OnCam 23

47 1 0
                                    

Shopping

Sa sobrang init na papunta ako sa isang Ice cream sa'amin para bumili ng Ice cream. Wala gaanong tao dahil weekdays ngayon at halos lahat sa mga kapit bahay namin ay nasa kanya-kanyang trabaho o di kaya nasa eskwelahan.

"James?!"

Halos maibuga ko yung Ice cream na kinakain ko ng makita ko siya na palabas na din ng icecream parlor. Pinagbuksan niya ako ng pintuan habang nakangisi. Ano naman ang ginagawa neto dito, Makati to Quezon?

"Bakit ka naandito?"

Hinila niya ako papunta sa sasakyan niya. Binuksan niya ang pintuan pero hindi ako pumasok doon. Kailangan niya munang sagutin ang tanong ko, baka kasi may problema siya.

"Let's go shopping"

Nakapamewang na ako sa harapan niya. Aba't ano na naman kaya ang trip neto at nag-aayang mag-shopping. Tinaasan niya ako ng kilay saka siya umiling-iling habang nakangisi.
Minsan talaga may pagka-weird ang isang to'

"denim and white short hah"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka niya inabot ang rayban niya.

"See perfect, you can hire me as your artist"

Napailing na lang ako sa kanya at sumakay na sa sasakyan niya. Inabot niya sa akin ang phone niya. Nagsimula na siyang magmaneho.

"So saan tayo pupunta?"

Napatingin ako sa kanya at hindi ko mapigilan ang pagtingin sa muscle niya na nagfle-flex dahil sa pagmamaneho niya. Napansin ko naman ang pag-ngisi niya kaya bumaling na lang ako sa cellphone niya.

"Sa Aura, kumain ka na?"

Aura so sa The fort pa ang way namin. Ginugutom pa naman din ako.

"Hindi pa pero sa aura na lang tayo kumain before tayo mag shopping"

Sa food court kaagad kami dumiretso at kumain na muna. Patapos na ako samantalang siya nangangalahati pa lang sa pagkain niya.

"James so gagamitin mo ba yung pinatago mong pera?"

Napalingon ako sa likuran ko dahil nandoon ang buong atensyon niya. May iilang tao na kumakain din sa foodcourt pero halos tumalon ang puso ko ng makita kung sino yung tinitingnan niya. Hindi naman siguro siya yun nagkakamali siguro ako.

"So where we go first?"

Pinilit kong kalimutan yung nakita ko kanina. Napatingin ako kay James na mukang kanina parin nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at hinila siya papunta sa isang section ng damitan. Lumapit siya sa akin at tiningnan din ang crop top na hawak ko.

"What do you think?"

Tumango-tango siya at tumingin pa sa ibang damit na naroon.

"This one is fit on you"

Ipinakita niya sa akin ang isang white off shoulder na damit. He had a taste on fashion kaya minsan siya mismo ang namimili ng susuotin ko. Ako muna ang namimili ng mga damit then mamaya siya naman.

After namin mamili ng mga damit ko siya naman ngayon ang namimili. Tumitingin-tingin din ako ng mga damit when someone bump on me.

"I'm so sorr-- holy! Nadine? oh my goodness can I take a picture with you?"

Napatingin ako kay James na nakatingin din sa'amin.

"Salamat po ma'am salamat"

Umalis na yung lalaki kaya bumalik na ako kay James. Inakbayan niya kaagad ako pagkalapit ko sa kanya. Sanay na ako sa mga galaw niya and he always like this, sweet.

Sa bawat pinipili niyang damit ay tinatanong niya ako kung okay lang ba sa akin' ang mga damit na pinipili niya. Minsan nag-aasaran pa kami sa mga damit na pinipili niya.

"This is too much"

Dinala niya sa counter ang mga napili niya. Hinanap ko kaagad ang Atm niya sa bag ko, pinahawak niya kasi sa akin.

"It's enough?"

Tumango ako sa kanya at tumingin sa cashier na nakangiti ding nakatingin sa'amin kaya nginitian ko din.

"Thank you ma'am and sir come again"

Namasyal pa kami at ng mapagod kami nagpasya kaming pumunta sa isang café dito sa BGC. Safe naman kami kasi hindi naman ganun karami ang tao ngayon dito sa BGC kung may mga tao man mangilan-ngilan lang and they're too busy para mapansin kami.

"Naddie what's your plan this summer?"

Plano kong' pumunta ng palawan kasama ang pamilya ko at mga kaibigan. Hinihintay niya ang sagot ko napatingin ako sa mapupungay niyang mata na nasa akin nakatingin. Napaiwas ako dahil sa mga tingin niya at napahigop na lang sa inoming inorder niya.

"Hmm..sa Palawan siguro kami this summer"

Nangulumbaba siya sa mesa at pinaglaruan ang tissue na nandoon. I think his bored, tiningnan ko ang relo ko hapon na pala.

"Let's go home baka maabutan pa tayo ng traffic"

Halos maubos na ang laman ng playlist niya halos na' sa isang oras na kaming nastack sa trapik. Nagtatalo pa kami sa ilang mga bagay na napagkwekwentuhan namin.

"Badtrip naman to eh"

Sumimangot ako at tumingin na lang sa labas nasa shaw pa lang pala kami. Tumingin ako sa kabilang way traffic din doon kahit pala weekends traffic parin. Matatrapik pala si James mamaya pagkatapos niya akong ihatid?

"I told na I bring my car na lang, see it's traffic mapapalayo kapa tuloy."

Nagkibit balikat lang siya at sinabayan ang musika. Hindi din talaga matigas ulo ng Reid na ito.
Halos dalawang oras kaming nasa trapik bago kami nakarating sa quezon.

Pagkapark niya agad siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pintuan. Bumaba naman ako kaagad at sumilip sa bahay.

"Baka gusto mong punasok na muna?"

Sumilip din siya sa bahay at nagpamulsa habang nakatingin parin sa bahay.
Maaga pa naman kaya for sure gising pa sila at paniguradong katatapos pa lang nilang maghapunan. Tumingin ako sa mapupungay niyang mata na akala mo ay inaantok. Maganda rin ang ilong niya na saktong-sakto ang pagkatangos. Ang his Lips okay I admit it's attractive. Teka?! Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? At sa harap pa niya naku nadine. Bahagya kong iniling ang ulo ko ng mawala ang mga iniisip ko.

"Pumasok ka na"

Iginiya niya pa ako sa harap ng gate namin.

"Hindi ka papasok?"

Umiling siya at ginulo ang buhok ko.

"Gotta go, thanks for this day"

Nagtalo  pa kami bago ako nakapasok ng bahay paano gusto niyang pumasok na muna ako ng bahay bago siya umalis. Ang gusto ko naman ay makita muna siyang umalis bago ako pumasok ng bahay. Ang 1 point for Nadine.

OnCam LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon