Chapter 16: Family Problem

75 8 1
                                    


"Kung hindi mo naman naiintindihan, ako na lang yung humihingi ng tawad sa ginawa niya sayo. Mabait na tao si jedward, maiintindihan ka niya kagad kung sakaling humingi kayo ng kapatawaran sa isa't isa." Pagpapaliwanag ko.

"Tara na, malapit na magdilim!" Inalalayan niya ko tumayo sa swing. "Balik tayo ulit sa SE, kukunin ko lang yung motor ko tapos hatid na kita sainyo" Tumango lang ako at umalis na kami sa park.

Nang makarating na kami sa SE. Kinuha niya agad yung motor niya at dahan dahan niya kong inangkas sa likod. Mabilis niyang pinaandar yung motor niya na akala mo ay may hinahabol siya.

"Dahan dahan lang!" Sigaw ko. Napahinto naman siya bigla dahil naabutan kami ng red light. Napatingin ako sa mga gilid-gilid kung saan maraming restaurant ang nakatayo dito.

May isang babaeng nakapansin ng atensyon ko, pero parang kilala ko siya. Nakatalikod siya at parang may tinatanong siya sa guard ng mamahaling restaurant. Gumilid siya ng konti at narealize ko na si Irish pala yun.

Napa-isip tuloy ako kung anong ginagawa ni Irish doon at bakit nakasuot pa rin siya hanggang ngayon ng p.e uniform. Hindi pa kaya siya umuuwi simula kanina? Balak ko sana sabihin kay Rylie kaso pinaandar niya na kagad ng mabilis yung motor niya kaya hindi ko na tulnasabi.

Irish POV.

Kakatapos lang ng practice namin. Niligpit ko na kagad yung mga gamit ko at nagmamadali na akong lumabas ng Gym. Hindi ko na nakuha magpaalam sa mga kaibigan ko dahil sa nagmamadali ako.

Maghahanap pa ko ng mapapag-trabahuhan. Iniwan na kasi kami ni papa. Sumama na siya dun sa kabet niya. Wala ng susuporta sa amin. Hindi kaya ng sweldo ni mama yung tuition ko at yung mga araw araw na gastusin sa bahay.

"Saan naman kaya ako makaka-hanap ng trabaho" Sabi ko sa isip ko.

Sinimulan na maglakad lakad. Kung saan saan na ko nakarating dahil sa paghahanap ng trabaho. Nagpahinga muna ako sandali sa 7eleven at bumili ng makakain.

Mahigit isang oras at kalahati na pala akong naghananap ng mapapasukan. "Ang hirap pala ng ganitong buhay!" Bulong ko sa sarili ko. Napakamot na lang ako sa ulo.

Pagkatapos kong kumain ay pinagpatuloy ko na ulit yung paghahanap ng pwedeng pag-aplyan hanggang sa may nakita akong fancy restaurant na may nakapaskil na Wanted female waitress. Pumunta kagad ako doon at kinausap ko yung guard na nagbabantay sa resto.

"Manong, naghahanap pa rin po ba tong restaurant na to ng waitress?" Tanong ko.

"Ah, oo ija! May balak ka ba mag apply.. teka, magwoworking student ka ba?"

"Opo.. kasi kailangan na kailangan eh. Pwede po ba?"

"Oo naman, basta magpasa ka lang ng resume at ipakita mo yung school ID mo"

"Meron na po kagad akong dala." Dali dali kong binuksan yung bag ko at kinuha ko yung extra school ID ko pati yung resume na ginawa ko. Inabot ko na kay manong guard yung mga requirements.

"Sige, iaabot ko na to sa manager ngayon. Itetext o kaya tatawagan ka nalang nila kung sakaling natanggap ka" Sabi ni Manong guard habang tinitignan yung resume na pinasa ko.

"Salamat po manong guard!" Nakangiti kong sabi sabay bow.

Matapos ang mahabang lakaran ay nakauwi na din ako sa bahay.

"Ma.. nandito na po ako!" sigaw ko. Umupo muna ako sa sofa sa sobrang pagod.

"Oh ate nandito ka na pala!?" Sabi ng kapatid kong si Erica. Ako yung panganay samin, si Erica naman ang sumunod at si Cristel naman ang bunso.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon