BAB 20

269 6 3
                                        

Cuddle Nights

Ellaine

Matapos ng nangyari kahapon ay hindi na ako nakatulog masyado. Ang ending ay napirwisyo pa ang trabaho ko dahil sa kumag na iyon. Mabuti na lang ay nag volunteer si Jilian na gawin ang ibang trabaho ko kaya naman na lessen iyon. Napansin siguro niya na aligaga at inaantok ako.

Maaga na lang akong nag out. Kailangan ko ng caffeine sa sistema ko para magising ang mga kaugatan ko sa katawan. I sat at the last table near the glass window. Kasalukuyang hinihintay ko ang order kong black coffee with no sugar. Kailangan ko talaga ng matapang na kape ngayon.

I was waiting for my coffee when my phone vibrated. It was a call from the person who is making me sleepy right now. Hindi ko iyon sinagot, bahala siya sa buhay niya.

Nakahilot lang sa sintindo ko ang dalawang kamay ko habang nasa harapan ko lang ang phone kong kanina pa nagvi-vibrate. Sa wakas ay tumigil ma rin ito. Pero may isang text message na nag pop out doon.

From: 0938372****

Msg: Why aren't you picking up your phone?

I rolled my eyes at my phone. Wala ako sa mood makipag bwisitan sa kanya. Bahala siya.

"Coffee for Ms. Ellaine?" tatayo na sana ako para kuhanin ito ng may naglapag ma sa harapan ko ng coffee ko.

"Bakit ba hindi mo sagutin?" napaayos ako ng upo at pinagdantay ko ang mga braso ko sa ilalim ng dibdib ko. Hindi ko pa rin iniba ang mukha ko. Pinakealaman niya sa harapan ko ang phone ko. I don't buldge anymore wala talaga ako sa mood.

"Mao-offend na ba ako na hindi man lang naka save sa phone mo ang number ko?" I rolled my eyes at him. Ininom ko na lang ang kape ko at napangiwi sa lasa nito. Grabe napaka pait pala talaga nito. First time ko naman kasing makatikim nito dahil sa hinayupak na nasa harapan ko.

"What are you doing here?" walang gana na sabi ko sa kanya. Masakit talaga ang ulo ko ngayon.

"Are you sick?" he asked me. Nagulat ako ng bigla niyang ilapit ang kamay niya para ilagay sa noo ko.

"Hindi ka pa naman mainit. Come with me." tumayo siya at niligpit pa ang mga gamit ko sa mesa. He even carried my bag and papers. Hinawakan naman niya ang kamay ko at iginaya ako palabas ng cafe.

"Saan mo ba ako dadalhin? Kung malibog ka, maghanap ka ng iba." nagpunta kami sa parking lot at nasa tapat na kami ng sasakyan niya.

"Nagsasakyan ako papunta dito, Dreico." iniharap niya ako sa kanya at inilahad niya sa harapan ko ang palad niya.

"Wala akong piso, magtigil ka diyan." bigla ay tumawa siya sa akin. Kaya hinampas ko siya.

"Ano ba kung wala ka naman gagawin at bubwisitin mo lang ang araw ko ay uuwi na ako." nagmartsa na ako papunta sa sasakyan ko. Sumunod naman siya sa akin.

"Wait lang naman, Ellaine. Akin na ang susi mo at ipapahatid na lang iyan sa bahay niyo. Ako na ang maghahatid sayo." wala na akong lakas makipagtalo kaya naman ay kinuha ko na iyon sa bulsa ko at ibinigay ko ito sa kanya.

Mamaya maya ay may tinawagan siya at may biglang dumating na lalaki na kinuha ang susi ko. He opened the door for me. Inirapan ko lang siya.

Ang plastic ah.

Umupo na ako sa passenger seat at mabilis naman siyang nakaikot para magpunta sa driver's seat. Masakit talaga ang ulo ko walang halong biro kaya naman hindi ko na namalayan na naka idlip na pala ako sa kinauupuan ko.

I felt my body getting carried. Iminulat ko ang mga mata ko at karga-karga ako ni Dreico. Papasok kami sa isang elevator.

"Umidlip ka muna. Mukhang masama nga ang pakiramdam mo. Papainumin kita ng gamot mamaya." kahit na sinabi niya na matulog muna ako ay hindi ko na iyon ginawa. Huminto ang elevator na sinasakyan namin sa 6th floor ng building.

Mukhang papunta kami sa condo niya. At doon ko nga nakumpirma ng makita ko ang pamilyar na hallway na tinatahak na namin. We stop at the door 415.

Gusto kong bumaba pero agad na niya itong nabuksan, kung paano nangyari iyon ay hindi ko alam. As we entered in his unit a manly scent welcomes me and it gives me a familiarity. Matagal na rin simula ng mag lagi ako dito.

Nilapag niya ako sa kwarto niya. Siya pa ang naghubad ng sandals ko at kinumutan ako ng maayos. Hindi ko alam kung ano ba itong ipinapakita niya sa akin but all in all. I like this one.

"Diyan ka lang at ipagluluto kita ng soup. Magpahinga ka. Inaabuso mo kasi masyado ang katawan mo." nagulat ako ng halikan niya ang noo ko. Gusto kong magtanong kung bakit niya ginagawa ito pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.

Pinagmasdan ko na lang siya na palabas na sa kwarto niya. Nakatulog ako ng ilang oras na hindi ko alam. Tinignan ko ang oras at iyon na lang ang kaba ko ng makita na 8:30 na. Dali-dali akong bumangon at agad na hinanap ang sandals ko. Walang kasama sa bahay si lola at saka siguradong hinahanap na ako noon at naka nag aalala na iyon. Kanina pa kami nakapagusap.

Bumukas ang pinto ng silid at doon pumasok si Dreico na may dalang tray ng pagkain. He seemed shock because nakaupo na ako sa kama at nagmamadali na ako.

"What are you doing?" inilapag niya ang tray sa bed side table at agad na nilapitan ako.

"Kumag ka talaga kahit kailan Carsejan! Bakit hindi mo ako ginising? Baka nagaalala na si lola sa akin!" he come closer to me and held both of my shoulders.

"Kumalma ka nga. Kanina ko pa tinawagan si lola at sinabi kong masama ang pakiramdam mo at magkasama tayong dalawa. Ang sabi naman niya ay okay lang siya at dapat ay alagaan daw kita ng mabuti at nalilintikan daw ako kapag lumala ka daw kaya makipag cooperate ka sa akin." natigil ako dahil sa mga sinasabi niya.

Tumayo siya at kinuha ang tray ng pagkain na inihanda niya para sa akin. Bumalik naman ako sa pagkakaupo sa kama at sinubuan niya ako. In fairness naman at masarap siya magluto.

"Ako na." I said at sinubukang kuhanin ang kutsara pero inilayo niya iyon sa akin.

"Ako at may sakit ka."

Sumimangot ako sa kanya. "May sakit lang ako, Dreico hindi ako paralisado, tangang to." tumawa siya pero siya pa rin naman ang nagpakain sa akin.

Matapos kumain ay pinagpalit niya ako ng damit. Binilhan pala niya ako kanina ng damit ko. Nahiya pa tuloy ako sa kanya. Pagkatapos magbihis ay nahiga ulit ako. Siya naman ay ini-on ang TV at sabi manunuod daw ng Netflix.

Hindi naman ako nagreklamo dahil bahay naman niya ito. He can do whatever he wants. Nahiga na ako sa kama. Pero nagulat ako ng nahiga siya sa tabi ko at kinabig niya ako papunta sa kanya.

"A-Ano ba Dreico..." I said to him. Pero mas lalo lang niya inilapit sa akin ang katawan niya. He puts his arms at the back of my head para iyon ang maging unan ko at hindi ko alam kung bakit iba na ang kabog ng puso ko.

His other arms were encircled our my waist. Naghuhurumintado na ang puso ko talaga. Idinantay niya ang baba niya sa ulo ko.

"Let's just stay like this for a while." iyon lang ang sinabi niya at tinuon na niya ang atensyon niya sa palabas sa TV. Ako naman dito ay hindi mapakali sa posisyon naming dalawa.

We are like couples cuddling in the night.

Bakit ka ba ganito?

Beauty And BabyStories to obsess over. Discover now