Chapter 4
"What about you, Ailani? Vanilla?"
Tinanguan ko si Kuya Aidan habang naghahanap ng upuan kasama si Kuya Aiden. Katatapos lamang ng simba at nag-aya ang dalawa sa isang milk tea shop. Wala rin naman akong gagawin para hindi sumama, isa pa, kaunti lang naman ang kailangan basahin.
Abala si Kuya Aiden sa kaniyang phone habang ako nama'y nanonood lang sa labas ng glass wall. Nakapangalumbaba, tumingin ako sa kapatid. Ngumuso ako nang makitang natatabunan na naman ang clean cut niya, hindi gaya sa kambal niya na hindi hinahayaang humaba at kumapal ang buhok.
"You need a haircut." I coldly pointed out.
He was distracted because of what I said. Binitawan niya ang cellphone at hinaplos ang buhok.
"Ayos pa 'yan. Hindi naman nasisita." Aniya.
Umiling ako at lumingon sa counter kung nasaan si Kuya Aidan. Sampung minuto na yata siya ro'n. Natigilan ako nang makita kung sino ang kausap niya. Hayes Delgado.
He looks different from the usual university boy. Kung university at clinical uniform ang palaging suot niya sa skul, ngayon ay isang light blue jeans at putting t-shirt. He paired it with a dark brown topsider. And oh... he had a haircut.
Mukhang napansin din ni Kuya ang tinitingnan ko kaya lumingon siya sa direksyon ni Kuya Aidan. Nagtagal ang tingin namin sa dalawang tao na nag-uusap malapit sa counter. Mukhang seryoso pa yata ang pinag-uusapan nila.
"Are you close with that guy?"
My eyes darted at my brother beside me. Si Hayes? I pursed my lips and shook my head... not very sure. I mean, yeah, we're not close. We're casual, that's the right term. We're classmates and seatmates, even.
"Mabuti naman. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan." He said.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kumunot ang aking noo at bahagya siyang sinapak.
"Paano mo nasabi 'yan? He helped me, remember?"
Mukhang nakalimutan na yata ng kapatid ko ang nangyari no'ng Biyernes. No'ng nakaraan lang 'yon.
"Tss." Umirap siya.
"Maraming naga-gwapuhan diya'n. Mostly higher years." I shrugged.
"Kasali ka ro'n?" He looks offended.
Napa-ubo ako, kahit wala namang iniinom o ano, muntik nang masamid sa tinuran niya. My brother is slightly glaring at me while waiting for a response. What? Did I say anything close to that?
"No," I smirked.
"Mas gwapo naman kami ni Aidan diya'n, Ailani! Kaya lang sila naga-gwapuhan diya'n dahil sa imported na mga mata niya."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Bahagya akong tumawa lalo na nang mas lalo siyang naasar sa tawa ko. My brother who likes to be praised is seriously offended. I didn't even say anything that could be offensive! Sinabi ko lang naman ang totoo at nakikita ko.
"Oo na, gwapo ka na." I rolled my eyes.
Sa kalagitnaan ng pagtatalo namin ay dumating si Kuya Aidan dala ang aming order. Kaagad kong kinuha sa akin at sumulyap saglit sa counter. Naro'n pa rin si Hayes at mukhang hinihintay na lamang ang order niya. Iniwas ko ang tingin dito at nilagay ang straw sa inumin. I sipped on my drink and couldn't help but glance at him again. Natigilan lamang nang makitang may lumapit na babae sa kaniya. Mahaba ang buhok nitong naka-pony tail.
"Is that his girlfriend?"
Napakurap ako at napatingin agad kay Kuya Aiden. Akala ko ako 'yong tinatanong niya pero ang tingin niya ay nasa kambal. Sinulyapan ni Kuya Aidan si Hayes na kausap pa rin ang babae. Tumango si Hayes dito bago tinuro ang lamesang nasa gilid.