Cast
Kaagad kong ibinalita kaila mama at papa ang nangyari sa akin ngayon. Tinawagan ko si Anna at Mj para ibalita din sa kanila, nagulat pa nga ako ng pumunta pa talaga sila dito sa bahay.
"Congrats!!! Dapat mag celebrate tayo! " napatakip ako ng tenga ko dahil sa pagsigaw ni Mj. Mukang mas excited pa ang isang ito sa akin
"Oo nga Nadz celebrate na natin iyan" talagang pinagtulungan ako ng dalawa may paakbay-akbay pang nalalaman.
"I'm sorry guys I can't celebrate now,maybe next time. Kailangan ko pa kasing bumalik bukas sa Viva" sabay silang napasimangot, hindi ko naman kasi hilig ang pagbabar masaya na ako sa loob ng kwarto ko. Kasama ng mga gamit ko"Haynaku! Osige pero next time hah, sabi mo yan"binantaan pa talaga ako ni Anna. Hindi na ako tumanggi sa gusto niya.
"Tara movie marathon na lang tayo tutal naandito na din naman kami" ginawa nga namin ang request ni Mj halos ginabi na sila sa pag-uwi dahil sa pinaggagawa namin."What time ka bukas anak? " tinanggal ko ang suot kong salamin at tiningnan si Papa.
"Mga 10 pa po, kung busy po kayo bukas pwede naman po akong mag-commute Pa, malapit lang naman po." umupo si papa sa tabi ko,tiniklop ko ang librong binabasa ko. Mag-aalas dose na pala.
"Ihahatid kita, bilhan na kaya kita ng sasakyan? Marunong ka naman mag drive diba? At isa pa may license ka na." hinawakan ko ang kamay ni papa.
"Pa wag na po, gusto ko po ako po ang bibili ng sarili kong sasakyan" gusto ko pinaghihirapan ko ang mga bagay-bagay at ayokong iasa iyon sa magulang ko.
"Okay, Good night nak"Maaga pa lang naghanda na ako sa pagpunta ko sa Viva. White t-shirt ang suot ko at isang black pants. Hinatid na din naman ako ni papa pagsapit ng 10
"Sige pa,thank you po ingat! " pagkapasok ko sa Viva wala pa si James pero nandoon na ang isa sa mga kilala kong artista
"Hello I'm Yassi. Isa ka ba sa mga makakasama ko? " lumapit siya sa akin at kinamayan ako. Hindi maikakaila na maganda at mabait siya,ilang minuto kaming nagkakwentuhan ni Yassi ay may dumating na ang isa sa mga makakasama namin.
"Hi girls,I'm Andre" nagkatinginan kami ni Yassi at sa tingin ko parehas kami ng iniisip. Andre is so tall he's like one of the basketball player.
"Hi,I'm Yassi"
"I'm Nadine, hello"
Mag eeleven na ng dumating si James, nagkakilala na kaming lahat and we also meet the author of the Diary Ng Panget si Ms.Denny.Ako si Eya ang gaganap na Panget and si James naman ay si Cross, Yassi as Lorie and Andre as Chad. Magsisimula na kaagad kami nextweek for the shoot,nakaramdam ako ng kaba dahil sa takilya na ako bibida. Sana maging matagumpay ang unang movie naming apat.
"Grabe I already read it. Maganda ang story nakakatuwa" sabi ni Yassi,inililigpit ko na ang gamit ko. Siguro mamaya ko na lang sa bahay babasahin.
"Grabe nextweek magsisimula na tayo, by the way hello again sa inyo ako nga pala si Yassi Pressman" tiningnan ko siya muka siyang happy go lucky na tao. Pero alam mong may pangarap sa buhay na gustong maabot.
"Okay ikaw naman ang magpakilala" itinuro niya si Andre na busy sa pagbasa ng script.
"Oh...I'm Andre Paras you can call me drè" omg! Daddy niya ba si Mr.Benjie Paras?
"Omo! Daddy mo ba si Mr.Benjie Paras?!" gulantang kong tanong dahil alam namab natin na kilala si Mr. Benjie Paras."Yes he's my dad, oh ikaw naman" akala ko naman ako ang ituturo niya iyon pala si James. "Me?okay I'm James Reid hello to all of you and nice to know you all" tipid siyang ngumiti sa amin,nagulat ako ng tiningnan niya ako.
"Big Winner ka tama ba? " sabi naman ni Yassi na tinanguan lang ni James. Mukang may pgka masungit talaga ang isang ito. "Wow naman, congrats tol! " nakipag-apir pa si Yassi kay James na sinalubong din naman nito.
"Your turn" sabi sa akin ni James, bago ang lahat ngumiti ako ng malaki sa kanila.
"Hi guys! I'm Nadine Lustre nice to meet you guys" nagkakwentuhan na kaming apat and si James lang sa aming apat ang taken. He's inrelationship with Ericka I know her because she's one of the singer who sang 12:51. Parehong Kalog si Andre at Yassi kaya nagkagaanan kami ng loob. At si James naman ay tahimik lang sana maging okay sa mga tao ang movie namin.¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Hi again guys, Ito na naman inuulit ko ulit KATHANG ISIP LANG PO. If ever man po na may maoffend because I use their real name sorry po ide-delete ko na lamg if ever na bawal. Ginamit ko po ang talagang mga pangalan nila para mas feel ng mga mambabasa.
Thank you! :)
BINABASA MO ANG
OnCam Love
FanfictionNauso ang Wattpad hanggang sa isa pelikula na ang ilan sa mga kwento na mula dito. Paano kung dahil dito ay may nabuong Love Team? ang Love Team ng JaDine na sina Nadine Lustre at James Reid na hinangaan ng marami. Totoo nga ba na hanggang OnCam la...