Chapter 39
"Anong ginagawa mo rito?"
Suminghap ako at umatras nang muli siyang humakbang palapit sa akin. Diretso ang titig niya sa akin at may bahid ng nanunuyang ngiti ang mga labi. Wala siyang pinagbago. He still looked the same even though I haven't seen him for a long time.
"Huwag kang lumapit sa akin, Ean." Mariin kong sinabi at tumigil sa pag-atras, dahil pader na rin naman ang nasa likuran ko.
"Why?" Napawi ang kaniyang ngiti. "Because you're boyfriend is just outside?"
Pumirmi ng husto ang aking labi. Napasulyap ako sa dulo ng pasilyo at muling bumaling kay Ean. Seryoso na siya ngayon at nang-aakusa ang tingin. Pamilyar sa akin ang tingin niyang gano'n. Hindi ako nagsalita at nilamigan lalo ang titig sa kaniya.
"Siya 'yon 'di ba? Iyong lalaking nangialam sa atin?"
Naningkit ang kaniyang mga mata bago gumalaw ang kaniyang panga. Nanlamig ako sa loob at nanginig ang aking labi. Yes, of course. He remembers him.
"Did you cheat on me, Ailani?" Dagdag niya na hindi ko na masyadong ikinabigla pa.
"Hindi siya nangialam sa atin, Ean. You were forcing me. Any decent guy would do the same thing." I muttered after collecting my thoughts.
"Decent, huh?" He chortled. "Hindi mo sinagot ang tanong ko. Did you cheat on me?"
"I never cheated on you." Malamig kong tugon.
"I thought so highly of you, Ailani. You decided the break-up on your own. Ni hindi mo ako pinagbigyan para ayusin ang relasyon natin. Ginalingan mo ang pag-iwas sa akin." His tone sharpened. "Iyon pala, may bago ka na? Kailan pa?"
I took a sharp breath. "Hindi ko kailangang mag-paliwanag sayo."
"Parang walang pinagsamahan, ah?" He laughed mockingly.
"Kung wala ka nang kailangan-"
"You were unfair to me, Ailani!" He cut me off. "Nag-desisyon ka mag-isa tapos iiwas ka? Magtatago ka sa likuran ng Kuya mo? Problema natin 'yon pero ayaw mong harapin?"
Nagsalubong ang aking kilay. "Anong sinabi mo?"
"Don't go innocent on me now. Aidan told me to never see you again. Hindi dahil kapatid ka niya, pwede na siyang makialam sa relasyon natin!" He spat then he added, "kung hindi ko lang 'yon senior..."
Nagtagal ang titig ko sa kaniyang mukha. My brother did that? I don't remember telling him anything. The muscles in my face clenched but I put the thoughts aside at the moment. Pakiramdam ko nag-aapoy na sa init ang mukha ko dahil sa huling sinabi niya. If only my brother is not his senior, then what?
"Yes, he has the right to be concerned because I am his sister. If he told you to never see me again, then there must be a reason for that, right? Dahil hindi kailanman nangialam ang kapatid ko sa relasyon natin noon, Ean!"
Dumiin ang titig niya sa akin at unti-unting naningkit ang kaniyang mga mata.
"Kaya ba panay ang iwas mo sa akin dahil sa bago mo? Fuck... now I get it. The last time I saw you was when you were with that guy. Doon ba nagsimula o matagal na? And maybe, your brother knows about-"
"Ano bang pinagsasabi mo?" I gasped and my voice trembled. "Ang tagal tagal na no'n, Ean! I broke up with you because I am done with you! Hindi dahil may bago ako. I decided the break-up on my own? We talked that night, right? Sabi ko ayaw ko na. If you think that I was unfair to you because I didn't listen to your side, then fine, I am so sorry. But I will never apologize for breaking up with you!"