Chapter 26
Tinakpan ko ang bibig nang hindi mapigilan ang pag-hikab. Hinilot ko ang sentido at sumandal sa upuan. Nagsimulang mag-ayos ng mga gamit si Kelly.
"Pasok na tayo?" Tanong ko at hinagilap ang mga notebook sa lamesa.
"Tara na, mag-a-alas singko na. Baka maaga si Ma'am Alvarez ngayon. May quiz, e." Tugon niya.
I groaned when I felt a bit sleepy. Isang oras yatang walang tigil ang pagbabasa ko para sa moving exam namin. Napagod yata ang mga mata ko. Bumili kami ni Kelly ng tubig bago nagtungo sa Lecaros para sa huling klase.
Paakyat na kami ng hagdan nang mapatigil dahil sa pagbaba ng mga estudyante. Tumigil kami sa gilid upang hindi makipagsiksikan. It was the other set of third year medical technology students. Binati kami ng mga dating kaklase namin dati.
I heaved a deep breathe when I saw Hayes. May air pod sa kaliwang taynga niya at diretso ang tingin niya sa daan. Umusad kami ni Kelly kaya nagkasalubong kami. When our eyes met, I almost stopped. I tried to smile at him and he returned it with a small nod.
Naglakad ulit ako sa gilid para maka-iwas sa iba pang estudyante. Tiningnan ko ang wristwatch habang hinihintay na mabawasan sila upang makaakyat na kami ng walang sagabal. Saktong pag-angat ko ng tingin ay may humawak sa aking siko.
I flinched at the contact and I almost froze when I saw Malik standing in front of me. His hair is a bit tousled and he looks a little tired. I blinked at his face and I almost couldn't breathe when I took in his fragrance. Sobrang lapit niya sa akin at nanatili ang kamay niya sa aking siko.
"Last class?" Nagtaas siya ng kilay.
I took a deep breath and nodded. I tried to relax even though my heart wants to hold a party.
"Hanggang 6:30, 'di ba?" Inangat niya ang kamay para matingnan ang relo.
"Oo. Bakit?" Sinulyapan ko si Kelly na nagsimula nang maglakad paakyat.
"Hintayin kita." Si Malik.
"Why?"
"Mag-usap tayo. You're not replying to my texts." He replied with a hint of mock in his tone.
"Ailani, tara na." Tinawag ako ni Kelly na nasa taas na, naka-tingin sa amin.
"I need to go." I tried to walk away but Malik held my elbow not too tight.
"I'll wait." He said seriously.
"Alright." Suminghap ako at tumango.
Binitawan niya agad ang aking kamay at ako naman ay tumakbo na paakyat. Sabay kaming tumakbo ni Kelly papunta sa ika-apat na palapag. Mabuti na lamang at saktong pagpasok namin ay siyang pagpasok rin ni Ma'am Alvarez.
The moving exam was beyond difficult but thankfully, I managed to at least get the average score. It wasn't that bad, and I didn't want to get upset because I knew that I did my best. Babawi na lang ako sa susunod.
Muntik ko nang malimutan ang usapan namin ni Malik kung hindi ko lang siya nakita sa Lecaros ground. Nakatayo siya ro'n at may kausap na lalaki. Mukhang nursing student. Naiwanan ako ng mga kaklase dahil sa aking pagtigil.
I hesitated for a moment if I should go to him or not, however, when he turned his head in my direction, I knew immediately that I wouldn't be able to escape him. Ngumuso ako nang umiwas siya ng tingin at may sinabi sa kausap bago ito iniwan at nagtungo sa akin.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko agad nang makalapit siya.
"You want to talk here?" He raised his right brow.