OnCam 22

47 1 0
                                    

Full of surprises

Hapon na ng makauwi ako galing sa isang shoot. Grabe february is coming ang bilis naman ng panahon. Ibinaba ko ang mga gamit ko sa sala na kaagad kinuha ng katulong namin.

"Ma yung nasa paper bag wag niyo pong gagalawin bigay po yan ng mga fans ko. Maliligo lang po ako"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mama kaagad na akong pumunta sa cr.

Nagpupunas pa ako ng buhok ko ng kuhanin ko yung cellphone ko para itext si James. I do this everytime. Hindi lang naman sa kanya ako ganito. Halos sa lahat ng malalapit sa akin kinakamusta ko.

To James: Hey, Good evening! Nakauwi ka na?

Tinext ko pa ang iba kong kaibigan para kamustahin sila. Minsan ko na lang si makamusta dahil sa schedule ko.

From James: Naah, I'm with my friends partying. How'bout you?

To James: I'm home, kumain ka na ba?

From James: Yup, you?

To James: Kakain pa lang :) sige bye tc!

Napatingin ako kay papa na may dalang kape. Itinigil ko ang pagbabasa at umupo ng maayos.

"Ngayon na lang ulit kitang nakita na tumambay dito."

Iniabot niya sa akin yung isang kape. Natakam naman ako dahil sa bango neto. Iba parin talaga kapag si papa ang may gawa nung kape.

"Nakakamiss nga po eh."

Napatingin ako sa langit na punong-puno ng bituin. Napapikit naman ako dahil sa simoy ng hangin na humahaplos sa balat ko.

"Hoy may kasama ka papikit-pikit ka diyan. Hindi ako si James Reid"

Humagalpak naman siya ng tawa. Medyo nahiya naman ako kay papa, kaya natawa na lang din ako.

"Pero anak ano ba talaga status niyo. Nanliligaw na ba?"

Mas lalo akong nahiya sa sinabi ni papa. Kaya napahigop na lang ako sa kape bago siya sinagot ulit

"Papa naman eh, magkaibigan nga lang po kami"


Halos mapahagalpak ako ng tawa dahil sa  inannounce sa akin ng close-up. I need to surprise James, kasama ko pa ang ilang fans niya na isusurpresa siya.

"Nadine parating na siya!"

Nagtago na kaagad ako sa likod. Ang alam niya kasi may meet-up siya with his fans. Kaya clueless talaga siya.

"Okay where are you guys?"

Nakita ko naman ang pagtataka niya dahil sa pagpapaupo sa kanya sa gitna. Kahit ako hindi ko mapigilan ang pagtawa. Nagsimula na kaming kumunta kasabay ng paglabas ng mga fans niya ang paglabas ko galing sa likod. Nagulat siya at natawa na lang. First time ko na ako mismo ang gagawa nito. Lumapit pa ako sa kanya at tinanong siya.

"James..can you be my valentines date?"

Hindi ko alam kung mahihiya ba ako ng hinila niya ako sa bewang palapit sa kanya.

"Yes ofcourse"

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya natawa naman ako sa naging aksyon niya. Napakasweet talaga ng lalaking to! Oo sweet siya hindi lang halata.

"Thank you for this"

It's a dare actually they dare me to invite James as my date this valentine. Para maiba naman daw ako na babae ang mag-iinvite kay lalake. Syempre ako nag-invite siya gagastos! Natatawa tuloy ako sa naiisip ko.


Valentines day na pala..nagmamadali ako papasok sa cr para maligo meron daw kasi kaming shoot for magazine. Late na ako nagising ano ba yan!

Halos magkandarapa ako dahil sa bilis ng lakad ko papuntang dressing room. Pagkabukas ko ng pintuan nagulat ako dahil sa mga post-it notes na nakadikit sa salamin. Okay ano to? Lumapit ako doon at binasa yung mga nakasukat doon. It's about me..My attitude.

"Happy Valentines day!!!"

Halos mapatili ako sa pagdungaw ni James sa pintuan. Pano nagulat ako sa sigaw niya akala ko naman kung sino na.

May dala-dala siyang bulaklak at makukulay na lobo. Iniabot niya sa akin yun bago ako hinalikan sa pisngi.

"Come with I have something for you"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Hindi pa ako nakakapagsalita hinila niya na ako palabas ng kwarto.

Halos lahat na sa amin ang atensyon kanina ko pa siya kinukulit kung ano bang gagawin naman pero tinatawanan niya lang ako. Napatigil ako aa pangungulit niya ng may mustang na huminto sa harap namin.

"Let's go?"

Iniabot niya sa akin ang kamay niya. Nakangiti ko namang tinggap ang kamay niya at sabay na kaming pumasok sa sasakyan.

Inilibot kami nito at dinala sa isang restaurant. Pagkapasok namin ng Restaurant ilan lamang ang naroon na kumakain. Talaga bang gumastos pa siya para alang sa araw na'to?

"James okay na yung flowers at yung ilibot mo ako sa buong city ng quezon. Tara na"

Hinila niya ako pabalik sa tabi niya at tinaasan ako ng kilay. Wala na akong nagawa kaya sumama na ako sa kanya. Sa isang private room umano ng restaurant na ito kami dinala.

"Order what ever you need naddie"

Napalunok naman ako sa sinabi niya. Hindi naman sa kuripot ako o ano. Pero ayoko lang talaga na ginagastusan ako ng ganito.

"Juice lang"

Nagulat ako sa bigla niyang pagpitik sa noo ko. Aalma sana ako sa kanya kasi ang sakit nung pitik niya pero. Natigil ako dahil sa mga tingin niya na hindi ko kayang tagalan

"Don't think anything Naddie.. this is all for you. Your my partner and crime okay. Just enjoy this day."

Wala na akong alma kaya kagaya ng sinabi niya ienjoy ko ang araw na'to kaya yun nga ang ginawa ko. Kung saan-saan pa kami pumunta.

Sa isang mataas na building kami nagpunta. Ito na daw ang huling pupuntahan namin dahil gabi na daw.

Pagkarating namin sa taas ay namangha ako sa ganda ng view. Ang ganda ng ilaw galing sa mga building din na naroon. Halos hindi ako mapakali dahil mangha-mangha ako sa ganda ng view.

"Let's go"

Ay uuwi na kami? Ano ba yan kung kailan mas nasisiyahan ako eh. Ayoko pa sana pero nakakahiya naman sa kanya. Parang nalungkot naman ako habang naglalakad kami palabas nung kwartong yun.


Halos manlaki ang mga mata ko dahil imbes na sa parking lot kami pumunta ay dinala niya ako sa rooftop. Kung saan may naghihintay na helicopter. Napatutop na lang ako sa gulat dahil sa surpresa niya.

Inaya niya na ako pasakay ng helicopter. Hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan sa surpresa niyang ito. Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Masyadong o.a pero sobra akong nao'overwhelm sa ginawa niya

"Nagustuhan mo ba?"

Hindi ko na siya sinagot niyakap ko na siya kaagad dahil sa sayang nararamdaman ko.

Nagsimula ng umandar ang helicopter at mas nakita ko ang magandang tanawin ng quezon city tuwing gabi dahil sa ilaw na nanggagaling sa mga gusali.
This is the memorable valentines day for me.

OnCam LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon