Rylie POV
Pic of Rylie on the side --->
During Flag Ceremony, habang nakapila kami, May babaeng nakaagaw ng atensyon ko na nakatayo lang sa gilid. Siguro transferee siya, Ngayon ko palang kasi siya nakita. Natulala ako sakanya kasi ang ganda ganda niya. Maputi, Matangkad, Mahaba ang buhok at Mukhang mabait. Hindi ko na tuloy naintindihan yung sinasabi ng principal.
"Hoy, Halika na! Pupunta pa tayo ng varsity room, kakausapin daw muna tayo ni Coach" Natauhan ako ng magsalita si Ace.
"Mauna na kayo, Mag C.R lang muna ko." sabi ko sakanila.
"May C.R naman sa varsity room ah?" sambit ni Ellis.
"Di ko na mapigilan eh" Sabi ko at nagsimula na kong tumakbo papunta sa CR.
Papunta na sana ako sa Varsity room ng may nakabangga akong babae. Pagka-lingon niya bigang bumilis yung tibok ng puso ko. Siya yung babaeng nakita ko kanina. Ang ganda niya pala talaga lalo na pag malapitan.
"Okay ka lang?" tanong ko sakanya. Nag nod lang siya.
"Bago ka lang ba dito?" tanong ko ulit.
"Ah-eh... Oo" sagot niya. Nagstu-stuttering pa siya haha "Pwede mo ba kong tulungan? Hinahanap ko kasi yung room ko eh" Sabi niya at pinakita niya sakin yung hawak hawak niyang papel.
Pagka-abot niya sakin ng papel natuwa yung puso ko sa nakita ko. section C-1 siya ibig sabihin magiging kaklase ko siya.
"Section C-1 ka din pala? Bali classmate pala kita" Ngumiti siya sakin.
"Sa second floor yung room natin, pang apat yung classroom natin. may makikita ka na nakapaskil dun na C-1 kaya hindi ka mahihirapan" Paliwanag ko sakanya. Hindi ko siya masasamahan dahil kailangan ko pang bumalik ng Varsity room.
"Sorry kung hindi kita masasamahan, may pupuntahan pa kasi ako eh" sabi ko.
"Okay lang, Thank you!" nakangiti niyang sabi.
Maglalakad na sana siya palayo pero bigla kong hinawakan yung kamay niya.
Nagulat naman siya sa ginawa ko. "Ano nga palang pangalan mo?" nakangiti kong tanong.
"Hyunah Faye" sagot niya.
"Hyunah? Nice name" ang ganda naman nung pangalan niya bagay na bagay sakanya. Tumango lang siya sakin. "Sige na, punta ka na room" sabi ko ulit ng nakangiti.
Pumunta na kami sa room. Pagkapasok namin, Ayun ang ingay ingay nanaman, nagsisi-tilian yung mga kaklase kong babae.
Kagad kong hinanap si Hyunah. Nakita ko siyang nakaupo sa bandang kanan. Nagkatinginan kami pero umiwas kagad siya ng tingin. Umupo na kami sa bandang likuran.
"Hoy lumayas ka diyan!" Sabi ko sa kaklase kong lalaki. Tumayo naman siya kagad at pinagkukuha yung gamit niya.
"Hello Irish" bati ni Max sakanya.
"Hello your face" Sabi naman ni Irish sabay irap kay Max. Lagi ng mainit yung dugo ni Irish samin simula ng mag break sila ni Ace.
Halos 5 months na pala silang wala, Sayang naman yung 3 years na pinagsamahan nila. Napaka-babaero kasi neto ni Ace.
"Sungit mo, sumbong kita diyan kay Ace eh" pang aasar ni Max sakanya.
"Tssss" Inirapan lang sila ni Ace. Kung sila pa siguro ni Irish hindi yan papayag na asar asarin lang ni Max yung girlfriend niya.
Dumating na yung magiging adviser namin. Nagpakilala siya samin. Pinatayo niya kami sa likod para ayusin yung seating arrangement namin.
"Class, para sa ating seating arrangement pag gigitnaan ng dalawang lalaki ang mga babae." sabi ni Mam Aguilar.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen Fiction"My first love, I'll never forget, and it's such a big part of who I am, and in so many ways, we could never be together, but that doesn't mean that it's not forever. Because it is forever." - Hyunah Diba ang "The One" eh ang True love mo o ang grea...