Chapter 23

3K 131 125
                                    

Chapter 23

Matagal kong tinitigan ang buwan. Nang marinig ko ang paghugot ng malalim na hininga ni Malik ay napabuga ako ng hangin. Nilunok ko ang bukol sa aking lalamunan bago hinugot lahat ng lakas ng loob, kahit pa pakiramdam ko, wala na akong lakas pang kausapin siya.

"Duwag ka ba?" I tried to sound cold.

A small groan passed his lips. "Ano?"

"Ang sabi ko, duwag ka ba?" Mas malamig kong tanong. "Why are you confessing over the phone? Kasi hindi mo kayang sabihin sa pagmumukha ko?"

Nanginig ang labi ko habang hinihintay ang kaniyang tugon. Wala akong marinig kundi ingay ng iilang sasakyan. Kumunot ang aking noo at mas lalong lumapit sa bintana.

"Sigurado ka ba?" Nanghahamon ang namamaos niyang boses.

"Ano?" Mas lalong kumunot ang aking noo.

"I'm outside your house right now, Ember. I could confess all over again if you want."

My jaw almost hit the floor. My already weary heart pounded rougher, not giving it a rest. Napalingon kaagad ako sa aking pintuan at napapikit ng mariin. That's why his background noise sounds familiar!

"Nababaliw ka na ba?! Anong ginagawa mo riyan?!" I gasped.

"Hoping for a miracle, maybe."

I massaged my pounding temples and took a deep breath. Shit. And what now?! Damn it, I don't know! Knowing that he's outside right now just after his fucking confession makes me feel so many things! And what time is it now?

"Umuwi ka na, Malik." I tried so hard to make my voice stoic.

He chuckled without humor. "And you called me coward, huh."

"Nababaliw ka na ba? Anong oras na!" Tinakpan ko agad ang bibig nang medyo tumaas ang boses ko.

Ilang segundo siyang natahimik bago ko narinig ang paghugot niya ng malalim na hininga. Naninikip ang dibdib ko kasabay ng mabilis na pintig nito. I had the strong desire to go out and face him but there's this guilt and fear in me. It was slowly swallowing me.

"Matulog ka na," his low baritone sounded vulnerable on the phone.

Kinagat ko ng mariin ang aking labi at nagngalit ang ngipin. Bumuga ako ng hangin at mabilis na lumapit sa wardrobe ko. Mabilis akong kumuha ro'n ng cardigan.

"Maghintay ka, lalabas ako." I said with urgency.

Narinig ko ang pagsinghap niya. I was about to put on my cardigan when he spoke.

"Kung pupuntahan mo ako ngayon..." he took a deep breath, "I won't be able to hold back anymore."

I bit my lip so hard, I felt like crashing on the floor. My fist clenched and I heaved a deep sharp breath.

"I'll come to you," I said coldly and ended the call.

Sinuot ko ang cardigan at nagmamadaling lumabas ng kwarto. I was careful not to make any noise. Para akong hinahabol sa bilis ng pintig ng puso ko. Nang makalabas ay maingat kong binuksan ang taranghakan. Suminghap ako nang gumawa iyon ng kaunting ingay.

Natigilan ako nang bumungad sa akin si Malik na nakasandal sa kaniyang motorsiklo. Nakatitig siya sa sahig at naka-krus ang mga braso sa dibdib. He was wearing a white statement shirt and a pair of dark pants. Nanginig ang mga binti ko nang humakbang ako ng isang beses palapit sa kaniya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nagkatinginan kami.

His diabolical gaze pierced through my skin and traveled straight to my soul. It swindled my breath and made my muscles clenched in the most appealing fashion. 

Where My Love Goes (LAPRODECA #3)Where stories live. Discover now