Hyunah POV.
Nasa harap kami ng hapag kainan at kumakain na ng dinner. Ang sarap pagmasdan na kumpleto kami ngayon sa hapag kainan. Mas masaya siguro kung kasama pa namin ngayon yung asawa at anak ni Ate Sav.
"Oh, bakit di mo pa ginagalaw yang pagkain mo?" Tanong ni Kuya. Napatingin tuloy lahat sila sakin.
"Ah-eh.." sabay tingin ko sa cellphone ko.
Uuurrgghh! Bakit hindi pa siya nagtetext sakin. Ano na kaya nangyari sa kanya!?
Nagulat ako ng hinampas ni Kuya ang kamay niya sa lamesa. "Hyunah, ano na ba!? Kakain ka ba o Babato ko yang cellphone mo?" Pag ganito na ang tono niya, natatakot na ko.
"Sorry!" Nakayuko kong sabi. Binitawan ko muna yung cellphone ko at ipinatong sa lamesa. Nagsimula na din akong sumubo ng pagkain ko pero bawat subo ko ay sumusulyap ako sa cellphone ko kung may text ng natanggap galing kay Jedward.
"Kanina ka pa jan tingin ng tingin sa cellphone mo. May hinihintay ka bang magtext baby?" Tanong ni Daddy.
"Wala po daddy! Hinihintay ko lang po matapos yung dinodownload kong laro" Palusot ko.
Tinignan ako ni Ate Sav ng nakangiti na parang alam niyang palusot ko lang yung sinabi ko kay Daddy.
Tapos na kaming lahat kumain ng dinner. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ko sa kwarto ko para maglinis ng katawan. Sakto paglabas ko ng banyo biglang nagring ang cellphone ko. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tumatawag.
"Hello?" Masigla kong bati.
"Hi baby girl!"
Bigla naman akong nadismaya nung hindi pala si Jedward yung tumawag kundi yung magaling kong bestfriend na si Rylie.
"Oh.. Bakit ka napatawag rylie?"
"Bakit parang nalungkot ka ng malaman mong ako yung tumawag?"
"Ha.. hindi ah. Anong pinagsasabi mo diyan?"
"Ahh.. buti naman kung ganun"
"Bakit ka nga pala napatawag?"
"Wala kasi akong magawa dito sa apartment ko eh"
"Edi tumalon ka na lang diyan sa rooftop mo" Natatawa kong sabi.
"Ganyan ka na ba sa baby boy mong pogi? Pag nawala ako, wala ka ng bestfriend na gwapo, wala ng mangungulit sayo araw araw, wala ng magpapatawa sayo kapag badmood ka at higit sa lahat wala ng magtatanggol sayo kapag napahamak ka"
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ma-swerte nga talaga ko kay Rylie dahil ako ang nagiisa niyang bestfriend na babae. Sobrang maalaga siya sa pag dating sa kaibigan. Nalulungkot ako para sa kanya dahil dun sa sinabi niya sakin kanina sa school na hindi siya gusto ng babaeng gusto niya. Kung pwede ko lang sana kilalanin yung girl at pakiusapan na mahalin si Rylie. Ang totoo niyan hindi naman mahirap mahalin si Rylie, siguro nga kung hindi dumating sa buhay ko si Jedward, malamang magugustuhan ko siya.
"Ano na namang drama yan ha? Kanina nagdrama ka na sakin sa school, hanggang dito ba naman?"
"Hindi kaya to drama. Totoo kaya to!"
"By the way... Thank you rylie!"
"Thank you for what?"
"Thank you kasi sobrang maalaga ka sakin. Thank you kasi hindi mo ko pinapabayaan. Thank you baby boy!"
"Wala yun, basta para sa bestfriend ko na prinsesa ko na baby girl ko pa. Ako nga dapat ang magthank you sayo kasi dumating ka sa buhay ko at napagbago mo ang gagong Rylie. Sige na, bye na parang inaantok ka na eh. Goodnight! Kitakits na lang bukas, mwa"
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen Fiction"My first love, I'll never forget, and it's such a big part of who I am, and in so many ways, we could never be together, but that doesn't mean that it's not forever. Because it is forever." - Hyunah Diba ang "The One" eh ang True love mo o ang grea...