Lola's Birthday
Ellaine
Busy ang lahat ngayon. We are at the house. Iyong binili kong bahay para sa amin ni lola ay doon ko isinelebrate ang birthday niya. It's just a small party for her. 73 years old na ang lola ko and still healthy at nangungurot pa rin ng singit ko.
"Apo naman bakit ang laki naman ng hinanda mo para sa akin? Gastos na naman ito." nilapitan ko si Lola na nakaupo lang sa sofa at niyakap at hinalikan.
"Lola ang liit pa nga ng celebration na ito para sayo! You are the best lola in the whole galaxy, so you deserve the best!" hinampas ako ng lola ko na nakapagpasimangot sa akin.
"Nambola ka pa sa akin Ellaine. Ako lang naman talaga ang lola mo." tumawa ako sa sinabi niya.
"Lola Erlinda!" napalingon kami sa boses ng bata sa may pinto. It was was Mi Amore—anak ni Laurie. Nagtatatakbo si Mi Amore kay Lola at agad na nag mano sa kanya.
"Pagpalain ka ng Diyos, apo." tapos ay ngumiti si Mi Amore kay lola at nag abot ng regalo dito.
"Mi Amore, baby ilagay mo na lang doon sa may mesa sa labas ang gift mo. Mamaya pa iyan bubuksan ni Lola." tumango so Mi Amore at lumapit sa akin.
"Ninang El! Miss na po kita!" tumawa ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Mi Amore is already 4 years old at matalinong bata.
"Happy Birthday Lola Erlinda!" natuwa ako ng makita ko sila na may dalang regalo at kasama pa ang dalawang inaanak kong si Klio—anak ni Hesta at si Theodore—anak ni Jera. Klio is 5 tapos si Theo naman ay 3 years old.
Nagmano silang lahat kay lola at binati siya ng happy birthday. Sinipat ko si Viron dahil kasama niya pala si Terrence. Wala namang kaso sa amin iyon basta ba mag-ingat iyang lalaking iyan.
Nagdala sila Tamara ng mga ulam kaya naman ay nagpasalamat ako sa kanila. Dumating na rin sila Jilian at Lolo Karlos.
"Lolo buti naman at nakarating kayo." nagmano ako sa kanya.
"Ang Kuya Kristio at Kanio mo ay hindi makakapunta at nagpaabot na lang ng regalo sa lola mo." tumango naman ako kay Lola.
"Okay lang po, Lolo nasa loob po si Lola." I escorted lolo through the living room. Medyo malaki ang bahay na nabili ko. May apat na kwarto iyon. Tatlong room at master's bedroom ang isa. Malaki ang kitchen na gusto ni lola kaya naman ay gusto ko rin.
Mayamaya lang ay nagsimula na kami. Konting kasiyahan para kay lola at kumanta naman si Tamara para kay lola. Tamara has a beautiful voice. Naalala ko pa nga noong college kami ay nakasali iyan sa isang banda sa university namin. But she stopped when she entered med school.
I was sitting at the kids table. Nakakamiss na makasama silang lahat. Matagal tagal na rin noong huli silang nakumpleto lahat. I always loved kids. They are my breath of fresh.
You know the minds of an innocent kids can make me sane and happy. That people still have chances of making a better world because of children.
"Tita El! I've got a star in school! Five po iyon. I wanted to show it to you pero na bura na kasi sa kamay nilagay yon." I smiled and kisses her cheeks.
"Okay lang naman Mi Amore. I know your a smart kid. Sa susunod na lang ako titingin sa stars mo." kumakain sila ng fried chicken and hotdogs na may marshmallows.
Theodore is the silent type of kid. He is three now. Madaldal siya kapag nakasama mo na siya ng matagal. Papasok na rin siya ng school next year.
"I've got stars too. Ninang tapos honor ako." si Klio naman ang nagsalita.
YOU ARE READING
Beauty And Baby
Romance[Carsejan Clan Series 1] Ellaine Gianne Francisco wanted to have a baby but not husband. Crazy not crazy because all her life she witnessed the failed relationships of the people she loves. She's a strong independent woman who doesn't need a man in...
