Chapter 34 Luhan's Dissapointment

914 30 3
                                    

Nakatayo si Dara sa may terrace ng bahay ni Chann. Kitang kita ang kanyang kagandahan dahil sa ilaw na nagmumula sa may labas ng bahay. Ang suot niya namang blue dress na hapit sa katawan ay mas lalong nakapagpa-sexy sa kanya.





Sa di naman kalayuan sa labas ng bahay ni Chann, ay nakamasid lamang si Luhan kay Dara na nagtatago mula sa isang madilim na bahagi. Para siyang isang lawin kung makamasid kay Dara sa tuwing nakikita niya ito.





Nakakaramdam siya ng matinding sakit ng kanyang damdamin lalo na pag naiisip niya yung nakalipas, lalo na yung kapag tuwing naaalala niya si Dara nung mga panahong hindi pa sila nagkikita.





Nagbago na ang kanyang panlabas na anyo over the years since huling nakita siya ni Dara, pero kinailangan niya ng matinding effort at mahabang panahon para ma-achieve iyon.





Nung mga nakaraang mga araw, alam ni Luhan na nate-tensed si Dara sa tuwing nakikita niya ito. May mga time pa na panakaw na tinitignan ni Dara si Luhan without his knowledge.





Naramdaman ni Luhan na nakakaramdam si Dara towards him ng sense of familiarity pero natatakot ito. Iyon ang dahilan kung bakit sumama ang kanyang loob.





Pagkatapos ng mga pangako nila sa isat-isa, after all the years na miss na miss na niya si Dara at gustong gusto ng makasama ito, pagkatapos lahat ng dinanas niyang preparasyon at paghihirap bago maging maayos ang kanyang pakiramdam at maging confident sa harap ng mga tao, para makaharap siyang muli, tapos ngayon matatakot lamang siya kay Luhan at nagkagusto pa sa isang mortal.





Hopelessness and loss filled Luhan's heart. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao sabay nakaramdam ng urge na gusto niyang makapatay. She belonged to him, no one else. Iyon lang ang dapat na mangyari.





Itinuon muli niya ang kanyang paningin kung nasaan si Dara. Madilim ang mga bintana ng bahay na nagliliwanag lamang dahil sa repleksiyon ng buwan. Bahay iyon ng isang mortal, walang duda. Pero wala sa kanyang bahay si Chann.





Nakaramdam ng relief si Luhan dahil doon at nakahinga ng maluwag. Ngayon ay pwede na niyang lapitan si Dara. Walang sinomang tao ang nasa daan ngayon. Wala si Chann para umepal sa kanilang dalawa. Masosolo niya na ito, kaya he stepped forward.

My Immortal Love ( EXO FF )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon