Chapter 56 End of Kris

492 23 0
                                    

Pagewang gewang na parang lasing na sinubukang lumakad ni Chann dahil sa sobrang hilo na nararamdaman niya. Sa sobrang hina niya ay napaluhod siya. Kinurap kurap niya pa ng mabilis ang kaniyang mga mata subalit mas lumala lamang ang pag ikot ng kanyang paningin. His arms felt weak, his legs nearly numb. Blurred na din ang kaniyang paningin. Huminga siya ng malalim, to gather his strength, but there was little left to gather.






Biglang napasigaw si Dara at ngayon ay sakal sakal na siya ni Kris.






Nakabangon naman muli si Kai at madaling pinuntahan ang kaniyang kapatid. Hinila niya ng isang kamay ang buhok ni Kris habang ang isang kamay naman ay nasa leeg nito para mapaalis ito palayo sa nakahigang si Dara.






Nainis naman si Kris sa pangingialam nito kaya naman siniko niya si Kai sa kanyang sikmura dahilan para tumalsik na naman ito.







Matinding determinasyon ang ginawa ni Chann at sinubukang tumayo muli. Pushing away with the concrete with one hand, pinulot niya ang steel knife na nabitawan ni Kai at saka muling tinatagan ang sarili upang maglakad. Umaagos ang natitirang dugo sa katawan ni Chann dahil sa kaniyang mga kagat sa leeg at unti unting naglakad patungo sa naglalabang si Kris at Dara.






Pilit naman na nanlaban si Dara at sinusuntok at kinakalmot ang dibdib ni Kris. Hindi siya makatayo dahil malaking tao si Kris at buong pwersa itong nakadagan sa kanya.






"Hinding hindi ka mapapasakanya!" Sigaw sa kaniya ni Kris.





Chann prayed he had the strength to do what had to be done. Itinaas niya ng kaniyang dalawang kamay ang hawak niyang kutsilyo above his head, at nag concentrate siya na ibigay ang lahat ng natitira niya pang lakas doon sa kaniyang mga braso, sabay malakas niya itong ibinaba. Tumama iyon sa likod ni Kris, savagely slicing through his shirt, through flesh, through bone... and finally through his heart.






Biglang nanlaki ang mga mata ni Kris. Sobrang sakit. Alam niya na iyon na ang kaniyang katapusan. Napahiyaw siya sabay nanginig ang kaniyang kalamnan.






Napabitiw naman si Chann sa handle ng steel knife, pero hindi niya iyon hinugot mula sa likod ni Kris. Umiikot pa rin ang kaniyang paningin, yet relieved dahil alam niyang safe na ang kanyang minamahal. Bahala na kung anong kahihinatnan niya ang mas importante pa rin ang kaligtasan ni Dara.


My Immortal Love ( EXO FF )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon