Chapter 21: Sorry

74 1 2
                                    

Nilingon ko kung sino yung nagsalita. Nanlaki mata ko sa nakita ko.

Nakita ko si Jedward na papalapit sa kinakatayuan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka niyang tanong. Shemaaaay *o* Ang gwapo gwapo ni Jedward ngayon lalo na't new haircut siya.

"A-ako? A-ano kasi.." Galit nga pala ako sa kanya. Dapat pigilan ko muna tong nararamdaman ko sa kanya. Kailangan ko muna mag sungit para naman malaman niyang may kasalanan siya sakin.

"Napadaan lang ako!" sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Baka naman may gusto ka lang makita sa Music room kaya dumaan ka dito?" Nakangisi niyang sabi.

Bigla naman akong namula sa sinabi niya. "W-wala kaya!" Pagdedeny ko. "Ang totoo niyan magC-CR ako"

"MagC-CR ka? Wala namang CR sa way na to ha? Sa ground floor pa yun o kaya sa kabilang building."

Aiiissshh... Ang tanga tanga ko naman magisip ng dahilan.

"Oo nga! May inabot lang ako kay..." Sakto biglang may lumabas na teacher sa room ng department sa may bandang dulo ng hall way. "May inabot ako kay Ms. Danica! Oo tama! May inabot akong libro kay maam"

"Teacher niyo pala si Ms. Danica?" sabi ni Jedward.

"H-hindi.. hindi.. inutusan lang ako ng isang teacher sa cafeteria na bigay ko daw yung libro kay mam danica" Mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko kaya Tumango tango siya. Sa wakas nakahinga na din ako ng malalim.

----

Jedward POV.

"H-hindi.. hindi.. inutusan lang ako ng isang teacher sa cafeteria na bigay ko daw yung libro kay mam danica" Saad niya. Tumango naman ako.

"A-ano jedward.. mauna na ko baka malate pa ko sa next subject ko" Sabi niya at dali-dali naman siyang naglakad paalis.

Napatingin naman ako sa relo ko. May 20 minutes pa namang natitira bago mag bell para sa next subject. Ano kaya nangyayari sa babaeng yun parang siya tarantang taranta nung nakita ako?

Pumasok na ko sa loob ng Music room. Nakita ko sila Flynn na tumutugtog ng piano at si Rocco na ang sarap ng higa sa sofa habang nanonood ng dvd.

"Oh dude, san ka galing?" tanong ni Flynn.

"Kumain ka na ba?" tanong naman ni Rocco.

Umiling lang ako. Kinuha ko yung nakasabit na gitara sa pader at umupo ako sa tabi ni Rocco.

"Wala kong gana.."

Napabangon kagad si rocco sa pagkakahiga at humarap sa akin. "Bakit dude, may problema ka ba?"

"Hindi ko alam kung tama ba yung napasukan kong gulo"

"Anong gulo?" Nakakunot noong tanong ni Flynn.

"Humingi kasi ako ng favor kay Ate, ang kapalit ng hiningi kong favor ay magiging solo artist niya ko. Paano na pag aaral ko neto!?"

"Talaga dude? Wow! Sisikat ka na talaga niyan!!" Tuwang tuwa na sabi ni Rocco.

"Congrats dude!" Lumapit sakin si Flynn at Ginulo yung buhok ko. "Panahon na para sumikat ka at wag ka mag-alala kaya mong pag sabayin yung pag aaral at pagiging singer mo."

"Teka nga, buti napapayag ka ng Ate mo diba sabi mo samin dati na ayaw mo maging sikat na singer dahil gusto mo ng mapayapang buhay?"

"Oo kaso pinangakuan ako ni Ate na kapag nakagraduate na tayo netong high school gagawin niya na din akong producer ng entertainment niya. Hindi naman ako makatanggi dahil matagal ko ng pinapangarap yung posisyon na yun." Sabi ko habang nag stustrum ng gitara.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon