OnCam 20

55 2 0
                                    

New Year

Tapos na ang pasko kaya naghahanda na kami para sa nalalapit na bagong taon. Kahit na magbabagong taon ay pareho parin kaming busy ni James. Pareho kasi kaming napasama sa isang network na kinabibilangan namin upang maghatid ng saya sa ibang tao at salubungin ang bagong taon.

"So anong ginawa mo this christmas? Did you travel or what?"

Hindi ko alam kung anong nakain ni James at nagtatanong siya ng mga ganyang bagay.

"Simple lang ang pagsalubong namin sa pasko. Kasama ang buo naming pamilya and we had a party pero sa bahay lang din naman ginanap"

Tumango-tango siya at may inilabas na paper bag iniabot niya sa akin yun. Syempre alam ko namang regalo itong inabot niya sa akin. Kaya inilibas ko din ang regalo ko para sa kanya.

"Thanks wag mo munang buksan sa bahay niyo na lang"

Pigil ko sa kanya nahihiya kasi ako, binilhan ko siya ng sumbrero madalas naman kasi siyang magsumbrero at hindi ko alam kung magugustuhan niya ang regalo ko. Bubuksan ko na din sana ang gift niya kaya lang pinigilan niya din ako.
Sa bahay ko na lang din daw buksan kaya itinago ko na lang din naman.



Pagod na pagod akong umuwi ng bahay bukas na kasi kami magpeperform. Kaya todo na ang practice, magpapalit na muna ako ng damit tutal gusto ko ng magpahinga. I was about to take my white shirt ng may mahulog na paper bag. I forgot! It's James gift itinago ko nga pala dito forgot to open he's gift. Pagbukas isa yung damit na may nakaprintang paborito kong cartoon. Instead na yung white shirt ay yung regalo niya na lang ang isinuot ko.

"Infairness alam niya sukat ko hah"

Umikot-ikot pa ako sa harap ng salamin, saktong-sakto sa akin ang ragalo niya. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa kama at agad na nagtipa ng mensahe para sa kanya.

To James: Thanks! It's so cute Love it! ;)

Humiga na ako sa kama at ilang segundo lang ay tumunog na ang cellphone ko. Akala ko siya na ang nagreply si Mj naman pala.

Mj: Hoy! Yung stalker mo daw may binigay na gift? Pahingi kung pagkain yan hah! :D

Natawa naman ako sa text ng gunggong. Niregaluhan ako ng stalker na yun ng Flowers at chocolate this is the 3rd time na may binigay siya. I really want to know him pero mailap talaga siya. Nireplyan ko lang din si Mj ng magreply na si James

From James: you mean my gift? By the way thanks for the cap I'm going to wear it tom. I also love this, your gift :)

Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro dahil sa madalas akong uminom ng kape.

Pareho na kaming nasa set ni James at inaayusan na ng mga make-up artist namin. We're ready for this night sabay-sabay naming sasalubungin ang new year. Usually kasama ko pamilya ko at mga kaibigan ko but this time kasama ko ang iba't-ibang tao kaya medyo nakakaramdam ako ng tensyon.

"Kinakabahan ka te?"

Tanong sa akin ng make-up artist ko nginitian ko siya at sa'ka tumango. Pinahiran niya ako ng lipstick sa labi ko.

"Masanay ka'na ano ka ba for sure malayo pa ang mararating niyo ni James"

Napaatras naman ang ulo ko ng bahagya at humagikgik sa sinabi niya. Inilabas niya ang cellphone niya at tiningnan ako ng nakakaloko.

"Alam mo sa tingin ko Nadine hindi ka naniniwala sa akin here's the evidence iha"

Ipinakita niya sa akin ang iba't-ibang accounts na mga supporters namin.

"Ateng pustahan tayo dadami pa'to this coming year, both of you deserve this kind of supporters. Mahal na mahal kayo oh na pati ako kinukulit na naku!"

Humalakhak naman siya sa tawa, pabiro ko siyang hinampas sa braso niya kaya medyo nagulo ang paglalagay niya ng make-up sa mukha ko.

"Ayan na pala yung leading man mo tapos ng mag-ayos pogi!"

Pabulong at tatawa-tawa niyang sinabi sa akin. Nilingon ko naman si James na nakaayos na nga. Napatingin din siya sa akin at kunot noong lumapit sa akin. Anong problema ng isang ito? Nagulat ako ng hawakan niya ang buhok ko.

"You're not going to curl her hair?"

Ako naman ang kumunot ang noo sa tanong niya kay Jelly, ano kayang problema ng isang ito.

"Kukulutin ko pero yung sa dulo lang, why you don't like it?"

Umiling siya at tumingin sa akin, tinaasan ko siya ng kilay at nagulat ako ng nag make face siya kaya napahagalpak ako ng tawa. Minsan talaga iba di ang takbo ng utak ng isang ito. Umubo-ubo naman si jelly na nasa gilid lang namin at tatawa-tawang umiiling.

"Sir James pwede po bang tapusin ko muna ang pagmemake-up kay Ma'am Nadine?"

Tumabi nga siya at umupo sa gilid at tumutok na lang sa cellphone niya.

Ilang oras bago ako natapos sa pag-aayos at isang oras na lang ay magsisimula na ang pagsalubong ng kapamilya network sa bagong taon.

"Naghintay talaga siya, swerte mo diyan!"

Hindi ko nakuha ang sinabi niya kaya nagpasalamat na lang ako sa kanya at tumabi kay James na nakaekis ang mga kamay.
Tiningnan niya ako habang papalapit sa kanya medyo nailang naman ako sa mga tingin niya. Close na nga kami pero minsan hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya.

"Ganda ba?"

Pabiro kong tanong sa kanya saka tumabi sa kanya.

"Yep, always"

Aba't hindi talaga pumapalya sa pambobola ang isang ito kaya kinurot ko siya sa pisngi. Umiwas naman siya at tiningnan ako ng masama kaya tumigil naman ako sa pangunguli sa kanya. Mukang nainis siya sa ginawa ko pero nagulat na naman ako ng nag make face siya at dahil dun napahagalpak na naman ako tawa. Kinurot niya ako ng bahagya sa pisngi.

"Masira make-up ko lagot ka sa akin!"

Pabiro kong sinabi sa kanya at inirapan siya ng pabiro.

"Don't worry you are beautiful without make-up"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nagkulitan na lang kami habang hinihintay ang pagsisimula ng event.

Akala ko nung una ay suplado siya kaya medyo nailang akong makatrabaho siya. Hindi kasi kagaya ni Aj na dati kong naging ka loveteam ay atleast may alam ako sa kanya kahit papaano. Pero kay James para kaming stranger sa isa't-isa dahil hindi talaga kami magkakilala. Kaya sobrang nagulat ako kung sino talaga siya ibang-iba siya sa inaakala ko. He's different napakabuti niya kaya nagpapasalamat ako na maraming blessing na dumating sa'aming dalawa. This coming year we're hoping na mas marami pang blessings ang dumating sa buhay naming dalawa.

OnCam LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon