Morning Pancakes
Ellaine
I woke up late than the usual. Pagtingin ko sa bedside table nang kwarto ni Drei it was already 9:30 in the morning. Gumaan na rin ang pakiramdam ko. I remember last night that we were watching The Notebook movie and to think na si Dreico ang namili noon. I don't know he's into romantic movies, tutok na tutok nga siya sa pinapanood namin kagabi.
I don't know if I have finished the movie dahil mabigat talaga ang pakiramdam ko. All I could remember was him scooping me to the bed, sniffing my hair and playing with my fingers.
Tumayo ako sa higaan at dumiretso sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. After doing that morning routine ay naamoy ko mula sa kusina paglabas ko ng kwarto ang nililulutong pancakes ni Dreico.
Nakatalikod siya sa akin na sobrang busy sa ginagawa niya. Loko-loko talaga siya dahil kasalukuyang wala siyang pang itaas, naka plain black boxer at naka apron na kulay black din. Hindi ako makapaniwala na hindi lang pala talaga sa libro nakikita ang ganoong diskripsyon ng lalaking nagluluto sa agahan kung hindi meron nga talaga ito sa totoong buhay.
Umiling ako sa nasa isip ko. I walk towards the high stool and just watch what he's doing. Nakahawak siya ng sandok na pang flip sa pancake at kada may gagawin siya ay gumagalaw din ang mga biceps niya.
May naluto ng pancake kaya naman inilagay niya ito sa plato na nasa harap ko. Doon niya lang napansin na nandito na ko. Natawa pa ako sa mukha niya.
"Gising ka na pala. Just wait at maluluto na ito." seryosong sabi niya pero hindi pa rin nakawala sa paningin ko ang harina na nasa pisngi niya at natawa ako doon.
"Why are you laughing at me, Ms. Francisco?" nakakunot na tanong niya. Tumatawa pa rin ako at umiiling na lang. Sa kakatawa ko hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya. Doon lang natukom ang bibig ko.
"Tatawa tawa ka diyan. Kanina ka pa. Ako na ba talaga ang happiness mo?" nakangisi at papalapit na sabi niya sa akin.
Inirapan ko siya. "Feelingero ka din eh no?" tinaas ko ang kamay ko at may diin na pinahid ko ang harina sa pisngi niya.
"Ang harina dapat nasa pancake hindi sa mukha!" he smirks at me. Papalapit ang mukha niya sa mukha ko kaya naman papalayo din ang mukha ko. Dahil nga nasa stool lang ako ay na out of balance ako at maagap naman niya akong nasalo.
Kabang kaba ako at ayaw kong magkabukol umagang umaga. Pero mas lalo lang dumoble ang kaba ko ng super lapit na ng mukha at labi namin.
"You know maple syrup should be in pancakes too but maybe pwede rin pala...sayo." napalunok ako sa sinabi niya. Ginawaran niya ako ng maikling halik sa labi at saka humiwalay sa akin.
Umayos ako ng upo at umirap lang sa kanya. Hindi na ako nakapagsalita pa at mas pinili ko na lang manahimik. Bahala siya sa buhay niya!
Inilapag niya sa harapan namin ang pancakes na may maple syrup, hotdog, egg and bread. Nagsimula na lang akong kumain.
"But you know..." tumingin ako sa kanya. "Hmm?" ngumunguya ako sa bibig ko.
"The maple syrup in your body?" agad na namula ang mukha ko sa sinabi niya. Loko talaga siya!
"Bastos!" iyon lang ang na sabi ko.
"Bakit? That's just to add spice to our sex life. Sa America nga ay normal na naman ang mga ganoong bagay. You know like chocolate, milk, ice cream at marami pang iba." mas lalo lang namula ang buong mukha ko. I know I am a liberated person pero iba na ang usapan kapag sayo naman balak gawin ang mga bagay na iyon although it also excites me.
Ano bang iniisip ko?
"Maybe we should try one, one of this days. Diba? Kung hindi mo naman nagustuhan pwede namang hindi na natin ulitin." I just rolled my eyes at him. Kung ano ano na lang talaga ang naiisip ng malibog na ito.
"Bahala ka sa buhay mo, Carsejan." nagpatuloy na lang kami sa pagkain. After eating ay agad akong naligo at nagbihis. Uuwi na ako sa bahay dahil baka nagaalala na si Lola sa akin at baka makatikim ako ng kurot sa singit ko. Kahit na malaki na ako at malapit ng mabura sa kalendaryo ang edad ko ay hindi pa rin ako nakakaligtas doon.
Sabay kaming umalis ni Dreico sa unit niya. Ihahatid niya ako sa bahay dahil siya naman ang nagdala sa akin dito na wala pa ang kotse ko.
Ma-traffic na naman sa highway ng Maynila. Ewan ko ba at hindi na talaga masusulosyonan ang problema na ito at baka pwede ng masali sa 7 Wonders of the World.
"Kailan ka babalik sa condo ko?" napalingon ako agad sa kanya.
"Naku, Carsejan kakauwi ko lang galing doon tapos magtatanong ka kailan ang balik ko? Hanep ka talagang malibog ka!" he laugh at my reaction.
"Bakit ba? Gaston is always longing for Twinkle!" nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"At sino naman si Twinkle?" walang abog na sabi ko sa kanya.
"You don't know them? Si Gaston..." then he suddenly pointed at his thing. "Si Twinkle ang shota ni Gaston." nanlaki ang mata ko ng dinuro niya ang bandang keps ko.
Hinampas ko siya. "Ang kapal ng mukha mo mong pangalanan ang keps kong punyeta ka!" tumatawa lang siya habang hinahampas ko siya. Loko talaga ang Carsejan na ito. Umusad na ang traffic kaya tumahimik na lang ako sa kinauupuan ko.
"Pero bakit Twinkle?" that should be a question for my head only pero parang nasabi ko iyon ng malakas kaya naman napatawa na naman si Dreico. Hinampas ko na naman siya.
"Twinkle kasi maliit siya at saka whenever your ready nag sa-shine siya as if telling me to go in na!" hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mga kalokohan ni Dreico kaya napapailing na lang ako.
Siya ba naman ang nagbigay ng pangalan ng keps ko? And really? Naming there thing? Wala naman sigurong ganoong tao na ngayon maliban na lang kay Dreico. Loko-loko talaga siya.
Nakarating kami sa bahay mga bandang one na dahil nga sa traffic. Sinalubong kami ni Lola. Bumaba pa kasi si Dreico sa sasakyan niya.
"Mabuti na ba ang pakiramdam mo, apo?" nagmano ako kay lola at hinalikan siya sa pisngi. Nagmano naman si Dreico sa kanya.
"Inalagaan ka ba ng mabuti nitong nobyo mo, apo? Siya ang tumawag sa akin kahapon na may sakit ka daw at hindi ka muna makakauwi." tumango na lang ako sa sinabi ni Lola. Hindi na talaga na correct iyang akala ni lola na boyfriend ko si Dreico. Pero ano naman ang sasabihin kong relasyon namin dalawa kung ganoon? Alangan naman sabihin ko kay Lola na mag fubu kaming dalawa? At saka wala namang alam si lola sa mga ganoong set up at baka sangkaterbang sermon na naman ang aabutin ko.
"Makakaasa ka sa akin Lola na aalagaan ko si Twinkle—ay este si Ellaine po." he then wink at me. I just rolled my eyes at him.
Malibog talaga.

YOU ARE READING
Beauty And Baby
Romansa[Carsejan Clan Series 1] Ellaine Gianne Francisco wanted to have a baby but not husband. Crazy not crazy because all her life she witnessed the failed relationships of the people she loves. She's a strong independent woman who doesn't need a man in...