OnCam 27

59 1 0
                                    

Saturday

Sabay kaming naupo sa couch na nakahanda para sa amin. Katatapos lang ng pictorial namin para sa isang magazine, tumingin ako kay Mama na busy sa mga dinala niya kaya bumaling na lang ako kay James.

"Messy na yung hair mo" linapit niya yung ulo niya sa akin para ipaayos ang buhok niya.

"Ayan gwapo na ulit" nagpogi pose naman siya kaya natawa ako sa ginawa niya.

"Ayan kumain na muna kayong dalawa, Nadine uuwi ako kaagad walang mag-aasikaso sa kapatid mo"

Nilagyan ko ng adobo yung plato ni James na niluto ni Mama. Sinabihan ko na si Mama na wag ng mag-abala pero sabi niya siya naman yung nag-insist kaya okay lang daw. Malapit lang kasi sa'amin itong lugar na'to kaya sumadya na talaga si Mama. Hindi niya kinakalimutan sa menu niya ang Adobo kasi favorite daw ni James. Tinawag pa ni Mama ang ilan sa mga staff at pinaghanda niya din ng mga pagkain.

"Naku Nadine alam na namin kung kanino ka nagmana!"

Napangiti naman ako at nagpasalamat, mukang kailangan na ni Mama umalis kaya nagpaalam na siya sa'amin kailangan niya pa kasing pumunta sa school ng bunso kong kapatid para sa meeting ata hindi ako sigurado eh. Pinahatid ko siya sa personal driver ko, na si papa ang nag-suggest kahit hindi ko naman talaga kailangan.

"Ang sarap talaga ng luto ni Tita, minsan nahihiya na tuloy ako"

Tumingin ako sa kanya na mukang busog na busog at naupo sa tabi ko. Kakain niya lang uupo na kaagad? sa bagay ako din umupo na kaagad kasi pagod pa ako siguro ganun din siya.

"Nahihiya? weh?"

Inirapan ako ng mapupungay niyang mata. Pagkatapos nun ay tahimik na wala ng nagsasalita sa'amin at naramdaman ko na lang ang pagsandal niya sa balikat ko. Natutulog siya? ginalaw ko ang balikat ko para pakiramdaman kung gising pa ba siya. Ay knock out na si koya.

"James kakakain mo lang, gising hoy!"
kumislot siya pero ganun parin siya nakasandal parin sa akin.

"I'm awake don't worry."

Napabuntong-hinga na lang ako at hinayaan siya. Kinuha ko ang phone ko para bisitahin ang mga accounts ko sa social media. Inopen ko ang Instagram ko at nag scroll-down sa Dm ko at isa lang talaga ang nakaagaw ng attention ko. Gusto kong ibato yung phone ko kasi ito na naman nagpaparamdam na naman siya hindi pa ba sapat yung pananakit niya noon? bakit naandito na naman siya? bakit?! Ano to find the X and Y?! hindi ko na napigilan yung sarili ko na bisitahin ang account niya. Habang tinitingnan ko ang mga pictures niya ay gumalaw na si James mukang gising na kaya itinigil ko na din ang ginagawa ko. Tiningnan ko siya na seryoso namang nakatingin sa akin, hindi ko kayang salubungin yung mga tingin niya kaya napaiwas na lang ako pero hinawakan niya ang magkabila kong pisngi kaya wala na akong takas. Nagulat ako ng pinahid niya ang hinlalaki niya sa gilid ng mata ko. Umiyak ako?! napalayo ako sa kanya at ako na ang nagpunas ng mga mata ko.

"I'll go ahead I think they're calling us. Retouch your make up."

Ganun nga ang ginawa ko niretouch ko ang make-up ko. Habang nakaharap ako sa salamin ay may naaninagan ako na may lalakeng nakatayo sa gilid ng pintuan. Napatigil ako sa ginagawa ko ng makilala kung sino ang nasa pintuan. Nilingon ko siya at nandoon parin siya na nakatingin sa akin at may bitbit na mga rosas na pula. Anong ginagawa niya dito? dumating naman si James na kunot ang noong nakatingin din sa kanya. Lumapit sa akin si James at hinawakan ako sa beywang.

"Do you know him? that guy?" pabulong niyang tanong sa akin, tumango naman ako na diretso parin ang tingin sa lalakeng may dalang rosas.

"Is he courting you?" Pabulong niya paring tanong.

Is he courting me? I think he's not courting me and If his going to court me then sorry. Past is Past and Ex is ex, yes he's my Ex.

"Nadine James! ano ba kanina pa kayo hinihintay hali na kayo't magsisimula na tayo!"

Inakay naman ako ni James na nakapulupot parin ang braso sa baywang ko.

"Sino ba siya? stalker ba yun?" ganun parin ang posisyon ng kamay niya, hinayaan ko na lang.

"Sira, hindi ko stalker yun ano ka ba" Malayo pa lang ay nadidinig na namin ang sigawan sa shooting area kaya mas dinoble na namin ang paglalakad.

"He's my Ex James. Let's go"

Kanina pa siya nakatitig sa akin simula ng pagkuha sa amin ng mga litrato. Ewan ko ba at kahit tapos na ang shoot ay ganun parin siya. Hanggang sa pag-aayos ko ng gamit ay ganun parin siya. Isinara ko na ang maleta ko at ibinigay kay Manong driver. This time ay lumapit na ako sa kanya at tinitigan din siya habang nakakunot ang noo.

"Kanina ka pa nagnanakaw ng tingin ipapahuli na kita sa pulis"

Natawa naman siya sa sinabi ko at tinabihan siya. Pareho kaming nakatingin sa puting pader. Ilan lang sa mga kaibigan ko ang nakakaalam ng buong pangyayari sa past relationship ko. Isang beses lang akong umiyak nun nung panahon ng break up namin sa harap niya ako umiyak. Then wala na hindi na ulit ako umiyak hindi ko na ulit siya iniyakan at hindi na ulit namin pinag-usapan ng mga pinsan ko at mga kaibigan ko ang tungkol sa kanya.

"What happened? why you broke up with him?" Sinulyapan ko siya saglit at tumuon ulit sa pader.

"He broke up with me James"

Tumingin siya sa akin ganun din ako at pinilit na ngumiti sa kanya.

"Tara na nga umuwi na tayo!"

Ayoko ng pag-usapan pa kaya naman tumayo na ako at mukang nakuha niya naman yun. Kaya tumayo na din siya, nagsimula na kaming maglakad palabas ng building.

"We're same...Ako din ang nakipag break"

Akala ko naman hindi na namin pag-uusapan ang tungkol sa ex ko pero mukang may mga tanong pa siya. Maybe in the right time ay masagot ko yung mga tanong na yun, this is not the right time.

"Hindi kayo magkapareho iba ang rason niyo at yung rason mo mas maiintindihan ko. So pano' mauna na ako ha, ingat ka"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot dumiretso na ako sa sasakyan ko kung saan naghihintay na si Manong. Nagsimula ng paandarin ang makina ng sasakyan ay nandoon parin siya at nakatingin lang sa'amin.

"Hoy! kainin ka ng lupa diyan sige ka! Bye Ingat ka!" binuksan ko ang bintana at sinigawan siya.

Mukang nagising naman siya sa pagkakatulala, napangiti naman ako ng tumingin siya sa akin at kinawayan ako. Kumaway din ako sa kanya at isinara na ang bintana ng kotse. Napakunot ang noo ko dahil sa mga bulaklak na nasa back seat.

"Mang Din kanino po ito galing?" kinuha ko iyon at may note doon.

"Iyan po ba ma'am iniabot po sa akin nung lalake. Ayaw po magpakilala basta daw po iabot ko na lang sayo."

binasa ko ang note na nandoon na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

I'm Happy for you.

OnCam LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon