Small World
Ellaine
Ilang araw na ang nakalipas since that freaking day happened. Since the deal is officially off, agad ko nang binura ang number niya sa phone ko at binlock ko na ang number niya. I also tear the papers of our rules yesterday.
I was so wrong about him. Akala ko pa naman medyo naiiba siya sa ibang lalaki. Why am I expecting that?
Pareho lang silang lahat.
Nandito ako ngayon sa isang pastry shop dahil balak kong magpagawa ng cake para kay Lola dahil malapit na ang birthday niya.
She just wanted a small celebration kaya ang invited lang sa salo-salo ay iyong mga malalapit na kaibigan ko lang at siyampre si Mr. Hermoso.
Nag park na ako sa parking lot ng pastry shop. I was on my way to the entrance when I saw a woman in her mid forties.
Nakatingin lang siya sa gulong ng kotse niya na halatang na flat ang gulong. She seems pretty problematic.
Balak ko na lang sana ignorin because it's her business but being the pakialamera I am. Nilapitan ko siya.
"Maam, is there anything wrong po?" she glance at me and I was so mesmerized by her beauty. She is so beautiful, I swear!
"Nako, ihja. Flat tire ang kotse ko. Tatawag sana ako sa driver ko pero na lowbatt naman ang phone ko. Wala rin akong dalang cash to pay the taxi." malumanay niyang sabi sa akin. She is like a goddess really. Mukhang hindi rin makabasag pinggan dahil napaka inosente ng mukha niya.
She reminds me of someone na kilala ko pero hindi ko matandaan kung sino.
"Ihatid na lang kaya kita, ma'am?" bigla ko na lang na sabi. Bakit ko nga ba na sabi iyon?
Paano kung scammer para ito? Budol lang at hindi naman pala sa kanya ang kotse?
But she seems so kind at saka naalala ko rin si Mama sa kanya.
"You're so kind, ihja at hindi na rin ako tatanggi sa offer mo dahil gusto ko na rin umuwi." ngumiti ako sa kanya.
"Pero may ipapagawa pa po akong cake."
"Okay lang makakahintay naman ako." tumango ako at pumasok na sa pastry shop at agad na nagpa-book for lola's cake.
Natapos na agad ng mabilis kaya naman paglabas ko nandoon pa rin si- hala hindi ko pa pala natatanong ang pangalan niya.
Sumakay na kami sa kotse ko at sinabi niya sa akin ang address nila.
"Maam kanina pa po tayo nag-uusap pero hindi pa natin alam ang pangalan ng isa't isa." nagtawanan kaming dalawa. Na mimiss ko tuloy si Mama.
She was like this when everything was just fine. Before my father cheated on her. Ganito siya malumanay, masayahin, at mangitiin.
"I was so comfortable talking to you that I really forgot to introduce myself to you." she said.
"I am Vanessa and please stop calling me maam. Hindi naman ako teacher. Just call me tita." tumawa ako sa sinabi niya. May pagka joker din naman pala itong si Tita.
"Ako po si Ellaine Francisco." we just chatted all the way to her house. Wala kasi akong trabaho ngayon dahil nag leave ako para sa preparation ng birthday ni lola dahil mas mabuti nang handa na kahit malayo pa para wala kang makaligtaan.
The earlier the better nga daw sabi nila. Nakarating na kami sa isang exclusive subdivision na sa pagkakaalam ko ay mga mayayaman lang ang nakatira dito.
YOU ARE READING
Beauty And Baby
Romance[Carsejan Clan Series 1] Ellaine Gianne Francisco wanted to have a baby but not husband. Crazy not crazy because all her life she witnessed the failed relationships of the people she loves. She's a strong independent woman who doesn't need a man in...
