OnCam 28

50 0 0
                                    

Loved

Kanina pa ako paikot-ikot sa kwarto ko hindi parin ako mapakali sa letter na nabasa ko kanina. Kilalang-kilala ko ang sulat kamay na yun.

Siya din, sigurado na ako na siya din yung nagpadala ng mga bulaklak.

"Nadine"

Narinig ko ang pagtawag ni Papa sa labas ng kwarto ko, binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin si Papa.

"Bakit po?"

Nakita ko ang pagdadalawang-isip ni Papa kung sasabihin niya ba sa akin ang gusto niyang sabihin. Pero sa bandang huli ay sinabi niya parin.



Nang namataan niya ako ay kaagad naman siyang tumayo.

"I'm glad you came"

Pinilit kong umupo na lang kesa' sa kausapin siya. Umorder siya ng fingerfood para sa aming dalawa. Tumahimik na ulit ang mesa ng umalis na ang waiter.

"Wow grabe ang laki na ng pinagbago mo"

Napairap ako sa sinabi niya ayokong magmaldita kaya mas pinili kong manahimik.

Hanggang sa dumating ang inorder niya ay hindi ko parin siya iniimik.

"Let's eat"

Napasinghap ako sa sinabi niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"I'm going, thank you for the treat."

Sinukbit ko na ang bag ko at nagmartsa na palabas ng resto. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin. Hanggang sa nakarating na ako sa kotse ko.

Naramdaman ko na lang ang mga kamay niya sa braso ko. Napapikit ako sa ginawa niya at hinarap siya.

"Bitaw!" mabuti na lang pala at hindi matao dito.

Mukang nabigla siya sa ginawa ko at kaagad din akong binitiwan.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?"

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit inis na inis na ako sa kanya at gusto ko na siyang saktan.

"C'mon I'm sorry okay"

Sinubukan niya na naman akong hawakan kaya tinampal ko na ang kamay niya at tinaasan siya ng kilay.

"Don't act like something never happened"

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay sa ere na parang sumusuko.

"Woah...woah I'm sorry okay"

This time ay sinapak-sapak ko na siya sa dibdib. Kahit galit na galit ako sa kanya ay hindi ko parin magawang kamuhian siya. Siya parin pala talaga yung bestfriend ko.

"Nakakainis ka after we broke-up hindi ka na nagparamdam! nakakainis ka."

Niyakap niya na ako at niyakap ko naman siya pabalik. He is still the best man for me. He is my loved and still he is my bestfriend

"I'm sorry...sorry kasi mas makakabuting sa malayo na lang kita panuorin."

He broke-up with me bago pa ako makabalik ng showbiz. Hindi naman naging masama yung paghihiwalay namin, dahil maayos niya akong kinausap. I understand his reasons, kaya mas pinili na lang naming maghiwalay. Nagdesisyon kaming maging mag-kaibigan na lang ulit. Sa umpisa ayos lang pero ng tuluyan na akong makabalik sa showbiz bigla din siyang nawala.

Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin. Napatingin ako sa lalakeng nakaabang sa labas ng bahay namin. Sasakyan niya pa lang ay alam kong siya na iyon. Bumababa kaagad ako at ng makita niya ako ay nag'jog siya papunta sa akin habang nakatingin sa sasakyan na binabaan ko.

OnCam LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon