Dara's POV
"Suho!" Dali dali ko siyang dinaluhan. Isa lang ang pumasok sa isipan ko. Steel blade. Paulit ulit itong isinisigaw ng utak ko. Napailing ako at umiyak habang itinatanggi ko sa aking sarili ang maaaring gawin ng isang steel blade na nakasaksak sa dibdib ni Suho. Steel can kill a chaser.
Pinilit pa rin ni Suho na tumayo gamit ang puwersa sa paghawak niya sa amin ni Kai. Naipasok pa namin siya sa loob ng sala subalit hindi na niya siguro kinaya kaya naman ay bigla na lang siyang nag colapse nung malapit na kami sa may sofa.
Habang hinahabol niya ang kanyang paghinga, napansin kong kino-control niya ang panginginig ng kanyang katawan. Bawat pagnginig niya kasi ay kasabay din ng walang tigil na pag agos ng dugo mula sa kanyang sugat at palala pa iyon ng palala. Lumuhod ako sa tabi niya at saka kinuha ang mga kamay niya at inilagay sa aking kaliwang pisngi.
"Suho, anong nangyari?" Tanong ko.
"K-kris." Tanging sagot niya kasabay nuon ay ang pag ubo niya ng dugo. Tinignan niya ako sa aking mga mata ng puno ng pagmamahal. May dugo na rin na umagos papunta sa kanyang pisngi mula sa kanyang bibig. "Sinundan ko siya nung iniwan kita dun mahal ko."
"Siya ang gumawa sa'yo nito?"
"M-may..." bigla na lang siyang namilipit sa sakit. "may inatake na naman kasi siya sa may kalsada." Hirap niyang sabi. Narinig ko naman ang mahinang pag mumura ni Kai.
"S-sinubukan kong... s-sagipin yung babae pero..." sabay iling niya. "Naglaban k-kami at akala niya ay patay na ako. I-iniwan niya ito sa tabi ng katawan n-nung babae." Tumungo naman ako at nakita ko ang kwintas ko na nasa kamay ni Suho.
"Saan?" Tanong ni Kai habang inilalapit ang mukha nito palapit kay Suho. "Saan niya iniwan yung katawan nung babae?"
BINABASA MO ANG
My Immortal Love ( EXO FF )
Mystery / ThrillerDate started: January 27, 2015 Date finished: January 20, 2016