Luhan's POV
Pinili kong magtago dito sa itaas ng isang malaking puno hindi kalayuan sa Francisco Mansion. Hindi nila napansin na kanina ko pa sila sinusundan. Matinding galit ang nararamdaman ko sa walang hiyang Kris na 'yon. Hayop siya. Ginamit niya lang ako. I clenched my hands into fists. Ginamit niya lang ako to fulfill his own selfish desires, at ngayon pati si Dara ay gusto niyang kunin.
Napakasakit at napaka lungkot kong hinarap ng mag isa ang buhay ng napaka habang panahon. Tiniis ko iyon over the centuries only because umaasa ako isang araw, magkikita ulit kami ni Dara, na magkakaroon ulit kami ng pagkakataong magmahalan.
Halos saksakin ko na ng tingin ang likuran ni Kris. Kung nakakamatay lang ang tingin ko ay paulit ulit kong papatayin ang gagong ito.
Nakakamatay na sakit at lungkot ang nasa dibdib ko lalo na nung unang gabi na dumating siya sa bahay ni Kai, ang muli naming pagkikita, ang muling pagtatama ng aming mga mata. Akala ko makikilala niya ako. Pero mas masakit pa pala ang makita kong nagka gusto siya kay Chann at alam kong mahal na niya ito ngayon. Durog na durog na ang puso at buong pagkatao ko. Nanatili akong nagmamahal sa kanya sa loob ng napakahabang panahon at hindi man lang nagbago iyon ni katiting. Si Dara lang ang nag iisang dahilan kung bakit ako nagsumikap na mabuhay sa mundong ito, siya ang naging pag asa ko, ang pagmamahal lang niya ang kinakapitan ko.
Pero mukhang naka move on na siya sa pagkakawala ko. Balewala na lang ako sa kanya ngayon. Samantalang ako, heto at umaasa pa rin na sana ako pa rin, na kami pa rin sana para sa isa't isa.
Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo sa aking mga mata. Pinagmasdan ko kung paano siya hinalikan ni Kris, kung paano maglakbay ang mga kamay nito sa kanyang katawan na minsang alam ko na walang ibang makakahawak ng ganoon maliban sa akin. Mas lalong nagsikip ang dibdib ko dahil doon at mas lalong nanlabo ang mga mata ko sa walang tigil na pagbuhos ng aking mga luha.
Hindi ko na kinaya ang mga nasaksihan ko kaya naman naisipan ko ng tumalikod. Sa panlabas na anyo ako si Dr. Carl Luhan de Guzman, pero sa panloob ako pa rin naman ito--- si Suho Elizalde.
My face had been slashed beyond recognition nung gabing iyon. I could still remember every moment of it, pati na ang mga mukha ng mga taong nagligtas sa akin. I silently laugh at that thought. Nagligtas sa akin? Ang akala ng mga taong bayan ay napatay na nila ako. Nagsi alisan na sila sa lugar kung saan ako nakalupaypay, naiwan lamang ang ilang kapamilya at matatalik na kaibigan ko. Subalit isa sa aking mga kaibigan ang nakadiskubre na humihinga pa pala ako kaya naman dali dali nila akong inalis sa lugar na iyon. Natural lang na hindi ako mamatay dahil nakumpleto na ni Dara ang ritwal ng transformation sa akin na buong akala niya ay hindi nagtagumpay. Ginamot ako ng mga taong iyon, pero anong kapalit? Hiniwa hiwa nila ang aking mukha para hindi ako makilala pa ng kung sino man dahil sa mga nangyari. Nagmukha akong halimaw sa lagay kong iyon. Ilang taon din ang lumipas nang napag aralan ko na ang isang true blood chaser ay mabilis maghilom ang balat kapag sila ay nasusugatan, samantalang ang kagaya ko na tumawid lamang sa pagiging isang chaser ay hindi. Dahil na rin sa pagiging dugong mortal ko noon.
BINABASA MO ANG
My Immortal Love ( EXO FF )
Mystery / ThrillerDate started: January 27, 2015 Date finished: January 20, 2016