Relationshit
Ellaine
May pa laters baby pa ang gago. Ano siya si Christian Grey? Pa uso din e. Nakaupo na ako sa table namin kanina.
"So it's always the blonde girl talaga e no?" Gellar said all of the sudden. Tumango silang lahat. I don't get it what they said.
"Pa blonde na kaya ako baka mapili na rin ako kapag ganoon?" Jera said. They laugh at what they said and doon lang nag sink in sa akin ang pinagsasabi nila.
Lahat naman kasi sila pinagpalit sa babaeng blonde. I don't know if it was just a coincidence pero lahat talaga blonde. Tapos kaming pito dito all black, different hair length pero black lahat. Curse ata namin iyon.
"Did you two make out in the restroom?" Mara whispered in my ear. I look at her and she was smiling.
"H-Hindi no." buti na lang at may kanya kanya ng pinag uusapan ang iba. Chismosa kasi talaga si Tamara e.
"His perfume is all over your body, gurl and also..." ngumuso siya sa lips ko. "May konting smudge na lipstick sa lips mo." kinuha ko ang salamin ko sa bag at tinignan ang mukha ko pero wala naman.
I look at Mara and she was chuckling. Bwisit na babae talaga.
"By your reaction, you two really did it. Like talaga El? Sa public restroom? Not you." namula ang buong mukha ko sa sinabi niya. I just rolled my eyes at her and take a sip of my coffee. Kainis naman kasi e.
Then I remembered what he said about the rules. I made a mental note to check it again later.
"Guys, I badly need to go. My manager -Steve said I have a photoshoot to attend to. Bye bitches! Keep your hearts safe." she said and nag flying kiss na lang sa amin.
Nagsimula namang maglipit ng gamit si Jera at Laurie and also they wear again there construction hat.
"Bye bitches na rin. Kailangan na naming bumalik ni Laurie sa site." nag beso sila sa aming naiwan.
I look at Hesta who's busy with her phone, panay selfie din siya.
"Saan ka galing Hes?" chismosa talaga kahit kailan tong si Tamara. Pero sino ba naman ang babaeng pupunta sa coffee shop na naka long red gown? Yes it's Hesta.
"May charity auction akong pinuntahan kanina. Kasama ko si Dad. Puro mga matatanda, wala man lang gwapo doon kaya umeskapo na agad ako." I rolled my eyes at him.
"Hes, wag ka naman masyadong pakangkang diyan! May Klio kang baon gurl!" tumingin naman na siya sa amin.
"Hey as a woman I have needs also no. Anong akala ng boys sila lang pwede? Ang kapal din ng pagmumukha noong Jaron na iyon na mag post ng pic ng bago niya!" parang umuusok na ang ilong ni Hesta sa pagkakasabi noon.
"Kaya naman pala panay selfie si gaga e." comment ni Viron na matamang nakatingin kay Hesta.
"Ano gurl, may gusto ka pa ba sa ama ng anak mo?" bigla niyang hinampas ang mesa na nakapagpatingin ng mga tao sa paligid namin. I rolled my eyes again to her. Hindi naman halatang oo.
"Of course not! Wala na ako ni katiting na nararamdaman sa Jaron na iyon no. I was just pissed because magpapalit na lang siya ng babae iyon pang hindi umabot sa level ko! Ang cheap ng bago niya!" uminom siya ng iced coffee niya. Hindi naman halatang affected pa rin siya sa nagaganap sa ex niya.
"Nako Hesta. Kung wala ka na talagang nararamdaman para sa dati mong jowa. Mananahimik yang keps mo diyan. Masyado ka namang affected! Halatang hindi ka nadidiligan! Mayghad wag masyadong obvious girl!" Viron commented and we chuckled at her that makes Hesta pissed.
" Aalis na ako at baka hinahanap na ako ng Klio ng buhay ko. Bye na nga kayo!" iyon lang at nagmartsa na paalis si Hesta sa amin. Tumawa kaming tatlo at napailing na lang sa kaibigan naming kakaalis lang.
"Halatang may lingering feelings pa rin kay Jaron. In denial queen pa si gaga." Tamara said while munching some cotton candy in her hands.
"Saan mo iyan nakuha?"
"Ahh-ito? Bigay sa akin sa akin ng isang pasyente ko. Naggagawa kasi ng cotton candy ang papa niya." she said.
"Penge ako."
"I have to go pala may rounds ako mayamaya. Sayo nato Viron." She grab her wallet and her stethoscope. Napatingin na rin kami ni Viron dalawa. Kami na lang naiwan dito.
"How's your boyfriend, Viron? Last time I saw him nasa condo mo siya. Are you still on?"
"Si Terrence? He's fine. Gladly kami pa naman. Sana naman ay siya na talaga. Nakakapagod mag boyfriend ulit at magsimula na naman sa umpisa." I shrugged, oo nga naman at napaka hassle na noon.
Iyon bang iiwan ka tapos may darating na naman na bago then you would start from the basics again. What is your age, height, name? Ilang kayong magkakapatid? And so on... It's tiring really. Paulit ulit mo na lang binibigay ang mga basic information mo sa iba't ibang tao tapos mawawala lang rin naman agad.
Kung sana iyong mga taong iyon nagsasabi na lang on the early stage pa lang na "Hey wala akong balak mag tagal sa buhay mo. Paparada lang ako." edi sana hindi na natin sila bibigyan ng mas malalim pa na information na tungkol sa atin.
If people will tell their intentions to us. Siguro maliit lang ang percent ng mga taong brokenhearted sa buong mundo. Dahil-aminin mga 70% of broken hearted ay dahil sa pang go-ghost ng mga lalaki.
Tumayo na rin kaming dalawa. Uuwi na ako dahil naghihintay na si lola sa akin. Panay pa naman reklamo iyon na palagi na lang daw akong nagtatrabaho araw araw. Mukhang nagtatampo na ang lola ko dahil wala na kaming bonding dalawa na totoo naman talaga. This past few weeks ay medyo busy talaga sa office may bagong investors kasi kami kaya ayon.
I rode my car at dumaan pa ako sa paboritong bakery ni lola para bigyan siya ng pasalubong. While driving pauwi naghu-hum pa ako sa loob ng sasakyan. After ilang minutes nakarating na rin ako sa bahay.
Nasa labas pa lang ay nagtataka na ako ng may marinig akong tawanan mula sa loob ng bahay. My Lola's laughter is evident. Agad akong pumasok sa bahay only to be surprised by a guest.
May bwisita sa bahay at hindi lang bwisita dahil putang ina din siya. Sino pa ba naman?
Hans Dreico Carsejan is in my fucking turf and I don't like the idea of it.

YOU ARE READING
Beauty And Baby
Storie d'amore[Carsejan Clan Series 1] Ellaine Gianne Francisco wanted to have a baby but not husband. Crazy not crazy because all her life she witnessed the failed relationships of the people she loves. She's a strong independent woman who doesn't need a man in...