Chapter 10

3.5K 92 43
                                    

Chapter 10

Sa huling araw ng foundation, nanood ulit ako ng laro ni Hayes. Ngayon ay ang kupunan nina Kuya Aidan ang kalaban nila. It was a nice game. Our department won by three points. At kagaya no'ng unang nanood ako, hati ang nararamdaman ko. One of my brothers lost this time.

Kinausap ko si Kuya Aidan at mukhang hindi naman siya apektado. Nang naghiwalay kami ay sumama ako sa mga kaklase ko. Nang pumunta sila sa mga rides ay nagpa-iwan ako dahil may chat si Hayes. He wants me to wait for him while he changes his clothes.

"Gutom ka ba?" Salubong niya sa akin nang makita niya ako sa hallway sa harap ng Junior High.

He's still wearing his jersey shorts but he's shirt is fresh. Basa ang buhok dahil sa pawis at halata ang pagod sa seryosong mukha niya. Sa kanang balikat niya ay nakasabit ang kaniyang kulay abong sports bag. Tumayo ako nang makalapit siya sa akin. Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko.

"Lunch time na. Nasa rides sina Angelo, ayaw mong pumunta ro'n?" Nilingon ko ang kinaroroonan ng mga rides.

Saglit siyang sumulyap do'n at binalik din kaagad sa akin ang titig niya. Pinasadahan niya ng kamay ang medyo magulo niyang buhok bago tiningnan ang cellphone niya.

"Kumain ka na ba?" He inquired.

I shook my head and pursed my lips. He nodded and tilted his head.

"Kumain na muna tayo. Sa labas na. Punuan na rito." Aniya.

I nodded and we paved our way to the main gate. Nang dumaan kami sa may chapel ay bahagya akong natigilan nang mahagip ng tingin si Camden. May kasama siyang babae at mabilis ko ring napagtanto kung sino ito. It's his ex-girlfriend. Sa pagkakaalam ko, nag-aaral ito sa kabilang university. At... nagkabalikan na ba sila?

Hawak niya ang tote bag no'ng babae habang nag-uusap sila sa gilid ng mga booths. I don't personally know the girl but I met her a few times. No'ng sila pa ni Camden. Nabalitaan ko lang na wala na sila. Kung nagkabalikan man sila, that's good. Camden was head over heels over the girl before.

"Saan mo gustong kumain?" Sinulyapan ako ni Hayes.

Suminghap ako nang marahan niyang hinawakan ang aking siko at hinila ako palapit sa kaniya. May grupo kasi ng mga lalaki na dumaan sa banda ko. Sinulyapan ito ni Hayes bago binalik ang tingin niya sa akin. Binatawan niya rin ang kamay ko at ngayon ay magkadikit na ang braso namin.

Naghalo ang natural na amoy ng pawis at pabango niya. Still, he smells good and manly. Ngumuso ako at sinulyapan siya. Diretso ang tingin niya sa daan namin.

"Sa SM na lang tayo?" Suhestiyon ko dahil paniguradong puno rin ang mga kainan sa labas.

Tumango siya. Kumibot ang aking labi sa tuwing napapansin na naiiwan sa kaniya ang tingin ng iilan sa mga nakakasalubong namin. Sa tingin ko ay masasanay na ako sa ganito. Hayes and his effect to people.

When I saw Brett and Axev fooling around the rides supposed for grade-schoolers, I smirked. I was about to get their attention when I noticed Malik walking towards Axev. Kagaya ni Hayes ay nagpalit ito ng t-shirt. Tumatawa ito habang may sinasabi sa kay Axev. May sinabi rin si Brett at sabay sabay silang tumawa. Nagtutulakan sila sa may ticket booth.

My brows furrowed and my eyes pierced through him. His devilish eyes look innocent while he's laughing. I leered at him. I hate the fact that he's friends with my friends. I looked away from them.

"Sa tingin mo, sinong mananalo sa basketball?" Tanong ko kay Hayes nang dumating ang order namin.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nilagay niya ang ice tea ko sa tabi ng aking plato. He unwrapped my rice while I was cleaning my utensils with the table napkin. I blinked at him while he stared at me with his usual cold eyes.

Where My Love Goes (LAPRODECA #3)Where stories live. Discover now