Chapter 10: Fishball

126 13 1
                                    

Hyunah POV.

Ang bilis ng araw. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng magkita ulit kami ni Jedward. Parang prinsesa turing niya sa akin, Hatid-sundo niya ako araw-araw.

Nasa gym kami ngayon para mag practice ng sayaw para sa ipepresent namin sa program.

Inayos na ng Instructor yung formation namin. Pwinesto niya kami ni Rylie sa gitna dahil kami daw ang Visual ng section namin. Sa right side namin ni Rylie, si Ace at Irish. Sa left side naman si Althea at Max. Sa likuran naman namin nakapwesto si Layla at yung kaklase naming nerdy ang dating na si Jason.

"Psst Layla!! Palit na lang kasi tayo ng partner, ayoko talaga sa kapatner ko... Alam mo namang kina susuklaman ko yun!!" Pangungulit ni Althea.

"Si Max ba?" singit ni Rylie. "Max, ayaw ka daw kapartner ni Althea oh.." sigaw niya.

"Eww!! I hate mentioning his name, I hate him!! I super hate that jerk!" pasigaw na sabi ni Althea.

Lumapit si Max sa pwesto namin at humarap kay Althea. "Sa tingin mo ba dahil sa pagiinarte mo magugustuhan din kita... FYI Ayoko sa lahat yung Maarte at Conyo katulad mo!" Malakas na sabi ni Max kaya nagtinginan sa kanya lahat ng nakarinig.

"Perez at Ocampo makinig nga kayo!" Napatigil sila sa pagtatalo ng magsalita yung Instructor namin sa harap na busying busy sa pagpapaliwanag ng mga steps.

"Wag niyo kasing ipahiya yung sarili niyo!" Binelatan ko sila. "Ang arte niyo kasing dalawa, buti pa sila Irish at Ace hindi nalang kumikibo" Sinamaan ako ng tingin ni Irish pero tinawanan ko lang siya.

"Haaay... bilisan na natin para matapos na to" Inis na sabi ni Althea.

"1 2 3 4 5 6 7 8.. move forward guys!" sabi ng instructor namin.

"Stop!" sabi ng Instructor. "What's happening Irish?"

"W-wala po!" Iritang sabi ni Irish.

"Kailangan mo sumabay sa galaw ni Ace, Alam mo naman na isa si Ace sa magaling sumayaw dito.. Wag mo naman sana siya pahiyain!"

"Aiishh.." Napa-pikit at Napa-buntong hininga lang si Irish. Nag iba yung facial expression niya mas lalong naging intense.

"Okay ka lang?" tanong ko. Tinanguan niya lang ako.

Bigla naman nagsalita si Ace. Napatingin tuloy kami lahat sa kanya. "Ako na ang bahala sakanya. Hindi ko na hahayan na magkamali pa siya. Tuloy na natin!" sabi niya ng nakatingin ng seryoso kay Irish.

"Ok, from the top with music" Sabi ng instructor namin at p-linay na ang music.

Nagawa na namin ng buo yung steps at wala naman nagkamali samin.

"Annnddd... Good job everyone!!" sigaw ng instructor. "Break muna guys ng 20 minutes then from the top again"

Umalis muna yung baklitang instructor namin saglit. Umupo na muna kami sa may bleachers para magpahinga. Umupo

sa tabi ko si Rylie at inabutan ako ng tubig.

"Hindi ka pa ba pagod? Maghapon tayong nag-papractice" sabi ni Rylie habang sinusuklay niya yung buhok niya.

"Hindi pa. Keri ko pa!" Sabi ko pag tapos uminom ng tubig.

"Tara, gala muna tayo!" aya ni Layla.

"Ayoko, Nakakapagod!" pagrereklamo ni Irish.

"Oo nga naman" pag sang-ayon ko kay Irish.

"Hindi ka pa ba napapagod.. kanina pa tayo nagpapractice tapps nakuha mo pang maglakad lakad sa field" Sambit naman ni Althea.

"Gutom na kasi ako eh, magpapasama lang naman ako sainyo sa cafeteria" Sabi ni Layla, habang may kinukuha sa kanyang bag.

"Woooh.. Maghahanap ka lang ng bagong boyfriend eh?" sarkastikong sabi ni Rylie.

"Kung saan saan ka pa naghahanap, nandito lang naman ako" sabat ni Max at sabay sabay kaming nagtawanan.

"Ewan ko sainyo, diyan na nga kayo!" Napipikong sabi ni Layla sabay tayo at lumakad paalis.

Jedward POV.

Nag-umpisa na magreport yung mga kaklase ko.

"blaaaah... blaaaah..."

"blaaaah... blaaaah..."

Ayang "blah.. blah.." sila Ma'am yan pati yung mga nagrereport sa harap.

Nagsuot muna ako ng headset at nakinig sa ipod shuffle ko. Tingin ako ng tingin sa cellphone ko dahil wala pa rin akong reply na natatanggap galing kay Hyunah. Siguro hindi pa rin sila tapos mag practice ng sayaw.

Biglang may kumulbit sakin, si Flynn lang pala. Akala ko yung mga kaklase ko na naman babae na nangungulit at nag papapansin sakin.

"Wala ka bang balak ipakilala sa amin yung prinsesa mo?" tanong niya sabay akbay sa akin.

Nagsmirk lang ako at tumingin sa paligid. Nagbell na pala kaya tumayo na ko at lumabas na ng room, pupuntahan ko pa sa Gym si Hyunah.

Nakarating na din ako sa Gym at sakto lang yung dating ko kasi kakatapos lang ng practice nila, Agad na hinanap ng mata ko si Hyunah, Nakita ko agad yung mala-anghel na mukha niya. Haaay, ang ganda ganda niya talaga kahit kailan. Naglalakad na siya papalapit sa pwesto ko habang kumakaway at may malawak na ngiti sa mukha.

"Hi, kamusta practice?" Tanong ko habang pinupunasan ko yung mukha niya. Bata pa lang kami ginaganito ko na siya pagkatapos ng ractice nila ng Volleyball kaya nasanay na rin siya.

"Okay naman kaso medyo pagod, may practice ulit kami pero sa sabado pa naman" sabi niya na

may malawak na ngiti sa mukha. Naglalakad na kami ngayon palabas ng school.

"Alam m-" Napatigil ako sa pagsasalita ng may tumawag sa kanya.

----------------------------------------------

A/N: Alam ko namang Point of View niya ang hinihintay niyo!!! <3

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon