OnCam 4

92 2 0
                                    


Bar

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatagos mula sa bintana ko, pagkapasok ko sa kwarto ko kagabi dumiretso na ata ako sa pagtulog. Alas nuebe na pala ng umaga may lakad pa kami mamaya, bumaba ako sa kusina para makapag almusal na.

"Manang nasaan si Mama" laging naandito si Mama sa bahay dahil inaalagaan niya ang bunso kong kapatid.
"Pumunta sa tita mo papasyal lang daw" tumango-tango lang ako at humigop na sa kape ko, nasaan na ba ang cellphone ko. "Oh saan ka pupunta? Wag mong iwan ang pagkain mo hanggat hindi ka pa tapos" bumalik ako sa pwesto ko dahil sa sinabi ni manang, mapaniwalain kasi itong si yaya sa mga pamahiin.
"Kukunin ko lang po sana yung phone ko, sorry po" inubos ko na lang kaagad ang pagkain ko para matapos na.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa drawer ko at may mangilan-ngilang mensahe na nandoon

Unknown: It's me Yassi,save my number guys!  Thanks!

Unknown:Andre :)

Anna: Tonight!  :D

Mj: See yah! 

I-sinave ko naman ang number nila Yassi at Andre. Ano bang susuotin ko mamayang gabi? 

"Good Evening po tita" kaagad kong kinuha ang purse ko ng marinig ang boses ni Anna sa baba.
"Ayan na pala siya" sabi ni mama na nakatingin sa akin pati si papa
"Nasaan si Mj? " sakto namang bumungad si Mj sa pintuan
"I'm here tita,tito don't worry ako pong bahala sa dalawang iyan" may pasaludo-saludo pa siyang nalalaman,may tiwala naman sa kanya ang parents ko kaya napapayag niya ang mga ito.

"Wohhhooo!" sigaw ng dalawa habang papasok kami sa isang bar dito sa Fort Bonifacio. Marami akong nakikilalang mga kilala sa industriya.
"This is for Nads! Let's congratiolate her!  Cheers! " ganun nga ang ginawa namin nagpakasaya kami, minsan lang naman kami mag bar dahil ang madalas naming gawin ay adventure.
"Hey,si James yun diba? " itinuro niya sa akin ang magkahalong grupo ng babae at lalaki sa taas ng bar na mukang mga lasing na.
"And I think na gf niya ang inaakbayan niya"

Tiningnan ko siya na mukang masayang-masaya. Hindi naman kalayuan ang pwesto niya sa amin kaya tanaw na tanaw ko siya. Napatingin siya sa pwesto namin nagtapat ang mga mata namin ngingitian ko na sana siya ng iwasan niya kaagad ang tingin ko sa kanya, why so suplado huh?

"Suplado" sabi ko sa sarili ko, mapapasabak ba ako sa Austrelyanong iyan?

"Hoy! Uupo ka na lang ba diyan?  Tara sayaw tayo! " hinila ako ni Mj sa gitna at sapilitan akong pinasayaw at dahil bawal ang kj sa amin ay sumayaw na nga ako. Napagod na kami kaya mga 11 pa lang ay nagdecide na kaming umuwi. 

"Nadine? " nakasalubong namin si James na papasok ulit sa bar kasama ang Gf niyang nakakapit sa braso niya.
"Uy! Naandito ka rin pala James! Papunta ka pa lang? " so hindi niya pala ako nakita kanina, hindi naman pala suplado si Mr. Reid.
"No,actually kanina pa kami dito. Mukang pauwi na kayo? " tumango ako sa kanya habang ang mga mata ko ay nasa kasama niya.
"By the way,my girl" inakbayan niya pa ito,nagpakilala at nakipagkamay ako sa Gf niyang nakangiti din sa akin
"Nice to meet you, ito nga pala mga kaibigan ko Mj and Anna si James nga pala" nagngitian lang silang tatlo bilang batian. Nagkausap lang kami ng ilang minuti ay nagpaalam narin kami sa kanila,muka namang mabait ang girlfriend niya at ganun din naman si James. Mukang mahal talaga nila ang isa't-isa I'm hapy for them.

OnCam LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon