Chapter 8: Childhood love

140 14 1
                                    

"Hyunah!" Lumingon ako sa likod at nakita ko si Rylie na bumaba sa sinasakyan niyang motor sabay abot niya ng susi ng motorbike niya sa school guard.

"Oh bakit?" tanong ko sa kanya.

"Sabay na tayo pumunta sa room" Tumango lang ako.

"Bakit nga pala malungkot ka kahapon?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Hindi ako malungkot noh.. Nagka problema lang ako"

"Ano naman yun?"

"Wala na yun, Wag mo intindihin yun!" Natatawa niyang sabi.

Hinampas ko siya sa braso "Hoy Rylie, baka nakakalimutan mong Bestfriend mo ko, dapat nagsasabi ka sakin ng problema mo para matulungan naman kita" sigaw ko sa kanya.

"Sige, sa susunod na magka problema ako, Magsasabi na ko sayo" Sabi niya at Inakbayan pa ko. Pinagbubulungan tuloy kami ng ilang estudyanteng nadadaanan namin.

Pagkarating namin sa classroom, wala pa yung teacher namin. As usual yung mga kaklase kong babae ang sama na naman ng tingin sakin dahil kasabay ko si Rylie -_-

Umupo na kagad ako. Si Rylie naman ay pinuntahan sila Max at Ace na nasa sulok bandang likod. Nagsilapitan naman yung tatlo kong kaibigan sakin.

"Oh, Anong balita?" bungad ko sa kanila.

"Ikaw ang balita!" sabay nilang sabi.

"Ha??"

"Pinag tsi-tsismisan ka ng mga estudyannte dito kanina pang umaga" Seryosong sabi ni Layla.

"Bakit??" Magkasalubong kilay kong tanong.

"May nakakita daw sa inyo ni Jedward na magkasama kayo sa rooftop" - Irish.

"Nakakainis nga eh! Masyado silang mapag-imbento..." sabi ni Althea.

"Totoo yun! Magkasama talaga kami kahapon" Halatang nagulat sila sa sinabi ko.

"Pano nangyari yon? Close ba kayo?"  tanong ni Althea.

"Matagal na kaming magkakilala. Siya yung kababata kong matagal ko ng hindi nakita."

"Kaya ba hindi ka nakapasok sa physics dahil magkasama kayo?" tanong naman ni Layla. Tumango lang ako.

"So, kwento mo naman samin kung pano kayo nagkita kahapon" Excited na sabi ni Irish.

Kinwento ko sa na sa kanila yung buong nangyari kahapon. Kinikilig pa nga ako habang nagke-kwento pati sila kinikilig din.

----

Ilang minuto nalang Magla-lunchbreak na. Nagtext sakin si  Jedward na susunduin niya ako dito sa room. Sabay daw kaming magla-lunch. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

"Pass your papers now, Class dismissed." sabi ni Sir saka umalis ng room.

"Hyunah.. sabay tayo kumain?" Aya ni Rylie sakin.

"Sorry Rylie, may kasabay na kasi akong kumain eh"

"Ah ganun ba? Sige una na kami" Sabi niya sabay tayo at kinuha yung gamit niya.

"Mga loves, Hindi ako makakasabay sainyo. Gusto kasi ni Jedward sabay kami eh." sabi ko sa tatlo kong kaibigan.

"Ah sige... Okay lang! kitakits nalang sa next subject" sabi ni Irish.

"Have fun!" sabi ni Althea sabay kindat.

Paglabas ko ng room nakita ko agad si Jedward na naghihintay sa labas ng room. Pinagkakaguluhan na siya ng mga kababaihan at todo pacute pa sakanya pero hindi niya ito pinapansin. Hanggang ngayon napaka suplado niya pa rin. Nang makita niya ko ay umalis kagad siya sa mga babaeng nakakumpol sakanya.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon