Chapter 3

4.5K 133 35
                                    

Chapter 3

"Anong ginagawa niyo rito?" Salubong ko sa mga kapatid na nasa gilid na ni Coach ngayon.

Kuya Aidan held out both of his palm. Hinampas ko 'yon gamit ang mga palad ko rin. Ngumisi si Kuya Aiden at umiling sa akin. Nilingon ko muli ang katabi niyang ngayon ay may kausap sa audience. Kumunot ang noo ko.

"May pasok kayo 'di ba?" Binalik ko ang tingin kay Kuya Aidan.

"We skipped class," si Kuya Aiden. "Itong si Aidan kasi, natagalan sa pagpuslit sa klase. Hinintay pa namin siya ni Malik."

"You... what?" My forehead wrinkled. "Paano kung malaman ni Mommy?"

"She won't. Kayang kaya naman naming humabol." Kuya Aidan assured.

Pinasadahan ko muli sila ng tingin. Magkapareho ng uniform ang kambal habang naiiba kay Malik. Naka-clinical uniform siya dahil iyon ang para sa amin. Muli kaming nagkatinginan nang natapos na siya sa pakikipag-usap sa babaeng hindi ko kilala. Mukhang estudyante ng university na ito.

"Ailani," tawag ni Coach dahilan para talikuran ko sila at lapitan si Coach.

Pina-upo niya ako sa silya habang tinatanggal ko ang head guard sa ulo. Agad niyang dinampian ng ice pack ang batok ko habang pinupuri niya ang laban kanina. Hindi ko maiwasang ibalik ang tingin sa tatlong lalaking nasa gilid lang namin.

Nakatingin si Kuya Aidan sa susunod na laban habang ang kambal nito at si Malik ay nag-tatawanan na sa kung ano. May tinuturo si Kuya Aiden na babae sa likod at bigla silang tatawa. Mas lalong kumunot ang aking noo. Anong pinunta nila rito? Ang suportahan ako o maghanap ng babae?

"Watch the fight, Ailani. Kung sinong mananalo riya'n, siya mamaya ang haharapin mo."

I took a deep breath, tore my gaze away from them, and put my attention on the next fight. Nilaan ko ang buong atensyon do'n, paminsan minsan ay nag-uusap kami ni coach kapag may napupuna sa laban.

"She's aggressive," Coach looked at me when the fight ended.

Ang tinutukoy niya ay 'yong nanalo. Iyon nga rin ang napansin ko. Atake ito ng atake dahilan kung bakit nako-korner ang kalaban niya. Isa pa, magaling din ito sa depensa.

"You have seen her strategy and I'm sure she'd noted of yours too. Nanonood siya kanina. What's your plan?" Nanghahamon ang boses ni Coach Dex.

"Combos," tugon ko habang umiinom sa hydro flask.

Marami pa siyang sinabi hanggang sa umalis na kami sa pwesto dahil may papalit. Naiwan ang mga kapatid ko sa kinatatayuan nila dahil nagpunta ako sa mga kasama. Ang sabi nila hindi na raw sila papasok dahil manonood pa ng huling laro ko. Sinubukan ko silang itaboy at humabol sa afternoon class pero matigas ang ulo ng kambal.

I'm a bit bothered, paano kung malaman ni Mommy? Ilang beses na silang nag-skip ng klase para lang sa laro ko pero hindi naman 'yon kailanman nalaman ni Mommy. Bukod do'n, wala kasing problema sa mga grado nila. Iyon naman anng importante kay Mommy.

How about Malik? Bakit ba kasi narito siya? Alam kong malapit sila ni Kuya Aiden pero wala akong makitang rason para pumunta siya rito. What if he missed some quizzes or activities just because of this? How irresponsible!

I gritted my teeth when I realized that I've been thinking about it too much. I stayed with the team until the next match. Bago magsimula ang huling laban ko ay namataan ko ang tatlo na nasa taas na ng mga bangko. Sumigaw si Kuya Aiden na agad sinita ng kambal niya. Iniwas ko na sa kanila nang nagsimula na ang laban.

My opponent was powerful and very strategic-wise. Naiiwasan niya ang ibang kick combos ko pero hindi niya nakayanan ang bilis ko. At the end of the second match, I was leading with seven points. Hinihingal ako habang nasa harap ni Coach na nagpapa-ulan ulit ng mga paalala.

Where My Love Goes (LAPRODECA #3)Where stories live. Discover now