Chapter 16
"Easy, Aila. Sa pagkakaalam ko wala ka namang nalalapit na kompetisyon."
Nilingon ko si Coach Dex na nakahalukipkip at nakangiti sa aking likuran. Tumigil ako sa pagsipa sa body opponent bag at bumuga ng hangin. Halos maligo na ako sa pawis dahil halos isang oras ko na yatang inaabuso ang BOB.
"Tingnan mo," umiling siya at nilapitan ang BOB na nakatagilid na dahil sa lakas ng huling sipa ko.
Bumuntong hininga ako at umatras para lumapit kung nasaan ang bag ko. Dinampot ko ang itim na towel at nilagay sa aking balikat bago siya muling hinarap. Nameywang siya sa harap ko habang ako'y nagpupunas ng pawis.
"Something bothering you?"
Ah... he knows me. Of course, he's been training me since then. He can read me sometimes but I don't give everything away.
"Stress lang sa school, coach." Tipid akong ngumiti.
"I see." Tumango ito at nilingon ang BOB. "Sige, you can abuse the BOB as much as you want, pero huwag mo lang sirain. It's expensive..."
Tumawa ako at tumango, nakuha ang punto niya. Sinulyapan ko ang ibang nag-eensayo ro'n. Maingay at kaunti lang naman kaming nasa training center ngayon. It's a sunny afternoon of Saturday. Pagkagaling sa university ay dumiretso kaagad ako rito. May klase ako kaninang umaga.
"So... may girlfriend na si Axev?"
Napabaling ulit ako sa kaniya. Nakataas ang kilay niya sa akin ngayon. Tumikhim ako at bahagyang nagtaka kung saan niya nalaman iyon. Kay Axev? Hindi ko alam kung kailan ang huling bisita no'n rito.
"Ah... I think?" Play it safe.
Malay ko kung sa iba niya nalaman at hindi kay Axev? And what if Axev doesn't want him to know? Sa tingin ko naman hindi magagalit si Coach. I mean... there's no reason to?
"He posted a picture of a girl on his Facebook. No'ng nakaraang buwan yata." His eyes narrowed at me.
"You didn't ask him?"
"I commented on the photo, pero hindi naman siya nag-reply sa kahit na anong comment kaya sa tingin ko hindi niya nabasa. Balak kong tanungin kapag bumisita ulit siya rito kahit madalang na. Pero now that you're here might as well tell me."
Tumikhim ako at nagkamot ng kilay. Huminga ako ng malalim at tipid na ngumiti bago tumango.
"Yeah, may girlfriend na siya."
"You met the girl?" He sounds curious.
Umiwas ako ng tingin dahil mukhang gusto niya akong gisain ng buhay sa tingin niya.
"Mmm."
"At kamusta naman ito?"
Umupo ako sa bangko at nagsimulang tanggalin ang shin pad sa aking paa. I've been lounging here for four hours, might as well run away now before the interrogation gets even serious. Bakit ba kasi hindi bumisita si Axev at siya ang ma-interrogate? Siya naman ang may girlfriend dito, e!
"Well... uh, maganda siya. Mas bata kay Axev... uh... medyo... masungit?" Napangiwi ako sa lumabas sa bibig ko.
Well, goodness! You can't blame me. I met the girl. Maybe five times or more than that? She's very silent and confident in her own ways. Isang beses, kinukulit ko no'n si Axev para bumisita ulit kay coach, naro'n siya. The way she looked at me? Silent but deadly. So I am fascinated how Axev has come to terms with her when I thought he's into tamed good girls. Opposite attracts, huh?
"But overall, I think they are perfect!" Ngumisi ako sa kaniya.
He asked more simple questions for the following moments until I declared that I am going home. Nagtaka pa siya kung bakit biglang gusto ko nang umuwi. Dumidilim na rin naman sa labas kaya hinayaan na niya ako. I didn't bother changing my white loose pants and just changed my shirt.