Spotted
Ilang linggo na lang ay pasko na pala. Hindi pa'din ako nakakapamili ng mga ipangreregalo ko.
"Aalis ka?"
Maong pants ang suot ko na pinaresan ko ng long sleeve gray at Nike Roshe. I also wear James gift,ofcourse. Tumango ako kay Mama bago kumuha ng cookies na bake niya.
"Sa mall lang po mamimili""May kasama ka?"
Hindi ko naman mayaya si Mj kasi busy ganun din ang ilan sa mga kaibigan ko. Kaya no choice ako kundi mag-isa lang.
"Wala po, pero okay lang ma" Kumunot ang noo ni Mama mukang hindi okay sa kanya kaya lumapit ako at niyakap siya.
"Mama weekdays naman po kaya hindi naman po siguro crowded sa mall"
Nagsimula na akong maglambing sa kanya. Napabuntong-hininga siya at kinurot ako sa bewang ng mahina. Napahagikgik naman ako sa ginawa niya.
"Okay pinapayagan na kita anak mag-ingat ka. Naku kung wala lang akong ginagawa sasamahan kita"
I'm so lucky having my mom. Hindi lang siya ganyan sa akin kundi sa aming lahat na anak niya.
"Mama naman..alis na nga po ako eh. Bye po"
Naglakad na ako palabas ng bahay. Pumasok na ako sa sasakyan at nagsimula ng magmaneho palabas ng subdivision na tinitirahan namin.Naglakadlakad na ako sa mall at kung saan-saang shop na ako pumasok. May ilang tao na nagpapakuha ng litrato sa akin,pumapayag naman ako tutal mahaba pa naman ang oras ko.
Madamidami na'din ang mga napamili ko. Naghahanap na ako ng makakainan ng may bumangga sa akin. Muntik na akong matumba at mahulog ang mga dala ko ng may sumalo sa akin mula sa likod. I know that smell..very well.
"Nadz! Be careful,you're alone? You okay?" Itinayo niya ako at kinuha ang mga dala ko. Nag-apela naman ako sa ginawa niya pero hindi ko siya napigilan. Mukang mainit ang ulo ng isang ito."James may mga bibilhin pa kasi ako kaya okay lang" pumasok kami sa isang resto. Ipinaghila niya ako ng upuan at pwersang pinaupo doon. Mabuti na lang at unti ang mga tao dito. "Nadz it's fine sasamahan kita" napairap na lang ako bilang pagsuko. Umorder na siya ng pagkain para sa aming dalawa. "James paano kung may makakita sa atin? Tap--" pinutol niya ako at tinaasan ng kilay.
"What's wrong with that?" Natigil lang kami dahil sa pagdating ng waiter. Hindi na kami nag'imikan pagkaalis ng waiter. Tahimik lang kaming kumakain. Natapos na lang kami sa pagkain na walang imikan."You're not going home, yet?" Hindi ko alam pero parang gusto na ata akong pauwiin ng isang'to. Hinatid namin yung mga pinamili ko sa sasakyan ko at bumalik ulit kami sa mall.
"Hindi pa mamaya na maaga pa. Pero kung gusto mo ng umuwi ayos lang."
Tinaasan niya na naman ako ng kilay. Hobby niya ata ang pagtaasan ako ng kilay.
" Okay let's go and buy those things you need"
Hinawakan niya ako sa braso ko at hinila na ako. May ilan akong narinig na nagtilian. Pinamulahan ako sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. "If you want to go somewhere make sure you texted me" Ano daw?! May nakain talaga tong' isang to kaya ganito siya eh.
"Are you mad?"
Huminto kami sa paglalakad at hinarap niya ako. Nakakunot na naman ang noo niya. Buti na lang at gwapo siya.
"Do I look like mad Naddie? Then I'm not mad at you" parang mawawalan ako ng hininga sa sinabi niya. Inaamin kong may epekto si James sa akin dahil naging crush ko siya at hindi ko naman kinakaila yun. Napatingin ako sa mga mata niyang mapupungay na nakatingin din pala sa akin. Napaiwas ako sa mga tingin niya.Alas'sais na kaming nakauwi nag-talo pa kami. Bakit daw kasi walang magmamaneho sa para sa akin. Kanina pa talaga ako namimilagruhan sa isang'to. "Kumain ka na ba? Nakaluto na ako if gutom ka na ipaghahanda na kita"
Sumalampak ako sa sofa at binuksan ang TV.
"Busog pa po ako Ma."
Lumapit siya sa akin at umupo din sa tabi ko.
"Tumawag si James kanina nagtatanong kung nasaan ka daw. Nagkita kayo?"
Ibig sabihin alam niya palang nasa mall talaga ako. Akala ko nagkataon lang na nagkita kami "Opo nagkita kami. Bakit niya daw po ako hinahanap?" Nakakaloko ang naging ngiti ni mama at sinundot-sundot ang tagiliran ko.
"Kinikilig talaga ako sa inyo" humagalpak naman siya ng tawa samantalang ako ay kunot ang noo.
"Kung hindi mo siguro ako nanay pinagalitan na ako nun." Ano bang pinagsasabi ni mama hindi ko naman makuha ang punto niya.
"Ma..sumasakit na ulo ko" tumawa na naman siya at pinaglaruan ang buhok ko.
"Uminom ka ng Gamot. Iinom din ako ng gamot, you know OJD problems"
Tumayo na siya at iniwan na ako sa sala. Napabuntong hininga na lang tuloy ako sa sinabi ni mama. Ang weird talaga ng araw ko ngayon.
BINABASA MO ANG
OnCam Love
FanfictionNauso ang Wattpad hanggang sa isa pelikula na ang ilan sa mga kwento na mula dito. Paano kung dahil dito ay may nabuong Love Team? ang Love Team ng JaDine na sina Nadine Lustre at James Reid na hinangaan ng marami. Totoo nga ba na hanggang OnCam la...