Mga matang maitim dahil sa uhaw ang nagmamasid ngayon sa bayan ng San Miguel.
Maraming alaala ang nagbalik sa kanya. Medyo maaga pa ang gabi at delikado pa para kumilos siya, pero wala na siyang panahon. Kailangan na niya itong gawin ngayon.
Matagal na panahon na rin ang lumipas. Ilang taon na rin ba ang lumipas? Halos di na nya maalala. Madami na rin ang nagbago sa bayan na ito.
At dumating na nga ang kanyang pagkakataon. Isang binata ang lumabas sa isang bar. Lumakad sya paalis mula sa ingay ng malakas na music at tawanan mula sa bar na iyon.
Susuray suray naglakad ang lalaking iyon hanggang nakarating siya sa isang kalye na hindi masyado nadadaanan ng mga tao. Huminto siya saglit at sumandal sa isang pader habang nakatungo ang ulo nya at medyo hinihingal pa sa pagod at sa sobra na rin sigurong kalasingan.
Sa isang banda, may isang pares ng mga matang kumislap habang pinagmamasdan ang kanyang magiging biktima.
Sinundan nya lang ang binata habang naglalakad pa rin sa kabila ng kalasingan nito. Medyo malayo na rin ang nalakad nya hanggang sa nakarating na ito sa tapat ng isang sementeryo.
"Tamang tama ang lugar na ito." Bulong nya sa kanyang sarili sabay ngisi ng nakakaloko. Nang lumabas ang kanyang matutulis na pangil ay inatake na nya ang binata.
Sinubukan pa magpumiglas ng binata pero pagharap niya sa taong umatake sa kanya ay nagulat ito. "Aaahhh! Anong klase kang halimaw lumayo ka!!!" Ngunit wala din nagawa ang kanyang pagpupumiglas at ang kanyang mga sigaw, wala din namang nakakarinig sa kanya.
Biglang nawalan ng malay ang binata. Marahil ay sa dami niyang nainom na alak ng gabing iyon at dahil na rin sa pagkaubos ng kanyang dugo na dumadaloy sa kanyang mga ugat. Bumagsak ang binata sa damuhan.
Ang pares ng maiitim na mata ay muling kumislap dahil sa naramdaman niyang kasayahan sa kanyang pagpatay. Ngumisi siya dahil sa kanyang tagumpay, at may kaunting dugo pa na tumulo mula sa gilid ng kanyang labi.
***
BINABASA MO ANG
My Immortal Love ( EXO FF )
Misteri / ThrillerDate started: January 27, 2015 Date finished: January 20, 2016