Mr. A
Pareho kaming napasalampak sa mga higaan namin. Kakatapos lang ng shooting namin sa upcoming teleserye namin. Napatingin ako sa kanya na nakapikit na mukang hindi pa naman malalim ang tulog niya.
"Kumain ka muna"
Gumalaw siya para akapin ang unan niya. Napabuntong hininga na lang tuloy ako mukhang pagod talaga siya. Kagagaling niya lang kasi sa isang photo shoot tapos diretso agad dito.
"Don't worry Naddie Im full"
Wala na akong nagawa hinayaan ko na lang siya magpahinga, mamaya pa naman ulit ang shooting naman kaya pinagpahinga muna kami.
Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Nagising ako dahil sa mga bulungan na nadidinig ko. Napatingin ako sa paligid, wala namang tao kahit si James wala na din sa pwesto niya. Nasaan na sila? Anong meron?
"Ayan na gising na siya"
Napatingin ako sa mga katrabaho ko na ngiting-ngiti sa akin. Ano bang meron? Nasaan ba si James ng malaman ko kung anong meron at bakit ganito sila.
Hinanap ko siya at nakita ko naman siya na nakasandal sa sasakyan niya. Mukang hindi niya naramdaman ang pagdating ko. Nakapikit ang mga mata niya habang nakasandal sa sasakyan sarap kuhanan pang model ang peg. Kinapa ko ang cellphone ko sa buksa ko para kuhanan sana siya.
"You need to pay for that stolen"
Halos maihulog ko ang cellphone ko dahil sa gulat. Agad naman akong nakabawi at ibinalik na lang cellphone ko sa bulsa ko. Lumapit ako sa kanya at sumandal na din sa sasakyan. Ang ganda ng langit ngayon punong-puno ng bituin bagay na bagay sa sariwang hangin.
"Kapal ha, anong meron doon?"
Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin. Kumunot ang noo niya at parang may mali akong nasabi. May mali nga ba? Minsan talo ni James ang mood swing ko.
"Why don't you ask your stalker"
Ha? Napakunot na din ang noo ko. Stalker? Naglakad na siya pabalik sa set kaya sumunod na din ako sa kanya. Kahit na gulong-gulo ako. Stalker? Oh my goodness! I knew it!
Tumakbo ako palapit sa kanya pero bago pa ako makalapit sa kanya may bulaklak na humarang sa view ko. Narinig ko ang mga tilian ng nga katrabaho ko at ilan sa mga kaibigan ko."Ayyiiieeee! Haba ng hair! Ayan oh may nagpadala may kasama pa yang fruits and chocolates"
Si Mr. A ito diba? Alam kong siya ang nagpadala ng mga bulaklak na iyan dahil siya lang ang nagpapadala ng mga pulang rosas na yan. Kinuha ko ang mga bulaklak at ipinasok sa tent. Naabutan ko naman si James na busy sa cellphone niya. Hindi man lang ako pinansin ng loko.
"Gusto mo ng chocolates? May mga prutas din"
Inilagay niya sa side table ang phone niya bago siya lumapit sa akin para tingnan ang mga prutas. Kinuha niya ang mansanas, maraming prutas mga isang basket siguro ipapamahagi ko din ito sa mga staff pagdating na lang ni Mama.
"He's courting you? Seriously a basket of fruits? Is he visiting a patient?"
Hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Minsan talaga may pagka antipatiko ang isang ito. Ewan ko ba. Napailing na lang ako at hinugasan ang apple na kinuha niya. Minsan ayokong mag-aasume sa nararamdaman ko at isa pa kaibigan lang ang turingan namin matalik na magkaibigan at sa career ang focus namin. Iniabot ko ang Apple na hinugasan ko pero tinanggihan niya naman yun, ano bang problema ng isang'to.
"I'm full, by the way we're having a kissing scene..hmm brush your teeth after that."
Humalakhak pa siya kaya binato ko na siya ng unan minsan talaga may kahanginan itong si James. Habang wala pang ginagawa ay nanuod pa kami ng mga JaDine videos na galing sa mga Supporters namin. Parehas kaming napapahalakhak dahil sa mga videos na inedit nila. Sobrang naappreciate namin ang mga suportang ginagawa nila that's why na mas ginagalingan namin.
"James and Nadine be ready in 10 minutes. We will call you for the next shoot."
Naghanda na nga kami may ilang scene na natatawa ako dahil sa mga cameraman. Nailang pa ako dahil sa kissing scene. Hindi naman ito ang unang beses na may kissing scene kami pero naiilang ako dahil sa mga tingin niya. For sure pinagtritripan na naman ako ng isang ito. Ilang beses ko din tuloy siyang nahahampas sa braso.
"What I'm just smiling?"
Talagang sinisi ko siya kaya nakailang take kami paano natatawa talaga ako. Dagdagan mo pa ng mg taong nakapaligid sa amin na biglang may mangingisay oo mangingisay talaga. Inagaw ko ang kumot niya hindi namn siya nagreklamo. Tabi kaming matutulog , isang kwarto lang kasi ang nakuha sa hotel na tinuluyan namin. Kasama din naman yung mga make-up artist at syempre managers namin.
"Nadine may tumawag galing sa reception may deliver daw para sayo"
Deliver? Wala naman akong inaasahan na may mag dedelive na kung ano sa akin. Baka nakalimutan ko lang, nagpasama ako kay James na pumunta sa reception gabi naman na kaya wala ng gaanong tao sa hotel. Tinatakot niya pa ako na may nakikita daw siyang multo dito sa hotel syempre tinatawanan ko na lang ano ako bata na matatakot? Eh ang liwalawanag sa buong hotel.
"Yes po ma'am meron nga po"
Sabi niya habang nakatingin kay James na busy naman sa pagtingin sa paligid na pati ako ay napatingin na din. Bumalik lang ang tingin ko sa ateng nakamagnet na ata ang tingin kay James. Mukang napansin niya na din ako kaya kinuha niya ang isang Rosas may letter na kasama. Nandoon na din ang atensyon ni James na kunot ang noo. Kinuha ko yun at nagpasalamat kay ate.
"Another flower?"
Nginitian ko siya at kinindatan kaya napahagalpak na naman siya ng tawa at inilingan ako. Umupo kami sa hagdan ng hotel oo sa hagdan talaga.
"Iba talaga ang kamandag ko"
White yung kulay nung rose kinuha ko ang letter pero inasar ko muna si James na atat ding basahin ang letter. Gusto niya na ngang agawin yung letter pero sorry siya magaling akong umiwas.
"Ayos to free coffee"
Yung nakalagay sa letter is for my favorite companion daw is yung coffee kaya may isang bill doon for black coffee sa Bo's. Inasar pa nga ako ni James na ipagtitimpla niya na lang daw ako pero nakakapanghinayang naman kung babaliwalain ko yung binigay saakin ni Mr.A
Isinama ko si James take note sapilitan ayaw niya daw kasing magkape. Alien talaga itong isang ito. Talagang nagtatalo pa kami habang papasok sa isang coffee shop.
"No I think Hot chocolates would be nice than coffee"
kanina niya pa ako binabara tungkol sa pagiging coffeeholic ko, nothing bad with that. Hindi talaga siya umorder ng kahit ano kahit inalok ko na ay ayaw niya daw. Ayun pinapanuod niya lang ako sa pag-inom ko ng kape. Maya't-maya tuloy ang irap ko sa kanya dahil ang sama niyang makatingin sa akin ay mali sa kape pala.
"Tch. a one cup of coffee, seriously" kanina pa talaga mainit ulo niya kay Mr.A eh' kanina niya pa minamaliit ito.
Ibinaba ko ang tasa at bumaling kay James na nakatingin din sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at ganun din ang ginawa niya. This is not being Assumera or somehow pero kanina niya pa talaga inaasar yung stalker ko oo stalker ko.
"James tell me, perhaps...you know who's Mr.A and you doesn't like him or what?"
Kumunot ang noo niya at nangalumbaba siya kaya malipit ang mukha niya sa akin. Medyo napaatras ako kasi nakakaduling. Tumingin ako sa labas gabi na talaga we're lucky na 24 hours dito. I'll look at him again na asa ganun pa' din siyang posisyon.
"Nads what I'm...."
pinabitin niya talaga 1 minuto na ang lumipas hindi parin niya dinudugtungan ang sinasabi niya. Umayos ako ng upo kung wala naman pala siyang planong sabihin then we should leave now. Sinabi ko sa kanyang bumalik na kami sa hotel. Tumayo na ako at aambang tatalikod na pero hinila niya ako dahilan para mapaupo ulit ako, what's wrong with this guy?!
"Ahmm..Never mind let's go" tumayo na nga kami para umalis, nas likuran ko siya habang tinatahak ang papunta sa sasakyan niya.
"I don't like somebody liking you"
humarap ulit ako sa kanya at mukang nagulat siya sa ginawa ko."James did you say something?"
Agad siyang umiling at pinatunog ang sasakyan. Kaya pumasok na kami sa sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
OnCam Love
FanfictionNauso ang Wattpad hanggang sa isa pelikula na ang ilan sa mga kwento na mula dito. Paano kung dahil dito ay may nabuong Love Team? ang Love Team ng JaDine na sina Nadine Lustre at James Reid na hinangaan ng marami. Totoo nga ba na hanggang OnCam la...