Hyunah POV
Pic of Hyunah on the side ------------->
"Hey, baby girl wake up!" sabi ni Mommy. "1st day mo ngayon sa bago mong school" Oo nga pala, June na ngayon kaya Start na ng pasukan dito sa pilipinas.
Noong elementary pa lang ako dito ako pinag-aral sa pilipinas nila mommy at daddy, pero simula ng tumuntong ako ng highschool sa states na nila ko pinagaral dahil nandun ang family business namin.
We have 2 different kinds of business coz both of my parents were totally rich.
My mother's business is Fashion essence. My mom is a well-know designer. We have a famous store here in the philippines & Italy while my Dad's family business were medicine. We owned the best hospital in U.S.
Pero ngayong 4th year na ko dito na ulit ako magaaral sa pilipinas dahil nagpatayo na rin dito si daddy ng another franchise ng hospital dito sa manila.
"Mommy, I'm still sleepy" Nagtakip ako ng unan sa mukha.
"Hindi pwede yan! Kumilos ka na baka malate ka pa" niyuyugyog ni mommy yung kama ko, "Iisang school na nanaman pinapasukan niyo Jedward" Napabangon ako sa sinabi ni mommy. Totoo ba yung narinig ko na schoomate ko ulit si jedward.
"Seriously mom?" Seryoso kong sabi.
Si Jedward yung kababata kong lalaki na bestfriend at 1st love ko. Classmate ko siya simula nursery hanggang grade 6. Hindi na kasi kami nagkaroon ng communication simula nung umalis ako. Kamusta na siy?
"Nakasabay ko siyang bumili ng uniform dun sa school saka ko lang napansin na siya yun nung umalis na siya. Hindi ko na siya tinawag, mukha kasing nagmamadali siya eh" Tumayo na si mommy sa kama ko "O sige na, Magpeprepared na ko ng breakfast niyo ng kuya mo, maligo ka na ha baby!" lumabas na siya ng kwarto ko. Aiiiishhhh ang laki laki ko na baby pa rin tawag nila sakin -__-
Tumayo na ko sa kama at naghihikab na pumasok sa loob ng C.R. Binilisan ko ang pagligo ko dahil ayokong malate.
Sinuot ko na yung bago kong Uniform. Palda na above the knee na kulay red checkered, White blouse with blazer na color black at may Red checkered na Bow tie.
After kong magbihis dumiretso na ko sa dining area para mag almusal. Nadatnan kong kumakain na si Kuya, May pasok na din pala siya. Napatingin naman siya sakin.
"Bat ganyan naman yung uniform mo, ang ikli ikli ngpalda"
sabi ni kuya hayden habang masama ang tingin sa akin? o sa suot ko?
"Ganyan talaga yan hayden! Naku ang ganda at sexy naman ng baby namin sa bagong uniform niya" nakangiting sabi ni mommy. Napakamot nalang ako ng ulo at umupo na sa tabi ni Kuya Hayden.
Ako ang bunso sa aming apat na magkakapatid.
Yung panganay kong kapatid na si Ate Savannah ay nasa Italy, siya ang namamahala sa business namin doon. 24 years old na siya at Meron na siyang asawa at isang anak na babae.
Sumunod naman kay Ate Sav si Kuya Hayden. He's a graduating college student. 4 na taon ang pagitan nila ni Ate Sav. Nung nasa states kami, Siya lang ang tanging naiwan dito sa pilipinas dahil gusto niyang magtapos ng kolehiyo dito. Tumira muna siya sa condo at buwan buwan siyang pinapadalan ng pera.
Si kuya hayden ay may pagka Bad boy at siya ang tumatayong leader ng grupo nila. Mapang-asar, Happy go luck at lagi ko siyang kasabwat pag dating sa kalokohan simula bata palang kami. Napaka over protective niya samin mga kapatid niya. May pagka-mahigpit din siya at super strict samin lalo na pag dating sakin. Naiintindihan ko naman siya kasi para naman to sa kabutihan ko.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Dla nastolatków"My first love, I'll never forget, and it's such a big part of who I am, and in so many ways, we could never be together, but that doesn't mean that it's not forever. Because it is forever." - Hyunah Diba ang "The One" eh ang True love mo o ang grea...