Chapter 7
"Ailani."
I stopped on my tracks when I heard Kuya Aiden's voice. Malamig ko siyang nilingon. Nakatayo sila ni Kuya Aidan sa harap ng sasakyan. Hindi ako nagsalita at tinitigan lamang siya. Tahimik ang buong biyahe pauwi kanina.
Tumikhim si Kuya Aidan at ngumiti sa akin. He walked up to me and kissed my forehead before he went inside the house. Naiwan kami ni Kuya Aiden na tahimik. Humugot ako ng malalim na hininga at naglakad papunta sa coffee table. Tahimik siyang sumunod at na-upo sa harap ko.
Pinasadahan ko siya ng tingin. May bandage pa rin ang mga sugat niya pero masasabi kong mas maayos na siya ngayon. Seryoso siya habang nakatitig sa akin habang ako'y malamig ang tingin pabalik.
"I'm sorry..." he pursed his lips.
I felt my heart clenched. I just nodded and tore my gaze away from him. He knows that I do not reach out first so for this to be over, he needs to talk it out first. Nasanay na silang gano'n ako. At kahit sa mga pagkakataong alam namin na ako ang mali... sila pa rin ang unang lumalapit sa akin.
"Bati na tayo?" He tried to smile.
My eyes darted at him. I sighed and nodded silently. Ngumuso siya at tumuwid sa pagkaka-upo. Tumikhim siya at nanatiling tahimik ng ilang minuto. Nang akala ko'y wala na siyang sasabihin at tatayo na sana ay muli siyang nagsalita.
"At... huwag ka sanang magalit kay Malik. Hindi naman niya kasalanan..."
The muscles in my jaw moved. Nagsalubong ang kilay ko. Bakit napasok 'yon sa usapan? Nilingon ko siya. He looks serious as he waits for my response.
"Bakit ba ipinagtatanggol mo 'yon? May kasalanan siya sa nangyari." Mariin kong sinabi.
His mouth worked to say something but nothing came out. He heaved a deep sigh and raked a hand through his longer than usual hair.
"Why do you hate him so much?" His brows furrowed.
My lips parted at his question. In any situation, I always have my rebuttal. Hindi pwedeng wala. Pero sa tanong niyang 'yon, hindi ko alam kung bakit hindi ako agad nakasagot. Tinagilid ni Kuya Aiden ang ulo niya at nag-abang sa aking tugon.
"Dahil napahamak ka dahil sa kaniya..." nanginig ang labi ko.
"You hate him even before, Ailani." He muttered in a low voice. "May nagawa ba siya sayo?"
Nahigit ko ang hininga, hindi na komportable sa tanong niya. May nagawa ba siya sa akin? Now that I think of it, the root of my hatred towards that guy is his connection to Grant. He was Grant's friend. My first ex-boyfriend who cheated on me. Tumatak sa isip ko ang mga kaibigan niya. Nag-ugat sa utak ko na alam nila ang ginagawa ni Grant sa likod ko bago ko nalaman ang lahat.
Malik transferred to Saint Paul during senior high. He's not my classmate but I knew him because he became instantly famous. If not because of his "good looks", then it's about his flawed personality. Ilang beses na yata itong napunta sa disciplinarian office dahil sa mga away kung saan sangkot siya.
Naririnig ko na magaling siya at sayang daw ang galing niya dahil sa mga ginagawa niya. Wala akong maalala na naging malapit ako sa kaniya kahit pa palagi'y kasama ito ni Grant. But because he was Grant's friend, I didn't judge him like how others perceived him.
I even heard rumors about his cheating issues. Na hindi naman daw talaga ito magaling at kaya lang mataas palagi ay dahil nangongopya ito. I heard a lot of unpleasant things about him. Hindi ko iyon pinansin lalo't wala naman talaga akong pakialam. Pero magmula nang nag-hiwalay kami ni Grant, nag-iba ang paningin ko sa kaniya. Maybe... those rumors about him are true.