BAB 22

234 8 0
                                    

Smooth Sailing

Ellaine

It's been 3 months since we revive the contract. Wala namang off sa aming dalawa. We acted as boyfriend and girlfriend pero hindi naman talaga. We became completely comfortable with each other for the past months.

Ngayon nga ay weekends at pupunta ako doon. Dadaan muna ako sa mall para mag grocery ng para sa unit niya. We are this comfortable na. Wala namang kaso sa aming dalawa. Chill lang.

Ipinark ko ang kotse ko sa parking lot ng mall at dumiretso na sa grocery section. Kumuha ako ng shirmps, karne, manok at isda. Dinamihan ko ang shrimps dahil paborito ito ni Dreico. Specifically paborito niya ang Sinigang na Hipon kaya naman ay iyon ang palagi kong niluluto sa kanya.

Nanguha na ako pancit canton iyong sweet chili flavor dahil every midnight ay nagpapaluto sa akin iyon ng pancit canton. Nagpunta naman ako sa drinks. Bumili ako ng apat na box ng gatas dahil hindi lang naman namin iyon iniinom. You know if you know what I mean. Orange juice, Dutchmill dahil paborito ko ito. Kumuha na rin ako ng canned beers dahil paubos na iyong nasa unit niya and I grab some necessities para sa condo niya.

Matapos iyon ay nagpunta na ako sa cashier at binayaran lahat iyon. Hindi naman lahat ng pera ko ang pambayad doon. We had an agreement months ago ni Drei na hati kami sa groceries ng condo niya. Wala namang problema sa akin at nakikikain naman ako.

After paying it all ay nag drive na nga ako papuntang unit niya. I have a spare key to his condo. Binigay niya sa akin months ago na din kaya mau access na ako sa condo niya kapag wala siya. Kaka-text niya lang kasi kanina na nasa office niya daw siya at mukhang gagabihin.

Nang makapasok na ako sa unit niya at napailing ako sa kalat na nandoon. May mga damit pa niya sa sahig at ang mga sapatos niya hindi na organize. Walang hugas ang mga plato at may mga pinagtirhan pa ang lamesa.

Ano na lang kaya ang gagawin ng lalaking iyon kung wala ako dito? Mukha ng binagyo ang lahat.

Nilapag ko sa kitchen counter ang mga pinamili ko. I opened the refrigerator at tama na nga na namili ako dahil wala na iyong laman maliban sa tatlong bottle ng mineral water at 2 canned beers. I immediately place the goods I bought and after that ay nilinis ko na ang mesa at hinugasan ang mga plato.

Sinunod ko ang sala at nag vacuum pa ako sa buong unit. After that ay sa kwarto naman namin. Hindi naman masyadong makalat doon. May mga damit lang sa kama at ang kama na hindi maayos.

I look at the whole unit after and then I smiled when it was already neat and clean. Nagpunta na ako sa kusina para maghanda ng hapunan namin. Nag request na naman si Drei ng Sinigang na Hipon na mukhang hindi nananawa dahil noong isang gabi ay iyon din ang ulam namin.

Nagsaing na ako ng kanin at sininulan na ang paghiwa at paglilinis ng mga ingredients. Matapos noon ay hinintay ko iyong maluto at ng maluto na ay tinignan ko ang orasan.

It's already 7:35 pm.

Sinabi na ni Drei kanina na mga bandang eight na siya makakauwi kaya iidlip muna ako dito dahil napagod ako sa ginawa ko. I lay myself at the sofa and close my eyes.

I was awaken by a soft little kisses around my face kaya naman mapamulat ako ng mga mata. I automatically smiled when it was no other than Hans Dreico still in his office suit. Bumangon ako at inayos ang sarili ko.

"Ipaghahanda na kita ng pagkain." I was about to go to the kitchen when he stopped me. Tumingin ako sa kanya. He smiled at me.

"Ako na ang maghahain para sayo. You're tired from working and cleaning the condo. Pasensya ka na. Next time I will be less messy, I promise." I rolled my eyes at him.

"Dapat lang no! Ang kalat kalat nito kanina. Dapat may whole body massage din ako mamaya. Akala mo walang kapalit ito? Neknek mo!" tumawa siya at nauna na ako sa mesa.

At dahil sinabi naman niya na siya na ang maghahain ay umupo lang talaga ako doon habang nanonood sa kanya. He loosen up his necktie and unbotton some of it. Itinaas niya rin ang manggas ng damit niya.

I heard him said yes na may kasama pang hand gesture ng buksan niya ang kaldero na may lamang sinigang na hipon. Napailing ako sa kanya. He get some bowl and put some sinigang in it.

Inilapag niya iyon sa mesa at kumuha naman siya ng kanin at isa pang bowl at naglapag ng adobo sa mesa.

"Akala ko ay hindi ka muna magluluto ngayon so I just bought us food." tumango ako sa kanya at ini-open niya ang ref.

"Salamat at nag grocery ka. Kahapon pa nagwawala ang tiyan ko dahil gusto kumain ng pancit canton. Da best ka talaga, El!" dahil doon lumapit pa siya sa akin at hinalikan ako ng madiin sa pisngi ko. I rolled my eyes at him. Bulero ang loko.

Kumuha siya ng orange juice at dalawang baso. Naupo na rin siya sa tapat ko. Ako naman ay sinalinan siya ng kanina sa plato niya at sa akin na din.

"Kumusta naman ang araw mo?" I asked. It is normal for us to ask like that. At mukhang nasanay na rin naman kaming dalawa.

"I have so many works to do. Daddy is planning to pass to me the company kaya naman todo trabaho ako ngayon. Wala din naman kasing magmamana kung hindi ako lang." I nodded, kung sabagay ay matagal na naman niyang pinaghahandaan ang pangyayaring ito kaya hindi na naman mahirap sa kanya.

Ako din naman ay mas naging busy I was promoted to being the Executive Assistant in the company kaya naman kung todo ngawa na naman ang nga ka office mates ko dahil doon. They would say I seduced Lolo Karlos for my promotion but I knew better and Lolo Karlos too.

Magaling ako sa trabaho ko kaya ako na promote. Lolo Karlos and Lola Erlinda is still seeing each other paminsan minsan. Ang sabi ko nga kay Lola ay magbalikan na lang sila pero iling ang sagot nila lola. Matanda na daw silang dalawa ni Lolo Karlos para sa mga ganoong bagay. Love has no age limit. Sabi ko pa kay Lola pero umiling talaga siya.

Nagkausap nga kami nila Kuya Kristio and Kuya Kanio—mga anak ni Lolo Karlos. Kapatid na rin ang turing nila sa akin noong minsan magkakilala kami at nagkagaanan na ng loob tungkol doon at wala naman silang balak humandlang kina lola at lolo dahil matagal na panahon na rin namang biyudo si Lolo Karlos pero ayaw talaga nilang dalawa. They even said they are better of as friends. Mga salitaan din ni Lolo Karlos.

Matapos kaming kumain ay nagpasya kaming manood ng Netflix sa sala. Naglapag kami ng matress sa sahig at naglagay ng mga unan. Kumuha pa si Drei ng mga chichirya.

Ako naman ay nahiga na doon. Ready na ako mag pa massage sa kanya dahil masakit talaga ang katawan ko.

Beauty And BabyWhere stories live. Discover now