Chapter 22

3.2K 131 93
                                    

Chapter 22

"Kamusta exams?"

Nag-angat ako ng tingin kay Kuya Aiden. Nilapag niya ang cellphone sa lamesa at kinuha ang Real Leaf na pinabili niya sa akin.

"Ayos lang. May exam ka pa?" Pumangalumbaba ako.

"Last na mamayang alas singko." Sinulyapan niya ang relo at nagmura. "Ang tagal ni Malik."

Saktong pagkasabi niya no'n ay nahagip ko ng tingin si Malik na naglalakad patungo sa lamesa namin. Nang magkatinginan kami ay kinunotan ko siya ng noo pero nakuha niya pang ngumiti sa akin. May bitbit siyang Gatorade sa kamay. Nauna niyang natapos ang exam niya kaya umalis siya agad kanina.

"Saan ka ba galing?" Iritadong tanong ni Kuya.

Tumawa si Malik at umupo sa tabi niya, nakaharap sila sa akin. Nilingon ako saglit ni Malik bago tiningnan si Kuya. Magulo ang kaniyang buhok na humaba na naman magmula no'ng huling gupit niya no'ng nakaraang buwan.

"Kasama ko si Axev. Nag-away sila no'ng jowa niya, e." He laughed.

"Bakit daw?" Si Kuya Aiden.

Malik shrugged. "Ewan ko. Badtrip si Manzanar e."

"Ano? Tuloy ba tayo mamaya? Alas syete kami matatapos. Baka hindi sumama si Aidan, busy sa thesis niya."

Tumango si Malik at bahagya akong nilingon. "Mauna na lang kami ro'n. Papahintay ka ba?"

"Kuya..." I cut him off from talking when I saw his girlfriend walking towards us.

Lumingon si Kuya at napatayo nang makita si Ate Elira na nasa likuran na nila. Mukhang katatapos lang din ng kaniyang exam.

"Hi, Ailani." She smiled at me.

Ngumiti ako pabalik at mabilis na kumaway. Binalingan nito si Malik at nginisian. Tipid na ngumiti si Malik at umiwas ng tingin. Bumaling ito sa akin habang nag-uusap ang dalawa sa gilid niya.

"Are you going home after this?" He asked.

I nodded and removed my palm from my chin. Sumulyap ako sa labas at napaayos ng upo nang mahagip ng tingin si Hayes kasama ang mga kaklase niya. Maingay ang grupo nila habang papasok ng canteen. Kumaway ang isa sa dating kaklase ko sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway pabalik. May sinabi siya sa mga kasama niya kaya lumingon sila sa akin. Kumaway din iyong mga dating kaklase pero hindi na lumapit pa.

Dahil yata ro'n kaya napasulyap si Hayes sa lamesa namin. Nagkatinginan kaming dalawa. Suminghap ako at tipid na ngumiti. Pinasadahan niya ng tingin ang lamesa namin at nanlamig lalo ang kaniyang ekspresyon. Nang muli siyang sumulyap sa akin ay seryoso at may laman ang titig niya. Umiwas din siya ng tingin at binalik ang atensyon sa kausap na kaklase.

Napalunok ako at nanlamig. Napalingon ako kay Malik na galing sa grupo nina Hayes ang tingin. He looked at me and our eyes met. I gasped at the intensity of his molten black eyes. Napakurap ako at mabilis na tumayo.

"Kuya, uuwi na ako." I muttered abruptly and fetched my bag.

Nilingon nila akong dalawa ng girlfriend niya. Ramdam ko ang paninitig ni Malik sa akin pero wala akong lakas tapunan siya ng tingin.

"Hintayin mo si Aidan, patapos na rin 'yon."

"Sa learning hall na ako maghihintay." Mabilis kong tugon at hindi na hinintay pa ang sagot niya.

"Bye, Ailani." Ate Elira smiled at me.

I smiled back at her and left the table urgently. Dumiretso ako sa learning hall at buong magdamag na tulala habang hinihintay si Kuya Aidan.

Where My Love Goes (LAPRODECA #3)Where stories live. Discover now