Epilogue

789 23 4
                                    

Dara's POV



Tahimik akong nakatayo dito sa harap ng terrace ng bahay ni Kai na katapat naman ng kanilang garden. Hindi ito kagaya ng Ravena's Mansion kung saan kami lumaki at namuhay, pero natanggap ko na rin sa aking sarili na ito na ang pinaka espesyal na lugar para sa aking kapatid. The house my brother chose to live in, to call home, the place where he and Sheena had found happiness, and where they planned to raise their own family.




Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot sa aking puso. Oo, magkakaroon nga ako ng mga cute at makukulit na mga pamangkin, but never any children of my own. Siguro nararapat lang din naman ito para sa akin. Afterall, Kai was right. The world was quickly changing and becoming more and more dangerous para mga kagaya kong chaser. Mas mainam ng wala ng batang magmamana ng pagiging chaser ko dahil mahihirapan lamang itong mabuhay ng payapa sa isang mundong mapanghusga.




Pero ang sabi naman ni Kai ay may kakayanan naman akong maging isang ganap na ina at madaming paraan para mangyari iyon. Madaming scientific procedures ang pilit niyang ipinaliwanag sa akin na hindi ko naman maintindihan, pero dahil isa siyang matalinong doktor kaya nagtitiwala akong kaya nga niya gawan ng paraan ang kundisyon ko. Isa din sa sinabi niya ay ang pag aampon na siya lang naintindihan ko. Gusto ko na sana ang ideyang iyon subalit may kundisyon si Kai. Matutupad lang daw ang lahat ng sinabi niya kung tuluyan na akong magiging mortal.




Sa ngayon ay sinasanay kami ni Kai na paglabanan ang sakit ng sinag ng araw, gaya ng ginawa niyang pagsasanay bago niya nakamit ang tuluyang transformation na maging isang ganap na mortal. Mahirap oo, masakit oo, pero pinipilit ko... pinipilit namin.




I pushed away that thoughts. This is not the time to worry about the future.





Pinagmasdan ko ang garden habang natatamaan ito ng maliwanag na sinag ng buwan. Napaka galing talagang mag alaga ng mga bulaklak ni Sheena dahil ito ang nagbigay ng buhay at kulay sa napalawak at gandang garden nila ngayon. At dahil sa banayad at malamig na hangin ngayong gabi ay amoy na amoy din ang halimuyak ng mga bulaklak dito. 





Suddenly, music began to play. Naisipan kasi nilang ilabas ang piano kanina at ilagay iyon sa may bandang dulo ng garden, medyo malayo sa kinatatayuan ko ngayon. I didn't expect na all this time na kasama ko siya ay mahusay din pala siyang tumugtog ng piano at napakagaling kumanta. I smiled at recognizing the song he had chosen for the occasion: "Beautiful by Exo's Baekhyun (english version)"




🎵 Hello, you came to me 🎵
🎵 Giving me your shy scent 🎵
🎵 In my hazy dream 🎵
🎵 You were shining, dazzling 🎵
🎵 With a fluttering heart, without knowing 🎵
🎵 I went to you, step by step 🎵
🎵 And stayed by your side 🎵
🎵My heart melts at your smile 🎵
🎵 When our eyes meet 🎵
🎵 My heart pounds 🎵
🎵 Oh remember my smile in your heart 🎵
🎵 Think about it several times a day 🎵
🎵 Oh words I want to say you to 🎵
🎵 Think about it several times a day 🎵
🎵 You're beautiful 🎵

My Immortal Love ( EXO FF )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon