"Irish?" Ha, Kilala niya ko? Tumingin tingin ako sa paligid para tignan kung sino yung tumawag sa akin.
"Sa likod mo, stupid!" Lumingon kagad ako sa likuran ko at nakita kong nakatayo si Ace na may dala dalang bola. Whaaaat.. si Ace? *o*
"Anong ginagawa mo dito?" sabay naming tanong. Nagkatitigan kami, siguro that was about 5 seconds. Umiwas ako ng tingin dahilan ng pag ngisi niya sakin.
"Irish, anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?" Tanong ni Ace na parang hindi makapaniwala na nasa harap niya ko.
"Pake mo ba?" Pagtataray ko.
"Don't be sarcastic Irish, tinatanong kita ng maayos kaya pwede ba, sagutin mo din ako ng maayos!" Naiinis niyang sabi.
"Hindi kasi ako makatulog kaya lumabas na muna ko. Sakto napadaan ako dito tapos nakita ko pang bukas yung ilaw kaya pumasok ako" Sabi ko in a cold tone. May konting galit pa rin kasi ako kay Ace hanggang ngayon.
"Baka pagalitan ka ng papa mo niyan?" Alam ni Ace kung gaano kahigpit yung papa ko sakin noon, kaso wala na siya kaya malaya na ko gawin ang lahat.
"Ikaw, bakit nandito ka pa?" Pagiiba ko ng usapan.
"Wala kasi akong kasama sa bahay, Umalis kasi si lolo sinama siya ni Auntie Belle sa Ilocos. Yung mga maid naman, nag day off" Namiss ko tuloy bigla si Lolo Arsen.
"Ah" Sabi ko. Magkukunwari akong walang pakielam.
Natahimik kami parehas at naging awkward yung atmosphere sa loob ng Gym.
"Uuwi ka na ba? Pwede bang samahan mo muna ko dito?" Tanong niya. Hmmm. Wala namang masama kung sasamahan ko muna siya dito. Ngayon na lang naman kami ulit makakapag-usap ng kaming dalawa lang.
"Sige, hindi pa naman ako inaantok!" Sambit ko. Umupo siya sa tabi ko at tinignan ako ng nakangiti. Namiss ko yung ngiti niya, yung lumalabas yung dimples niya sa magkabila niyang pisngi.
"Kamusta ka naman?" Tanong niya.
"Pasensya ka na kung hindi kita makamusta sa school. Natatakot kasi ako na baka isnabin mo lang ako""Okay lang naman!" Matipid kong sagot. "Ikaw, kamusta ka na?"
"Eto, excited! Malapit na kasi umuwi si Mommy" Siguro kung kami pa hanggang ngayon ni Ace, malamang excited din ako sa pag uwi ni Tita.
"Ah, kaya naman pala eh!" Sabi ko.
"Pansin ko lagi kang malungkot?" Napatingin ako sa kanya.
"Ako malungkot? Hindi ah!" Sabi ko na may pilit na ngiti.
"Halata sa mukha mo Irish. May problema ka ba?"
Napatingin ako kay Ace. "Wala ah!" sagot ko with matching fake smile.
"Kilala kita Irish! Alam na alam ko kapag may pinagdadaanan ka!" Kabisado niya nga pala ako.
Napabuntong hininga ako at napapikit ng madiin. Pakiramdam ko maiiyak ako. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko dahil sa problemang dinadala ko ngayon.
Naramdaman ko na lang na inakbayan niya ako at sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya. "Kung may problema ka, magsabi ka. Handa akong makinig sayo!"
"Iniwan na kami ni Papa. Sumama na siya sa iba!" mangiyak-ngiyak
kong sabi. "I began to hate him. Araw araw kong nakikita si mama na umiiyak, sobrang sakit! Sabi ni mama mahal na mahal kami ni papa, pero bakit pinagpalit niya kami!"Niyakap niya ko habang hinihimas yung buhok ko. I feel safe with his arms.
"Psssh! Tahan na! Hindi porket iniwan na kayo ng papa niyo, wala na kayong gagawin. Pilitin niyong magpakatatag, ipakita niyo sa papa niyo na kaya niyo na wala siya. balang araw, pagsisisihan ng papa niyo na iniwan niya kayo. Kagaya ko!" Umalis ako sa pagkakayakap niya sakin at tinignan ko siya ng seryoso-ka-ba-diyan look.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen Fiction"My first love, I'll never forget, and it's such a big part of who I am, and in so many ways, we could never be together, but that doesn't mean that it's not forever. Because it is forever." - Hyunah Diba ang "The One" eh ang True love mo o ang grea...