BAB 31

343 14 8
                                        

Lihi


Ellaine Gianne's

I woke up a bit relax than before. It is a week that past. Nakatulong ang magandang simoy ng hangin sa probinsya. Maaga pa lang pero gusto ng bumaliktad ng tiyan ko.

I immediately go to the sink. Na nasa baba pa ng bahay. Walang banyo sa taas kaya naman kailangan dito sa baba.

I sighed after cleaning my mouth. Sana naman tumigil na ang ganito kada umaga. Ayaw kong lasang suka ang bibig ko sa umaga. Nakakadiri.

I turned around and was stunned when I saw Kalis looking at me.

"You're pregnant." it was a statement not a question.

"Yes." inabot ko ang tubig sa mesa at uminom doon. One week na akong suka ng suka sa umaga, pero ngayon niya lang naisipang kumpirmahin. I saw that he's cooking and glance at it.

Naamoy ko ang mabahong amoy ng bawang na para sa fried rice! I run to the sink and vomited again!

"Ialis mo iyang bawang! Ang baho!" tarantang tinapon ni Kalis ang bawang na bago pa lang nakalagay sa kawali.

I sighed in relief when I didn't smell it anymore. Umayos ako ng upo at uminom ulit ng tubig.

"Grabe para ka namang aswang dahil sa ayaw mo sa bawang." I glared at Kalis at tinaas niya ang dalawang kamay niya for surrender. As if I could control my morning sickness, kung ganoon ay sana wala na lang ito.

"Peace." he said and smiled. Inirapan ko siya at tumawa lang siya. Maloko.

"Ano bang gusto mong kainin?" he asked and started again what he did earlier, minus the garlic of course.

Nag-isip ako ng pwede kong kainin. Hindi naman ako picky eater lately, yun nga lang ang lakas ko kumain ng sinigang na hipon which is very unhealthy for the baby. Advice pa naman ng doctor ay healthy foods ang kainin ko tapos maasim pa ang sinigang.

"Salad na lang." I winced at what I said. Tumawa si Kalis sa harap ko. This guy is getting comfortable around me already.

"Don't force yourself to eat something, you don't want. You can eat what you want but balance it of course. Pero dahil lately ay puro maasim na ang kinakain mo, I observed. Lulutuan na lang kita ng something healthy." gusto ko sana ng sinigang na hipon na naman kaso bawal na.

I look around and my sight landed on the mango tree outside. Agad na nanubig ang bibig ko.

"Ikuha mo ako ng mangga." Kalis looked at what I was looking. He nodded at me.

"Mamaya, ikukuha kita." tumango ako.

The day was not boring but not that fun either. I like the fresh air this farm is giving me. Kapag gabi may mga tunog ng insekto sa paligid pero gusto kong marinig iyon.

Si Lola naman ay mukhang masaya. Noon pa man talaga ay sanay si Lola sa buhay probinsya. She was a probinsyana when she met my lolo—who came from the city and decided to bring her there.

Nasa terrace ako ngayon. Kumakain ng mangga. Noong nakaraang araw pa ito pinitas ni Kalis at naparami ang kuha kaya naman ay kain ako ng kain pero may limit pa rin.

I look at the strawberry jam and green mango in my hands, grabe sobrang sarap talaga. I've been eating this since yesterday, masarap pala.

Pumasok si Kalis sa terrace with his usual look. Gwapo talaga si Kalis e.

"Ellaine, gusto mo sumama sa centro? May bibilhin ako doon, baka bored ka na dito." inubos ko muna ang mangga with strawberry jam ko at tumayo.

"Si lola?"

"Kasama ang Mama ko, naglibot sila sa farm. Mayamaya pa ang dating noon." I nodded and look at my clothes. Okay naman na ang damit ko.

"Sige sama ako." minsan nakakabagot din na hindi makakita talaga ng maraming tao. Dito kasi hindi ako masyadong nakakasalamuha ng mga tao dahil ang iba ay nasa bukid pa, sa may mga palayan.

Sanay pa naman akong nakakakita ng maraming tao dahil maraming tao sa Maynila.

Sumakay kami ni Kalis sa isang truck na may lagayan ng mga prutas sa likod. Iyon ang nakita kong gamit noong nag deliver sila ng mga prutas noong nakaraang araw.

Halos isang oras ang biyahe para makarating ka sa centro. Doon kami huminto sa public market nila. Maraming tao doon, maingay ang paligid dahil sa mga tindera na grabe ang sales talk.

"May bibilhin lang ako dito, tapos punta tayong malapit na mall." I nodded at him.

Bumaba na siya at nandoon lang ako sa loob. Hindi naman masyadong mainit sa labas kaya noong makita kong may nagtitinda ng maruya—iyong saging na may tunaw na asukal. Bumaba na ako at bumili.

"Ateng, limang maruya nga po." tumango ang ale at pinagbalot na ako.

I was looking around habang naghihintay sa sukli ko. Kaso biglang may nahagip ang mata ko.

It was a figure of Dreico Hans. I look at it twice pero nawala na. My heart beats twice.

"Ineng sukli mo."

Hindi naman siguro siya iyon diba? Bakit naman mapapadpad ang taong iyon sa isang mausok at mabahong lugar na ito? That isn't him.

"Ineng sukli mo." doon lang ako natauhan at nahiya ako kay Ateng nagtitinda na nag space out pa ako sa harapan niya.

"Keep the change na lang po." I said and walks out. Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon.

Napatalon ako sa gulat ng may humawak sa braso ko kasabay ng isang maingay na busina ng motor.

"Ellaine!"

"Ano ba! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" galit na nakatingin ang driver sa akin.

Sheez!

Wala na naman ako sa sarili ko at muntik pa akong nasagasaan ng isang motor!

I look at Kalis with his worried expression. Nakahawak pa rin siya sa braso ko.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, buntis ka!" my hands landed on my tummy.

So carelss of you, El! Maselan ang pagbubuntis mo pero heto ka at nagpapakatanga dahil lang sa nahagip ng mata mo ang lalaking iyon na imposibleng nandito naman.

Naglakad na kami patungo sa sasakyan namin. Kalis is still holding me. Hindi naman ako pumalag dahil baka bigla na naman akong mawala sa sarili ko at masagasaan na naman ako.

Sumakay na kami at nag decide na lang na umuwi na.

Hindi talaga siya iyon. Maybe it was just my imagination dahil inaamin ko ay miss ko na rin naman siya.

Drei, you never failed to make feel that I am so into you.


Note ni Prinsesa:

Maharlikas! Sorry for the long update! May trabaho na kasi ako kaya medyo hindi ko maisingit noong nakaraan. Tapos medyo sabaw ang utak ko haha. Lame update haha.

Status Update: Inaantok na ako pero kailangan pang mag-update ng isa huhu.

Beauty And BabyStories to obsess over. Discover now