Chapter 8
The game started smoothly. My brothers' team got the first ball and a two-point shot from Kuya Aiden.
Ramdam ko ang mas umiinit na tensyon sa paglipas ng oras. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing napupunta kay Hayes ang bola ay pinapasa niya kaagad kay Kuya Aidan o Aiden. Minsan ay binabalik ni Kuya Aidan sa kaniya at ipapasa naman niya sa isa pa nilang kasama.
Nang nag-time out sila saglit ay kinausap ni Kuya Aidan si Hayes. Nilingon ko ang kambal niyang seryosong nakikipag-usap kay Malik. Naka-upo si Malik sa bangko at nakapatong ang mga siko sa tuhod. Nakatayo si Kuya Aiden sa harap niya.
The first quarter is almost ending with just two minutes in the clock. Lamang sina Kuya Aidan ng dalawang puntos. Nang muli silang bumalik sa laro ay mas lalo kong nakitaan ng pagseseryoso ang mukha ni Hayes.
I pursed my lips when Kuya Aidan passed him the ball after stealing it from the other team. Nasa labas ng three-point arc si Hayes at may nakabantay sa kaniya. He was dribbling the ball. Suddenly, he did a side-step and let loose of the ball to the ring.
Kaso nga lang, nagulat kaming lahat nang biglang may humampas sa bola. Hindi ko napansin si Grant dahil biglaan ang pagsulpot nito. He blocked Hayes using his body and smacked the ball forcefully. Halos mapatayo ako nang malakas na bumagsak si Hayes sa sahig.
Hindi agad nakagalaw sina Kuya Aidan dahil kahit yata sila'y nagulat din. Nakuha ng kabilang kupunan ang bola. Halos malukot ang mukha ni Malik at siya lamang ang mabilis na gumalaw sa team nila para agawin ang bola. He reacted too late though, Grant took a three point shot and he was successful at it.
"Tangina, foul 'yon!" Sigaw ni Kuya Aiden.
"Sinupalpal lang, e. Paanong foul 'yon?" Tumawa iyong nakabantay kanina kay Hayes bago si Grant.
Halos mapatayo ako nang muntik nang sumugod si Kuya Aiden pero agad siyang hinarangan ni Malik. Kuya Aidan held out his hand for Hayes. Nag-usap sila at umiling lamang si Hayes.
"Bobo ka ba? Buong katawan niya dumikit? Ikaw supalpalin ko!"
Oh, God. Kuya Aiden and his temper is really not a good combination! Napanis ang tawa no'ng lalaki at halatang na-badtrip din sa sinabi ni Kuya Aiden. Kinausap ni Grant iyong lalaki, maya maya ay nagtawanan sila habang umiling naman si Grant.
"Foul 'yon. May free-throw kami." Kalmado ngunit seryosong sinabi ni Kuya Aidan.
Nilingon siya ni Grant bago seryosong tumango rin. Kumunot ang noo ko sa kaniya. Nagkatinginan kami nang nilingon niya ako. Iniwas ko ang tingin at nilingon si Hayes na pumupwesto sa free-throw line.
I can't help but worry. Malakas ang pagkakabagsak niya sa sahig. Pero para bang wala lang sa kaniya 'yon. Hindi matanggal ang kunot sa mukha ko kahit pa sunod sunod na pumasok ang tatlong tira ni Hayes at nadagdagan pa ang lamang nila.
They had a short break. Hinarap ko kaagad si Hayes na umupo sa tabi ko pagkatapos kausapin si Kuya Aidan. Tagatak ang pawis sa mukha niya. May baon siyang energy drink at iyon kaagad ang hinanap niya nang ma-upo sa tabi ko.
"Okay ka lang?"
Nilingon niya ako pagkatapos isara ang bote ng inumin. He clicked his neck and raked a hand through his damp hair. His eyes were brooding but he managed a small smile.
"It's natural in a game." He muttered coldly.
"But it looks intentional..." nagsalubong ang kilay ko.
Hindi na siya nakasagot nang tinawag siya ni Kuya Aidan. May pumalit kay Kuya Aidan pero pasok pa rin ang kambal niya, si Malik at Hayes. The start of the second quarter was smooth not until a rival player grabbed Hayes to prevent him from guarding Grant who dribbled his way to the ring, gaining a two-point shot.