Luhan's POV
"Tumigil ka na sa kahayupan mo Kris!" Hindi ko na natiis ang kalapastanganang ginagawa ni Kris kay Dara kaya hindi na ako nag dalawang isip na magpakita sa kanila. Tinanggal ko ang mahigpit niyang pagkakahawak kay Dara at saka binigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa mukha. Kitang kita ko ang gulat sa kanilang mga mata lalong lalo na ni Kris. Hindi niya siguro inaasahan na nasundan ko sila dito.
Mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ko sa kanya dahil ganun ganun na lang kung bastusin niya ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi naman ako makapapayag ng ganun. Handa akong ibigay maski ang sarili kong buhay basta huwag lang mapahamak si Dara.
"Ano bang pakialam mo!?" Sigaw sa akin pabalik ni Kris.
"You don't deserve the honor of being a chaser, Kris at mas lalong lalo na hindi ka karapat dapat sa pagmamahal ni Dara. Isa kang malaking kahihiyan sa lahi ng mga chaser, I should never have transformed you." Sabi ko sa kanya. Nanlalaki naman ang mga mata ni Dara na nakatingin sa akin.
"Wala ka naman ng magagawa Dr. Luhan." Sabi niya sabay ngisi niya na parang isang demonyo.
"Gusto mo bang isiwalat ko sa buong mundo ang tunay mong pagkatao?"
"Pinatay na lang sana kita." Mariin na sabi ko.
"Pero hindi mo kaya! Natatandaan mo pa ba? At alam kong hanggang ngayon ay hindi mo pa din kaya. O baka naman nakalimutan mo na ang mga values na itinuro mo sa akin dati, na huwag papatay ng tao, instead dapat dugo ng hayop ang inumin natin instead na dugo ng mortal?"
"But I no longer consider you human, Kris. Wala akong dapat pagsisihan kung mapatay man kita ngayon." Bigla naman nag iba ang hitsura ni Kris dahil sa galit. Nagmuka siyang isang mabangis na hayop na handang pumatay.
"Bastard." Mahina niyang sabi sabay baling ng tingin niya kay Dara.
"Tantanan mo si Dara, Kris!" Banta ko sa kanya. "Kung hindi, mananagot ka sa akin!"
BINABASA MO ANG
My Immortal Love ( EXO FF )
Mystery / ThrillerDate started: January 27, 2015 Date finished: January 20, 2016