Kai's POV
Hinintay ko si Dara na makauwi ulit dito sa bahay. Ayoko man sana siya hintayin pero di ko mapigilan dahil masyado akong nag aalala para sa kapatid kong iyon, at hindi talaga ako matatahimik hanggat di pa rin siya nakakabalik.
Nagdaan ang mga oras. Kanina hatinggabi pa lang, ngayon madaling araw na. At kanina pa rin ako palakad lakad dito sa may sala. Andiyang dudungaw pa ako sa bintana at titignan kung nandyan na ba siya sa labas.
Iniisip ko kung saan ba nagpunta ang kapatid ko, kung ano ang iniisip niya at kung ano ang nararamdaman niya at lalong lalo na kung ano ang ginagawa niya ngayon.
Tumunog ang orasan na nakasabit sa may dingding malapit sa kusina. Napahinto ako para pakinggan iyon. Three times. Ibig sabihin alas tres na ng madaling araw ngayon. Mga dalawa at kalahating oras na lang bago sumikat ang araw.
Binalot ng takot ang dibdib ko. Alam ko naman na walang mauuwian si Dara, pero saan kaya siya nagpunta? Umaasa pa rin ako na sana dito siya umuwi ngayon. Kanina pa ako pabalik balik dito at di na rin ako mapakali dahil alam kong mag isa ngayon si Dara.
Nabubuhay lang kasi ang mga Chaser pagdating ng gabi, pero sa araw kailangan na nila umuwi upang matulog.
Hindi ko man lang matulungan si Dara na matulad sa akin na kaya ng mabuhay ng normal. Nagkaroon lang naman ng transformation sa akin para maging normal dahil kay Sheena, dahil mahal niya at tanggap niya ang katauhan ko bilang chaser.
Pero marahil hindi naman kasi talagang inlove si Dara dun sa mga past relationships niya kaya ganun. Pero umaasa pa rin ako na sana balang araw makatagpo rin siya ng tunay na pagmamahal gaya ng sa amin ni Sheena.
Napa face palm na lang ako. Kung sana may improvement man lang ang mga ginagawa kong experiments sa laboratory. Kaso wala.
"Hayy bakit ba pinag aalala mo ako ng ganito Dara?" Bulong ko sa aking sarili.
Muli ko nanamang naisip na mag isa lang siya ngayon. Maaaring mapahamak siya pag nadiskubre siya ng mga tao. At ayoko mangyari iyon dahil kapatid ko siya. Kahit na sabihin pang isa siyang Chaser at ayaw niya maging mortal, mahal na mahal ko pa rin iyon.
However, kailangan pa rin namin mag usap. Ibig sabihin hindi pa ako dapat matulog. Kung matulog man ako ay baka huli na at hindi ako magising hanggang sa malapit ng sumikat ang araw dahil matutulog na rin si Dara nun at magigising lang siya ulit pag madilim na ang gabi.
Naalala ko ang mga kaganapan dito sa bahay kanina nung andito ang tatlong kaibigan ko. Halata naman na interesado sila kay Dara at hindi pa rin ako kampante sa salita niya na hindi niya sasaktan ang mga iyon.
Pero hindi ko rin inaalis ang posibilidad na maaring ang mga kaibigan ko pa ang makapagdulot sa kapatid ko ng kapahamakan.
Si Kris at Luhan ay mga doktor. In time, macucurious din sila kung bakit napaka putla ng kulay ni Dara, para itong malabnaw na gatas at halos translucent at direct contrast iyon sa kanyang physical vibrancy.
Baka mahalata rin nila na hindi naman talaga kumakain si Dara ng pagkain, gising lamang siya tuwing gabi at wala siyang reflection pag tumatapat sa salamin. Napaka dali lamang para sa kanila na madiskubre iyon.
Isa pa si Chann. For the first time in hours I felt a momentary relief. Hindi ko kailangan mag alala tungkol kay Chann. He'd flirted with Dara, but that's what Chann did--flirt. At wala lang naman ibig sabihin iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Immortal Love ( EXO FF )
Mystery / ThrillerDate started: January 27, 2015 Date finished: January 20, 2016