Chapter 31 Sehun

852 38 8
                                    

Dara's POV






Lumipas ang dinner namin at nagkaroon ako ng oras para pagmasdan si Kris habang kumakain siya. Yung features niya ay hindi square kagaya nung sa kapatid kong si Kai, kundi sharp.






He seemed to hold more weakness than strength, kontra sa panlabas niyang anyo na hindi maipagkakailang guwapo at napaka charming. Nakita ko kanina kung paano siya tignan nung mga babaeng nakakasalubong namin paakyat nitong building.






Subalit marami mang babae ang humahanga kay Kris, hindi naman ako kasali sa mga iyon. Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung bakit. Hindi ko maiwasang ikumpara siya kay Chann, at kung bakit ako naattract sa kanya at hindi kay Kris.






"Ang saya ko at pina-unlakan mo ako sa date na ito Dara." Sabi ni Kris kaya nawala na naman ako sa aking pag iisip kay Chann.






Tumayo naman siya bigla at pumunta sa may side ko at naglahad ng kamay.






"Tara, let's walk outside, shall we? Napaka ganda nitong gabi para lang ubusin lang sa pag upo dito."






Napangiti naman ako sa kanya. Tama siya, agree ako doon. Mas ma-eenjoy ko ang gabi kung maglalakad lakad kami sa labas at hindi yung nandito lang.






Ilang minuto ang lumipas, nakababa na kami ng building at naglalakad na dito sa labas. Napatigil ako bigla sa paglalakad ng ma-realize ko na papunta pala kami ngayon sa may riverwalk.






Naalala ko na naman si Chann, nung nandito kami. Ayoko na sanang magpunta doon ng kasama si Kris dahil puro Chann na lang ang papasok sa utak ko pag nagpunta ako doon.






"Is something wrong, Dara?" Tanong sa akin ni Kris at mukang napansin din niyang ayaw ko magpunta sa riverwalk.






I just smiled up at him.
"No, uhmm.. mas gusto ko sanang maglibot libot sa ibang mga lugar pa dito, panay kasi iyang riverwalk na lang ang naging pasyalan ko eh."



My Immortal Love ( EXO FF )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon