker ko. Madalas siyang magpadala ng mga bulaklak at tsokolate.
"Ewan ko Em, natatakot ako sa kanya na ewan basta!"
Nagkibit balikat na lang siya at nagtanong-tanong pa ng kung ano-ano pa.Lunch time na ng umuwi kami ni Mj. Pinipilit siya ni mama na sa bahay kumain pero ayaw talaga ng loko may pupuntahan pa daw siya. Hindi na namin siya pinilit at hinayaan na lang siyang umuwi.
"Malapit na ang pasko so anong plano?"
Hirit ni papa sa hapagkainan. Nagtinginan kaming magkakapatid at nagngitian ng nakakaloko.
"Papa wala pa kaming plano siguro yung ordinaryo lang. Handaan tapos bigayan ng regalo."
Tumango-tango ako sa sinabi ni kuya. Tiningnan ko ang reaksyon ni Mama at Papa na napatango na lang din.
"Kayong bahala"
Hindi nila alam na may hinanda kaming mga anak nila para sa kanila sa darating na pasko. Panahon na siguro para kami naman ang magbigay ng kasiyahan sa magulang namin. "Meron po palang offer sa'min ang Smart, kami po ang gagawa ng music vids nila for coming christmas."
Tumingin ako kay mama na nakatingin din sa akin.
"Kailan naman yan? Don't tell me kahit pasko busy ka?" May pagtatampo naman sa himig ni papa. Kaya umiling agad ako at ngumiti sa kanya.
"Don't worry pa ang new year at christmas ko ay para lang sa pamilya ko"
Napa weh naman ang mga kapatid ko na isa-isa kong nilakihan ng mata.
"Kailan niyo gagawin ang sa Smart?, natapos niyo na ang para sa Abs diba?"
Kailan nga ulit yun? This coming wed. ba yun?
"Baka this coming week po ma" nag'usap-usap pa kaming mag pamilya sa mga ginagawa namin these past few days."Nadine ikaw maghuhugas ng plates? Nasaan ang katulong?" Luminga-linga pa si kuya sa kusina na mukang hinahanap nga ang mga katulong.
"Wala sila kuya day off ano ka ba, tapos si manang inutusan ni mama"
Lumapit siya sa akin at inagaw ang dishwasher sa akin.
"Kuya ano ka ba! Ako na okay lang kuya"
Inagaw ko ulit sa kanya ang dishwasher.
"Okay ikaw bahala tutal ayoko naman talagang mag-hugas ng plato kunyari lang gusto ko" at nagsimula na siyang humagalpak ng tawa. Itinulak ko siya ng mahina dahil sa inis.
"Kainis ka doon ka na nga maghuhugas na ako ng plato!" Ginulo niya muna ang buhok ko at tatawa-tawa siyang lumabas ng kusina. Patapos na ako sa paghuhugas ng plato ng pumasok ng kusina si mama.
"Anong ginawa mo?"
Kunot noong tanong ni mama na nakatingin sa mga pinggan na pimahugasan ko. May mali ba akong nagawa? Madumi pa baa ng mga piggan at hindi ito pumasa kay mama.
"Pwede mo namang iwan na lang yan kay manang"
Pinunasan ko na ang mga pinggan kahit na pinipigilan ako ni mama. Bakit pa hihintayin si manang kung pwede namang ako na mismo ang gumawa.
"Mama it's not a big deal naman po at ang isa pa ayoko ng may kalat."
Maybe it's because of my disease. Wala naman ng nagawa si mama kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagpupunas ng mga plato para malagay sa tamang lagayan.Ilang minuto pa naman bago mag'simula ang trabaho namin. On time lang kami ni James ng dumating kami sa set, pumasok na kami sa isang maliit na silid. Kumaway pa sa akin ang nakababatang kapatid na babae ni James na nasa labas at pinapanuod kami.kumaway din ako sa kanya at nginitian siya. Nagsimula na kaming umawit ni James, ilang beses na nagtatama ang paningin namin at bawat pagtama nang aming tingin ay siya naman amg pag-ngiti namin ng sabay. Masarap talaga siyang ka'trabaho, it's feel normal. Halos magkalapit na kami ng muka dahil iyon ang nakalagay sa script. Nagulat ako sa muntikan niyang paghalik sa akin kung hindi ko lang naisangga ang cellphone na hawak ko. Natawa naman kami pareho sa ginawa niya. Inayos lang ng kaunti ang video at ayun natapos din naman namin kaagad. Iginiya niya na ako palabas ng music room.
"Kuya! What's that? You planted to kiss ate Nadine?!" Parehas kaming nagulat sa reaksyon ni Chantal. Hindi ko alam kung nagagalit ba siya sa kuya niya o kinikilig na ewan. Nagkibit balikat lang sa kanya ang kuya niya at nginiwian siya. Inatake niya naman ng palo ang kuya niya, mahinang palo lang naman.
"Kuya it's not on the script my gosh! I'm so omo!"
Tiningnan ko si James na nakabusangot na ang muka sa kapatid. I can't help it but to smile, this people is so adorable.
BINABASA MO ANG
OnCam Love
FanfictionNauso ang Wattpad hanggang sa isa pelikula na ang ilan sa mga kwento na mula dito. Paano kung dahil dito ay may nabuong Love Team? ang Love Team ng JaDine na sina Nadine Lustre at James Reid na hinangaan ng marami. Totoo nga ba na hanggang OnCam la...