OnCam 21

43 3 0
                                    

Gym

January na at mas maraming projects ang inaalok sa akin, even James. Maraming photo shoot and magazines ang nag-iinvite sa akin to be one of them. Kung kaya naman ng schedule ko hindi ko naman tinatanggihan yung mga alok sa akin.

"Bakit ginabi ka?"

Nagulat naman ako kay mama na nakaabang sa pintuan. Humalik muna ako sa kanya bago kami pumasok sa loob ng bahay.

"Akala ko hanggang hapon ka lang doon ah"

Tumabi ako sa mga kapatid ko na pareparehong tutok sa pinapanood na palabas.

"Nagkayayaan po kasi kaming mag-lunch ma"

Mukang nakumbinsi ko naman na siya kaya hindi na siya nagtanong pa ulit.

Nakinuod muna ako saglit kasama ng mga kapatid ko bago nagpasyang umakyat na sa kwarto ko. Inilapag ko muna ang mga gamit ko sa kama ko bago dumiretso sa banyo para mag-shower.

"Good morning, tara kumain ka'na umalis na mga kapatid nagsipasok na."

Hinila ko ang silyang na nasa tapat ni mama. Inabutan niya ako ng plato at baso, nagsimula na kaming kumain. Tsinitsika naman ako ni mama sa mga nagaganap sa akin sa taping ko. Minsan naman nandoon din siya sa mga shooting ko para dalhan ng mga pagkain.

"Excuse me lang po ma"

Biglaan naman kasi ang pagtawag sa akin ni James, lumayo muna ako ng kaunti kay Mama.

"Hello?"

Tumikhim pa siya bago nagsalita
"Are you free today? I just want to Invite you to come with me at Gym, if youre free"

Pumayag naman ako sa pagyaya niya sa akin, hindi lang naman kaming dalawa isasama din namin si Mj na siya ng magsusundo sa akin dito sa bahay.

Mga alas'tres ng hapon namin napagtripang mag-gym.

"Talagang ginawa niyo pa akong third wheel ha"

Iniringan ko naman siya dahil sa sinabi niya. Third wheel? Eh. Sa makati kaming nag-decide na mag-gym. Week ends naman kaya walang makakapansin sa amin dahil sa laki ng mall na iyon.

"No pictures nadz?"

Inalis ko na ang pagkaka'seat-belt ko at tinanguan siya.

"Nandoon na ba si James?"

Pumasok na kami sa Mall na nakasuot ng sumbrero. Napadaan kami sa isang coffee shop kaya agad na akong hinila ni Mj, daya!

Kaagad na nag fist bump ang dalawa pagkapasok namin sa gym. May mangilan-ngilang tao na nandoon. Nahuli ko namang nakatingin si James sa akin. At ng magtama ang paningin namin ay tinaasan ko siya ng kilay.

"First time natin dito Nadz, kukuha ba tayo ng instructor?"

Siguro kukuha na lang kami for this day lang naman, regular na kami sa isang gym sa Quezon kaya ayos na din na subukan lang namin dito.

"I already choose a instructor for you two, by the way thanks for coming!"

magiliw niyang saad, gusto ko sanang mag-boxing dahil kompleto naman ang gym na ito. Pero nag plylo na lang ako dahil wala sa kondisyon ang katawan ko para mag-boxing. Babae ang Instructor na kinuha niya para sa akin. Dalawa sila ni Mj na nagbabarbell try lang daw. Ng medyo napagod na ako ay tumigil na ako at pinanuod na lang silang dalawa sa ginagawa nila. Mukhang hirap na hirap silang dalawa sa ginagawa nila. Bigla namang may tumabi sa akin na lalaki na mukang kakatapos lang ding mag'plylo. Medyo umusog ako para makaupo siya. Nagkatinginan kami at nagulat ako ng ngitian niya ako kaya nginitian ko din siya. Maputi siya sobra! Nakakahiya namang tumabi. Mukang may half ang lalaking ito dahil basi na din sa features ng mukha niya.

Nagitla naman ako ng may tumikhim sa tabi ko. Si James pala ito na sinulyapan ang lalaking nasa tabi ko. Inabutan niya ako ng tubig at tinalikuran ako akala ko naman ay babalik ulit siya doon kay Mj pero nagulat ako ng pumagitna siya sa'amin nung lalaki. Medyo napakunot tuloy ang noo nung lalake, aba't umaandar ata ang kasupladuhang taglay ni mr.wolf
"Minsan kapag niyaya kitang mag-exercise just wear a t-shirt and legging it's look comfortable thou"

Muntik ko ng maibuga ang tubig na nilalagok ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong ginawa niya at umalis sa tabi namin yung lalaki at lumipat sa ibang upuan.

"Mas komportable ako sa ganito James"

Ngumuso lang siya at tumingin sa malayo, he's a caring person. Pinanuod ko na lang ulit si Mj na mukang gusto talagang magpabatak ng katawan. Natawa naman ako sa iniisip ko. Naagaw ko pala ang atensyon ni James na kubot noong nakatingin sa akin.

"What?"
Bumalik ang tingin niya kay Mj

"Mj is just your bestfriend, right? Or you two is dating?"

Nanlalaki naman ang mga mata ko sa tanong niya. Aminado naman ako na nag-oopen kami sa isa't-isa ng mga personal na buhay pero minsan ako talaga ang maraming tanong sa kanya. Kaya nagulat ako na siya ang nagsisimulang magtanong at dito pa talaga sa gym.

"We're dating actually"

Yung date ng mga magkakaibigan madalas kaming lumabas para mag-bonding. Date na din naman ang tawag doon diba? Yung date ng mga magkakaibigan hindi ko maalala ang tawag doon.

"Wow that's great, let's go I think his done"

Malamig niyang tugon at nauna ng tumayo sa akin. Sumunod naman ako sa kanya na papuntang
counter. Inilabas niya ang pitaka niya mukang magbabayad na siya kaya inilabas ko na din ang pitaka ko. Pag-angat ko ng ulo ko ay nakakunot ang kanyang noo habang tinitingnan ang pitaka ko.

"Bakit?"

Inilingan niya ako at hinila na ako papunta kay Mj. Binayaran niya na ba? So libre niya pala to' grabe wala ng shower-shower na naganap kasi gusto niya na daw umuwi.

Nasa kalagitnaan na kami ng quezon city ilang oras na kaming na stack sa traffic. Naghanap na lang ako ng mga disc sa kotse ni Mj para mag'soundtrip dahil nabuburyo na ako. Napansin ko naman na kanina pa siya nakatingin kaya pagkatapos kong makapili ng kanta ay umayos ako sa pagkakaupo at tumingin na lang sa labas ng bintana.

"Nag-talo ba kayo ni James?"

Nagtalo ba kami? Sa pagkakaalam ko nag-usap lang naman kami at walang naganap na pagtatalo.

"Iba kasi mood niya ng pauwi na tayo, I saw you two talking each other"

Bahagya akong napatango at inisip kung may nasabi ba akong mali at mukang nabadtrip siya. Ang huli naming usapan sa gym ay nung nagtanong siya about saamin ni Mj. Sinabi ko naman kay Mj kung anong napag-usapan namin.

"I smell fishy hah"

Yan ang respond niya sa kwento ko, hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay ko. Pero bago ang lahat tatanungin ko muna siya sa fishy'fishy na yan.

"Ano ba yun Em, ano bang fishy hah?"

Natatawa niya akong pinagbuksan ng pintuan at sapilitan niya na akong pinapababa ng sasakyan sama talaga mg ugali pero biro lang.

"Umuwi ka na nga"

Wala na akong nagawa kaya lumabas na ako ng sasakyan niya pero bago pa'man niya ako matakasan hinila ko na ang patilya niya. Medyo napalakas ata ang hila ko kaya humingi kaagad ako ng despensa.

"Pumasok ka na nga at baka makalbo ako sayo!"

Pabiro niya akong tinutulak sa gate namin. Hindi na ako nakipagtalo pa kaya pumasok na ako ng bahay.

OnCam LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon