Chann screamed at the shock and pain of the brutal attack. He struggled para makawala sa pagkakakagat sa kanya ni Kris pero sadyang napaka lakas nito at habang tumatagal ay tila unti unting nawawala ang kanyang lakas dahil sa mabilis na pagkaubos ng kanyang dugo. Inipon niya ang natitirang lakas para kalabitin ang trigger ng baril.
A bullet exploded from the gun barrel at tumama iyon sa may tiyan ni Kris. He flinched, pero 'yun lang iyon. Nanatiling mahigpit ang pagkakahawak niya kay Chann at mas lalong ibinaon ang kanyang mga ngipin sa leeg nito. Sisiguraduhin talaga niyang mapapatay niya ang walang kalaban laban na si Chann.
Pilit pa rin nanlaban si Chann pero napaka higpit ng pagkakakapit niya dito. Naalala ni Chann ang mga salitang binitiwan sa kanya noon ni Luna. Ang kanyang puso. Ang sabi ni Luna ay dapat mabaril niya ito sa puso. Pag natamaan ng kahit anong metal na bagay ang puso ng mga chaser ay iyon na ang kanilang katapusan. Pero masyado ng nanghihina si Chann at nakakaramdam na rin ng panlalamig ang kanyang buong katawan dahil sa pagkaubos ng kanyang dugo. He tried to lift his hand na may hawak na baril, but he was too weak. Instead, his fingers lost their grip on it, at nahulog na ng tuluyan ang baril sa lapag. Nanlalabo na rin ang kanyang mga mata at unti unti na rin kumukulubot ang kanyang balat.
Iniyakap ni Kris ang isa niyang kamay sa baywang ni Chann para alalayan dahil gusto ng bumagsak sa lupa ang katawan ni Chann.
Unti unting umikot ang paningin ni Chann hanggang sa dilim na lamang ang nakikita niya. Alam niya sa kanyang sarili na dapat ay labanan niya si Kris, dapat niyang pilitin na makawala dito, pero wala na ngayong lakas para gawin ito. His body was cold, yet warm. His mind is clear, yet clouded. Tila ba kahit kadiliman na ang nakikita niya ngayon ay parang umiikot ikot pa rin ito sa kanyang paningin.
"Kris!"
Umalingawngaw ang malakas na pagsigaw ni Dara sa napaka tahimik na kapaligiran. Kris released his hold on Chann at pinabayaan itong bumagsak sa lupa. Lumingon siya kay Dara at saka ngumiti dito.
"Bakit Kris?! Bakit mo ba ginagawa ito!" Galit na galit na sabi ni Dara. "Bakit mo pinatay ang mga taong iyon at bakit gusto mong isipin ng mga tao na ako ang may gawa 'non?"
BINABASA MO ANG
My Immortal Love ( EXO FF )
Mystery / ThrillerDate started: January 27, 2015 Date finished: January 20, 2016