Prelude
"Aila, keep your kicks low! Huwag mong banatan sa ulo!"
Humihingal akong tumigil at nilingon si Coach Dex na pinandidilatan ako. I clicked my head and tightened my belt before facing my sparring partner. Ngumisi sa akin si Noah at inayos ang head guard niya.
"Mukhang gigil na gigil ka ah? Huwag mo naman sa akin ilabas." Tumawa siya.
I jumped twice while putting my right arm forward to calculate my movement. Mabilis akong umatras nang nagpakawala ng side kick si Noah. Tumama ito sa balikat ko. Ngumisi siya sa akin muli.
I gritted my teeth and faked a kick causing him to step back before doing a jumping outer round kick, hitting him on the side of his head. Nawalan siya ng balanse kaya bumagsak siya sa mat.
"Ailani!" Sigaw ni coach.
Other players laughed and booed Noah. Napakurap ako nang makitang humawak si Noah sa ulo niya at dumapa sa mat na parang nahihirapan. Kaagad tumakbo si coach sa amin.
"Noah! Noah!" He called out and kneeled beside him.
Bumilis ang paghinga ko at mabilis itong nilapitan. Alam kong malakas ang pagkakasipa ko sa kaniya. Tumayo ako sa gilid ni Noah habang inaalo ito ni Coach. I was kind of nervous a little but when Noah lied on his back and he faced us, my insides went cold.
"Tangina..." tumatawa ito habang hinahawakan ang parte ng ulo niyang sinipa ko. "Coach, ayaw ko na! Pota, halimaw 'tong si Pantaleon."
Pumikit ako ng mariin at sinaaman ng tingin si Noah. Coach Dex stared at me seriously so I pursed my lips. Inabot ko kay Noah ang kamay ko. He grabbed it and I helped him stand up. I bowed and tapped his back.
"Sorry," I cleared my throat.
"Kapag nagka-brain damage ako, ikaw sasagot ng gastusin ah." He smirked but I can see that he's in pain.
Nakahawak pa rin siya sa kaniyang ulo. I just smiled a little at him before removing my head guard. Dinala ito ni Coach sa may dressing room para matingnan 'yong ulo niya.
Idinampi ko ang ice pack sa aking leeg habang minamasahe ang tuhod. Humikab ako at pumikit ng mariin. Binaba ko ang ice pack at sinimulang tanggalin ang mga pads ko.
"Your kicks are getting more powerful. Hanggang ngayon sumasakit pa rin ang tagiliran ni Duwel mula sa sparring niyo no'ng nakaraan. You need to control it."
Nilingon ko si coach habang nagtatanggal ng arm pads. Katatapos niya lang yatang kausapin si Noah. Nilagay ko ang arm pad sa ibabaw ng gym bag ko at tumango.
"Yes, coach. Hindi na ako everyday dito next week. Pasukan na e," I smiled at him.
Nagkamot siya ng ulo at inabot sa akin ang tinanggal kong groin guard. Seryoso niya akong tinitigan. Maingay ang paligid dahil sa mga players na nagte-training.
"Lumipat ka 'di ba? Ba't ka umalis ng Saint Paul? E 'di sana, star player ka pa rin do'n." Umiling siya.
Umiwas ako ng tingin at nagkibit balikat. "New environment coach, 'tsaka susundan ko si Axev para subukang ibalik dito."
Tumawa siya sa sinabi ko. I smiled and fixed my bag before grabbing my hydro flask. Tinapik niya ang balikat ko.
"Tagal nang 'di bumibisita 'yon. Sabihin mo, kahit bumisita lang. Kinalimutan na yata ako." Aniya.
Umiling ako. "Busy lang 'yon. Kapag nagkita kami, 'di ko titigilan hanggat hindi pumapayag."
Nag-usap pa kami saglit bago ako lumabas ng training center. I got a call from one of my brothers that he will fetch me. I texted him that I'm done a while ago and I'm just waiting for his reply. Nang makalabas ako ng building ay muli kong binuksan ang hydro flask para maka-inom.