Summer
Pare-parehas kaming napabagsak sa kama medyo nakakapagod ang byahe papunta dito sa palawan. Kasama ko ang pamilya ko at mga relatives may ilan din akong mga kaibigan na isinama. Dito namin napagkasunduan na magbakasyon ngayong summer sa palawan.
"Grabe nakakaloka ang byahe"
Sumang-ayon naman ako sa kanya papunta palang ng airport sa maynila ay nakakapagod na dahil sa traffic. Siguro magpapahinga na muna ako tapos mamayang gabi na lang ako babawi kahit alam kong hindi ko naman makikita ang ganda ng palawan sa gabi pero malalanghap ko naman ang sariwang hangin.
Naalumpungatan ako dahil sa mga bungisngisang nadidinig ko. Iminulat ko ng kaunti ang kanang mata ko. Nagsisipagpalit ng bikini ang mga pinsan ko. Napansin ata nilang gising na ako kaya hinila na nila ako patayo at pinipilit na sumama sa swimming night nila. Hindi na ako nakaalma dahil itinulak na nila ako sa banyo.
"May pool ba dito?"
Mukang sa rooftop kami ng hotel papunta, hindi ko sigurado kung may pool dito dahil sila naman ang namili nitong island.
"Oo maganda doon promise lalo na yung lights nila. May mga gwapings pa!"
Napailing na lang ako sa kaibigan kong bakla na nangunguna sa amin sa paglalakad.
"Malay mo doon ko matagpuan ang forever ko Hahahaha!"
Pinalo ko naman sa braso ang pinsan ko kay bata-bata pa eh si forever na ang hinahanap. Sinimangutan niya naman ako kaya nilakihan ko naman siya ng mata.
Totoo nga maganda nga ang pool ng napili naming hotel. May mini bar din ito, hindi ganun karami ang naliligo sa pool. Parang bula namang naglaho ang mga pinsan ko at kaibigan na dumiretso na sa pool.
Umupo naman ako doon sa mini bar at umorder ng pineapple juice. Wala pa nga pala akong kinakain. Tiningnan ko na lang sila na nag-eenjoy sa paliligo."Ms.Nadine good evening po mukang wala si Sir James ah"
Tumingin ako sa bartender na naghahalo pa ng alak na tumitingin sa paligid ko na mukang hinahanap si James na wala naman.
"Sige po ma'am maiwan ko lang kayo saglit, enjoy your night ma'am"
Napakunot naman ang noo ko sa bartender na yun. Minsan talaga ang mga tao ay may pagka'weird.
"Aaahhh! KAINIS KAYO!"
Natatawa kong sigaw sa kanila na sinabuyan ako ng tubig galing sa pool. Kanina ko pa kasi sila tinatanggihan. Ayoko kasing maligo pero wala na basa na ako eh.
"Maliligo na yan! Maliligo na yan!"
Sabay-sabay nilang sigaw dahil ayoko namang magpaka Kj at nahihiya na ako sa ingay nila kaya tumalon na ako sa pool. At halos magulo ang mundo ko ng sabay-sabay nila akong sinasabuyan ng tubig kainis talaga itong mga to'
"Tingnan mo yun ate Nadine"
Nginuso niya ang foreigner na nasa bandang dulo ng pool na nakatingin sa amin.
"Kanina pa yan nakatingin sayo naku type ka ata"
Hinampas ko naman siya sa braso at niyaya na siyang umahon. Ilan pa sa mga pinsan ko ang nag-eenjoy sa paliligo kaya naupo na lang kami. Sinilip ko ang cellphone ko na may ilang mensahe at isa na doon ay galing kay James.
James: I saw your latest post on your IG. Palawan girl take care!
Natatawang napailing ako sa mensahe niya. Kainis tong pinsan ko na pilit ding nakikiusyoso sa cellphone ko. Hala grabe talaga itong mga to!
"Si kuya James iyan ano? Ayieee!!!"
Nag-init naman ang pisngi ko kaya inirapan ko na lang siya at kumuha na ng bath robe dahil giniginaw na ako.
Mamaya ko na lang siguro siya rereplyan if I know may lakad din yun ngayon with his bru's.Maghahating gabi na kaming bumalik sa suit namin at halos tulog na ang mga oldest na kasama namin. Kaya nagdahandahan din kami para hindi sila maabala sa pagpapahinga nila.
"Bonfire tayo"
Pabulong na sinabi ng kaibigan ko matapos kaming makapagbanlawa at makapagbihis. Tiningnan ko ang wall clock, madaling araw na pero hindi naman siguro delikado dito.
Nagbonfire nga kami at nagkakwentuhan na kung saan-saan napadpad at ito na nga ba ang iniiwasan ko.
"Naka move-on ka na sa kanya ate?"
Ano ba yan daig pa nila ang mga reporters na nakakaharap ko. At mas kinakabahan ako sa kanila.
"Oo naman! I mean hindi ko pa siya nakakalimutan pero yung kung anong naging meron kami noon. Wala na tapos na ayos na"
Mukang sumang-ayon naman sila sa sinabi ko at dapat lang naman talagang sumang-ayon sila. Matagal na yun at nakamove-on na ako sa bagay na yun.
"Pero ate akala ko noon forever na kayo, I mean kitang-kita ko sa inyo yung alam mo yun yung meant to be"
Ako din akala ko din na till the end kami na talaga na kami ang itinadhana. Pero sa edad naming iyon wala pa pala talagang forever. Siguro darating ang forever kapag nasa tamang panahon na. Kung kayo edi kayo.
Napagplanuhan namin na mag Island hopping kaya maaga pa lang ay naghahanda na kami. Isinuot ko ang pink kong Two-piece na sinuotan ko ng maong short shorts. Nakailang hampas pa ang mga pinsan ko at kaibigan sa akin hindi ko naman alam kung bakit.
Niyaya namin sila mama pero ayaw daw nila kasi para sa mga teens lang daw ang gagawin namin mao-O.P daw sila. Bago kami nakaalis ay ang dami pang paalala sa'amin ng mga tita't tito namim.
Isang bangka ang sinakyan namin nagkagulo pa kami dahil nag-aagawan kami kung sino ang pwepwesto aa harap, pero wala na silang nagawa kasi nakapwesto na ako."Kuya may mga pating ba dito?"
Tanong ng pinsan ko na matatakutin sa pating. Napangiti naman ako dahil sa naiisip ko. Minsan talaga hindi ko napipigilan ang pagiging pilya ko.
"Manong mayroon po di'ba? Naku tataob ata tong' bangka!"
Pero tiningnan lang ako ng pinsan ko na nakabusangot na ang mukha. Kaya napakibit na lang ako ng balikat ko at kinuhanan na lang ng litrato ang magandang tanawin.
"Nads may tumatawag ata sa phone mo!"
Nag-eenjoy pa ako sa pag-akyat sa mga bato ng islang ito. Last na daw itong islang ito sa papasyalan namin. Siguro panglima na'tong islang to.
Kinuha ko ang bag ko at kinumpirma kung talagang may tumatawag sa akin. Tama naman siya na may tumatawag nga, bakit kaya to' napatawag."Yes sir?"
Bumuntong hininga muna ang nasa kabilang linya at mukang may mga kasama siya.
"Hello so how's your trip in palawan?"
Medyo lumayo ako sa mga pinsan ko at kaibigan na busy sa pagkukuha ng mga litrato. Mamaya pagtripan pa ako ng mga yun kapag nalaman kung sino ang tumatawag sa akin.
Umupo ako sa tabi ng puno ng niyog mainit na din kaya mabuti na itong sumilong na muna ako."Ayos lang we're happy"
Pinaglaruan ko ng mga paa ko ang puting buhangin na pinong-pino. Napatingin ako sa malawak na dagat at sa mga taong naliligo.
Ilang minuto na kaming nag-uusap nasa Japan pala siya ngayon kasama ang isang kaibigan. Maya't-maya ang daan ng mga pinsan ko sa harapan ko at titingin sa akin na parang may mali akong ginagawa. Napapailing na lang tuloy ako sa sa ginagawa nila."So pano enjoy?"
"Yah take care bye"
Binaba ko na ang tawag at bumalik na sa mga pinsan ko na naglalaro ng baraha. Napahagalpak ako ng tawa dahil sa mga mukha nilang puro lipstick. Mukang maeenjoy ko ang summer vacation na'to.
BINABASA MO ANG
OnCam Love
FanfictionNauso ang Wattpad hanggang sa isa pelikula na ang ilan sa mga kwento na mula dito. Paano kung dahil dito ay may nabuong Love Team? ang Love Team ng JaDine na sina Nadine Lustre at James Reid na hinangaan ng marami. Totoo nga ba na hanggang OnCam la...