Chapter 24
I sighed when I spotted my brother's table. Sabi niya ay sabay kaming mag-lunch dahil isasama niya si Ate Elira. Nang magkatinginan kami ni Kuya Aiden ay tinuro ko ang counter para ipaalam na mag-o-order lang ako.
Natahimik silang dalawa nang ilapag ko ang tray sa lamesa. May sarili na silang pagkain at ako na lamang ang hinihintay nila. Sinuklian ko ang ngiti ni Ate Elira bago nilapag ang ibang gamit ko sa upuan.
"Anong oras ang susunod na klase mo?" Tanong ni Kuya Aiden.
"Alas dos pa," I said as I sipped on my bottled water.
We started eating in silence. Nag-uusap ang mag-jowa sa harap ko. Hindi ko alam kung bakit pa ako inimbita ni Kuya rito. Mukha tuloy akong third-wheel. Umirap ako habang nginunguya ang pagkain.
Ate Elira will pursue law after she graduates. Iyon ang pinag-uusapan nilang dalawa ni Kuya. Fourth year na siya sa accountancy next year habang si Kuya Aiden ay graduating na sa kursong electrical engineering. Nagtatanong si Ate Elira sa plano ni Kuya Aidan dahil siya itong maglo-law na.
"Ikaw, Ailani?"
Nag-angat ako ng tingin kay Ate Elira. She smiled at me. Naka-akbay si Kuya sa upuan nito at nasa akin na rin ang tingin.
"Magtutuloy ka sa med?" Tanong niya.
Bumagal ang pag-nguya ko dahil sa tanong niya. I sipped on my water first and cleared my throat. Nagka-tinginan kami ni Kuya Aiden. Mukhang nag-aabang rin siya ng sagot mula sa akin.
"Hindi..." kinagat ko ang labi, "I mean, hindi ko pa alam."
Kumunot ang kaniyang noo at nilingon si Kuya Aiden.
"Sabi mo, magme-med siya." She pouted a little.
My brother's forehead creased and he glanced at me. His eye narrowed a little. I sighed and glanced at Ate Elira.
"Si Mommy ang may gusto na mag-med ako. Though, I have a slight interest to pursue it... I don't think I will do it right after I graduate."
Ramdam ko ang paninitig ni Kuya Aiden sa akin. Oo, iyon ang alam nila dahil sa tuwing inuungkat 'yon ni Mommy, palagi 'oo' ang sagot ko. I always agree with her plans of me going to med school but the truth is... I don't see myself as a doctor – for now, maybe.
I don't want to pursue medicine just because she told me so. I don't want to become a doctor just because I think it's cool and I am a bit interested. I don't want to become a doctor just for the reason that I want to save lives.
I want to become a doctor because my whole being burns for it. I want to pursue medicine because I can vividly imagine the doctor-version of myself in the future. If I'm going to pursue medicine right away because Mommy wants it, alam kong ako rin ang mahihirapan. I pursued Medical Technology because I wanted it in the first place and I can't pursue medicine because I still don't have the passion for it.
"Anong gagawin mo kung gano'n? After you graduate?" Seryosong tanong ni Kuya.
I smiled a little. "Take the boards, pass it, and find a job."
At gagawin ko 'yon. Natatakot ako, oo. Sa maaring sabihin ni Mommy o kung ano mang gawin niya. I have never gone against her words. It's because I still don't have anything with me. Iniisip ko na siguro, kapag magta-trabaho na ako, kaya ko nang suportahan ang sarili ko. I want to work, I really do.
"Good." Tipid na tumango si Kuya, seryoso pa rin.
"Si Malik, magme-med." She suddenly said out of nowhere.